Chapter 10

713 21 0
                                    

"Ate, you know someone asked me where my Mom is," napahinto ako sa pag-aayos ng kama niya. Kakagising niya lang kasi from afternoon nap niya at may homework din daw siyang gagawin.

Isang linggong nakalipas at buti nalang nakapag adjust na agad si Madelaine sa school niya. Although konti lang naman silang mga students sa isang room, hindi parin madali para sa ibang bata mag-adjust kaya nakakatuwang marinig na nag-eenjoy siya.

"What did you say?" kuryoso kong tanong at naupo sa gilid niya. Busy siya kaka-trace ng mga letters ng pangalan niya. Hinawi ko na naman ang buhok niyang humaharang sa mukha niya.

"I told him I have one but I didn't meet her," parang may lumukot sa puso ko dahil sa sinabi niya.

Naalala ko tuloy ang mga panahong pinagtatawanan ako dahil wala akong Tatay na mapakilala sa mga meetings  noon. Hindi naging madali para sakin at proud na proud ako na kayang kayang harapin ni Madelaine ang lahat ng ito.

"Really? What did you tell to your classmate then?"

"Sometimes I'm sad, but it doesn't actually matter because you're here na," seryoso parin siya sa ginagawa niya.

"Also, I met this girl on the playground yesterday. She was crying and she told me that she feels sad whenever she saw how Moms hug their kids after school 'cause she don't have one. She didn't meet her Mom. I told her that we're the same and she stopped crying," ngumiti siya pero agad ding nawala at tumigil sa pagsusulat. Humarap siya sakin.

"I always wonder why I didn't meet my Mom, is she also pretty like me? Do she love me? If she does, then why doesn't she wants to see me?" hindi ako nakasagot. Yun din ang tanong ko dati sa sarili ko at ang sakit makita na meron ding iba pang bata ang nakakaranas ng naranasan ko.

"Of course baby, she loves you," ayokong magsinungaling dahil alam ko kung anong feeling ng pinapaniwala ka sa hindi totoo. Kung mahal ako ni Dad noon, bakit siya umalis? Bakit niya kami iniwan? May kulang ba samin?

"Ate, do you have a Mom?"

"Yes, Maddy," tango ko.

"How about, Dad?" napakagat ako ng labi ko.

"Hmm...yes, but unfortunately they're divorced," sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"What's divorced?"

"Divorced means they're not living together anymore because they don't love each other anymore," biglang nalukot ang mukha niya at naluha, agad naman niya itong pinunasan ng palad niya. 

"Shh...why are you crying? Ha? What's wrong?" Agad ko siyang niyakap at hinele pero patuloy parin siya sa pag-iyak.

"So the reason why my Mom left me is because she doesn't love my Dad, and she doesn't love me," pinigilan kong hindi maiyak sa sinabi niya at huminga ng malalim. Lumayo ako sakanya at pinahid ang luha sa pisngi niya.

"Maddy, listen to me," hinawakan ko ang mag kabilang pisngi niya.

"Don't ever think na your Mom doesn't love you, okay? She loves you, but maybe she have her own reasons to tell. Maybe, one day you're going to see her na and then talk to her about everything, okay?" tumango siya at niyakap nalang ako.

☆☆☆

Nagising ako sa feeling na nangangalay na ang braso ko sa pag sandal ni Madelaine sakin. Dahan dahan kong inayos ang ulo niya sa unan bago ako tumayo at umalis sa kama niya. Napatingin ako sa wall clock niya at ala-una na ng madaling araw. Ayaw kasi niya mag paiwan kaya inantay ko nalang siyang makatulog.

Nakaramdam ako ng uhaw at naisipang bumaba bago para uminom ng tubig bago bumalik sa kwarto ko at matulog.

As usual, naka patay na ang lahat ng ilaw at tanging naging gabay ko ay ang ilaw ng buwan na nang-gagaling sa bintana. Kumuha ako ng baso at binuksan ang ref para magsalin ng tubig.

"Can't sleep?"

"Ay tipaklong kabayo!" muntik ko pang mabitawan ang baso dahil sa gulat. Agad akong lumingon at nakitang nakahiga si Eusef sa sofa sa sala.

"Anong ginagawa mo dito? Ba't di ka natutulog?" ininom ko na ang tubig at sobrang tuyo na ng lalamunan ko. Lumapit siya sa kusina at kita agad sa mga mata niya kung gano siya kapagod at ka-stress.

"Anyare sayo?" naka damit pantrabaho pa siya kahit na tapos na kami kumain. Sumakto kasi ang dating niya kaninang hapunan at medyo nagulat pako dahil ito ang kauna-unahang gabi na na-late siya umuwi.

"Nakatulog nako sa kwarto ni Madelaine. Bumaba lang dahil nauhaw ako," sagot ko sa una niyang tanong dahil hindi siya kumibo sa tinanong ko. Nagsalin ako ng tubig pa sa isang baso at dahan dahang ini-slide sakanya sa counter top.

Hindi narin ako kumibo at naisipang umakyat nalang at nawawala na ang antok ko. Kailangan ko ng maayos na tulog para sabayan ang napaka energetic na batang si Madelaine.

"I heard you," napahinto ako bago pako maka tapak sa hagdanan at nilingon siya. May binulong ba'ko?

"Ha?"

"I heard you talking with Madelaine earlier, I heard...everything," medyo nag-alangan pa siya sa huli niyang sinabi. Bumalik ako sa kusina.

"Narinig mo kami?" pagka-klaro ko. Tumango naman siya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko at nanatili lang tahimik.

"I don't know, I feel like I really have to tell Madelaine about it," napatingin ako sakanya.

"I don't want to keep something from someone who gives me reason to live, she deserve more than that," this time, ako naman ang tumango.

"Maiintindihan naman ni Madelaine kung bakit kailangan mo munang itago sakanya, lahat ng bagay may tamang panahon," kitang kita ko sa mga mata niya na pagod na siyang itago ang lahat sa nag-iisang anak niya. Anak niyang walang ibang ginawa kundi magdala ng ngiti sa labi niya.

Alam kong proud si Eusef at mahal na mahal niya si Madelaine, pero nakikita ko ring nagi-guilty siya tuwing lumalapit siya kay Madelaine. Alam ko ring hindi rin madali para sakanya ang itago ang lahat.  

"Madelaine is more than what you think, mapapatawad ka ng bata kung bakit mo piniling itago muna sakanya," hindi na muli siyang nag salita.

"Magpahinga kana, maaga ka pa bukas. Matutulog nako," aakyat na sana ulit ako ng tawagin niya ko. So talagang tina-timing ano?

"Thank you," nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Totoo ba'tong naririnig ko? o dahil lang to sa pagiging sleep deprived ko these past few weeks?

Tumango ako.

"Tama yan, magpaka anghel kana," at iniwan siya doon.

Umakyat na ako at iniwan siya. Napahinto rin ako pag sarado ng pintuan ko.

Nagpapakabait na ba siya for a change? O na carried away lang sa emosyon? Make up your mind Eusef! Ang moody mo!

edited version (10-11-20)

Babysitter ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt