Chapter 15

673 19 2
                                    

Tahimik kaming nasa loob ng sasakyan, medyo naaliw lang ako kakamasid ng tanawin sa labas dahil ang nakasanayan kong view na mga buildings sa Manila ay napalitan na ngayon ng mga naglalakihang bundok at malalawak na kapatagan.

Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaang lugar ba ako. Tuwing itatanong ko kasi kay Euser, nati-tiyempuhang magkagalit kami o wala siya.

"How's Madelaine?" basag ng katahimikan ni Ma'am Madona. Sumulyap naman ako sandali kay Eusef na seryosong nagmamaneho bago bumaling ulit sa mas deserving ng attention ko: ang tanawin sa labas.

"She's all grown up and became talkactive. Although it's still a bit hard to make her open up to me," doon na talaga niya nakuha ang buo kong atensyon. Anong ibig sabihin niya?

"Why? Is she still looking for her mother?" medyo napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Ma'am. Hindi inasahang maririnig yon ng diretsyahan galing sakanya.

I feel like sinking in my seat while listening to them exchanging conversation. The topic is too sensitive even though I'm not really involve in any way but I feel like they should wait to get home before talking about all of this in a more private area.

Nakalimutan ata nila na nandito ako at wala talaga siguro sa isipan nila na maaari kong ipagkalat ang lahat ng ito. Pero bakit ko naman gagawin yon? Ibig sabihin lang non ay pinagkakatiwalaan nila ako since babysitter lang ako or...hindi pa ata alam ng Mama ni Eusef na hindi ko pa alam ang buong kwento.

"No," maikling sagot ni Eusef pagkatapos ng mahabang katahimikan. Bumuntong hininga naman si Ma'am Madona.

Hindi na ulit nadugtungan ang usapang yon at nakarating na kami sa hacienda. Napansin ko pang pasulyap sulyap si Ma'am Madona sa paligid na tila ba may mali sa mga ito habang si Eusef ay nilalabas ang mga gamit sa compartment.

"Hindi ba ito naaalagaan?" tanong niya habang nakamasid sa buong hacienda. Napalingon ako sa paligid at saktong wala si Eusef. Pambihira nga naman oh! Ako pa mapapahamak! Sa huli, wala nakong nagawa at nilapitan ko nalang siya.

"Ah, hindi po gaanong naaalagaan dahil lagi pong busy si Eusef, ganun din po ako kay Madelaine," rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sa bawat salitang binitawan ko. Hindi siya kumibo at tumango nalang tsaka naglakad papasok ng bahay. Napahinga ako ng maluwag at sumunod na sa loob.

Parang feeling ko kailangan araw araw na talaga kaming mag lilinis hangga't nandito si Ma'am Madona, yung mga tinginan kasi niya parang nakakapatay. Lagot na! 

"Oliver! You're here!" maingay ang naging batian ng mag-anak habang ako hindi ko naman alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Siguro sa CR nalang muna ako magtatago? Pero what if...kailangan mag CR ni Ma'am Madona tapos dun ako tumambay? Sa kwarto kaya? Eh baka naman isipin niya ang hayahay ko.

"Help me put all her things upstairs," utos ni Eusef at agad naman akong sumunod. Para narin may pampalipas oras ako.

Kukunin ko na sana ang ala-duffel bag na dala ni Ma'am ng unahan ako ni Eusef, tumango nalang ulit ako pero ng mabaling ang atensyon ko sa kung ano ang iaakyat ko, agad na sumurok ang dugo ko. Pano ba namang hindi eh maleta ba naman ang iwan para sakin?! Kaya ko bang iakyat itong mas mabigat pa sakin?!

"Bwiset ka talaga," bulong ko at sinimulan ng hilain ang maleta paakyat. Narinig ko na ang  mga mabibigat niyang yabag ng paa pabalik sa hagdan habang ako, hindi pa nangangalahati sa pag-akyat.

"Why are you so slow?" reklamo pa niya pero kinuha din naman ang maletang dala dala ko. Pinagulong na niya yon ng makarating kami sa taas. Sumunod naman ako sa loob ng guest room.

"Ano ng gagawin ko?" nag-aalala kong tanong. Nalilito naman siyang lumingon sakin.

"What? What are you going to do?"

Babysitter ✔Where stories live. Discover now