Chapter 18

615 21 0
                                    

Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sakanya kaya naisipan kong mag iwan nalang ng note at kay Ma'am Madona at Madelaine nalang magpapaalam. Tatanungin ko narin si Oliver kung pwede niya ba akong ihatid dahil wala akong alam sa lugar nato at since sila lagi ang kasama ko kapag may pupuntahan.

"Maddy? I'm just going to buy something for myself ha? I'll be back before dinner," hindi siya kumurap na para bang hindi niya na naintindihan ang sinabi ko.

"Where are you going?"

"Sa Mall lang. Day off ko kasi kaya naisipan kong bumili ng mga kailangan ko, is that okay to you?" this time, tumango na siya pero parang hindi parin makapaniwala na aalis ako ng hindi siya kasama.

"Who's going with you?" tanong niya ulit. Hinawi ko ang buhok na nililipad sa hangin at inipit sa likod ng tainga niya. Andito na naman siya sa garden nila tumambay dahil binabantayan daw niya ang sunflower niya.

"Uncle Oliver," maiksi kong sagot. Hindi ko pa nga alam kung papayag ba 'yun eh pero sana naman. Bigla namang bumilog ang mata niya.

"Are you going on a date with him?" bigla akong nataranta sa tanong niya.

"No, Maddy!" I shake my head violently. Huminga naman siya ng malalim. Hindi ko inaasahan na may interrogation pang mangyayari at kay Madelaine pa.

"Okay, then." tumango siya. Ngumiti ako sakanya at tumayo na.

"Just be back before dinner," paalala niya ulit. May nakuha din palang kakulitan 'tong bata to kay Eusef.

Pumasok nako sa loob at hinanap naman si Oliver. Ipapahuli ko muna si Ma'am Madona since nasa taas pa siya.

Naabutan kong nasa sala naman si Oliver at may binabasang libro. Himala at walang ginagawa. Kadalasan kasi hindi ma pirmi ang katawan nito at laging gusto may ginagawa. Nilapitan ko.

"Oliver?" nalipat ang tingin niya sakin mula sa libro. Kahit medyo matagal nakong nandito, nakakatakot parin na ewan makipag usap. Kumportable naman akong kasama siya pero ewan ko ba, nakaka intimidate din minsan katahimikan niya.

"Pwede mo ba akong ihatid sa Mall lang? Day off ko kasi kaya naisipan kong bumili ng mga kailangan ko," tiningnan niya ang suot ko. Naka t-shirt at pedal shorts lang ako dahil wala nga akong ibang damit. Tsaka Mall lang naman 'yon, sa syudad lang kaya hindi ko naman kailangang mag bihis ng enggrande.

"Sure," at tsaka bumalik na agad siya sa pagbabasa. Odiba! Parang wala lang nangyari.

Umakyat nako sa taas para sa susunod kong misyon. Sana lang ay hindi tulog si Ma'am Madona para makaalis nako at ng makabalik narin agad. Kumatok ako sa pintuan niya.

"Come in!" sigaw niya mula sa loob. Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto. Ng makita niya ako, binaba niya rin ang binabasang papel at tinanggal ang eyeglass.

"Sorry po sa istorbo. Mag-papaalam lang po sana ako na pumuntang Mall, day off ko po kasi kaya naisipan kong bibili po ako ng mga kailangan ko." paliwanag ko. Tumango naman siya agad.

"Okay, you can go."

"Salamat po," mahina kong sabi pero bago ko pa mabuksan ulit ang pinto ay tinawag na niya ako.

"Here, buy more." inabutan niya ko ng blue bills. Yes! Blue bills! With letter S!

"Meron napo akong-"

"Tanggapin mo na, advance pamasko." nahihiya akong lumapit at kunin pero sa huli, ayaw naman nating mangalay si Ma'am Madona diba? Kaya kinuha ko nalang.

"Thank you po talaga Ma'am-"

"Also, call me Tita. I don't wanna hear my name in repeat," tumango tango naman ako.

Babysitter ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora