Chapter 2

1.4K 31 0
                                    

Ayejay

"So, you're awake..." Napaubo ako ng makita ko kung sino ang kaharap ko. Putangina lang, sana pala tinuluyan nalang nila 'ko.

"IKAW NAGDALA SAKIN DITO?!" Hindi ko maiwasang hindi magulat dahil punyeta lang talaga, kinamumuhian ko siya.

"Isn't obvious? Of course, I am. This is what I told you, we're destinied to see each other again," hindi ko maiwasang hindi mag cringe dahil pinapaulit ulit talaga niya ang pagiging destiny naman sa isa't isa. Gwapo siya pero hindi pang wholesome.

"Remember, Miss Whoever-you-are may kasalanan ka sakin," nilapitan niya ko at agad din akong nacorner sa gilid ng bintana.

"Pinahiya mo ko sa daan kaya ang mga bratinella na katulad mo ay kailangang turuan." Rinig na rinig ko ang pag kabog ng dibdib ko sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kinakabhan nako pero hindi ko pinapahalata at baka mapunt pa sa iba ang usapan. Tinaasan ko ang noo ko para makita niyang diko siya aatrasan. Mga ilang segundo pa siyang tumitig sakin bago siya lumayo. Nakahinga naman ako ng maluwag.

Hindi pa'ko nakaka recover sa ginawa niya ay bigla na naman niya kong hinila at tinulak sa sofa. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"A-anong gagawin mo?" Natataranta kong tanong sa mababang boses. Medyo nahirapan pakong maupo dahil sa nakatali kong kamay at halos mapasigaw ako ng pumaibabaw siya sakin. Agad niyang tinakpan ang bibig ko at napapikit nalang ako.

Bumukas ang pintuan at medyo awkward pa ang lahat ng makita niyang nakapaibabaw ang boss nila sakin. May dala dala siyang tray ng pagkain at hindi ko namalayang wala na pala ang tali sa mga kamay ko.

"Di kita papatulan kung yan ang iniisip mo," bulong niya na ikina bwiset ko. Pinalo ko siya sa braso niya.

"Ang feeling mo! Malang matataranta ako dahil bigla bigla mo nalang akong itutulak sa sofa, anong gusto mong isipin ko?!" Ngayon ko lang din nalaman na hindi ako makapag salita ng hindi sumisigaw kapag siya ang kausap ko. Bwiset eh.

"Oh come on, just say that your expecting,"

"Expecting mo mukha mo!" Tinulak ko siya palayo at lalapit na sana ako sa pintuan ng bigla niya kong hinila pabalik.

"Where are you going? Your room is not ready yet, mabuti pa't kumain ka nalang ng matahimik ka," bago pako makapag salita muli, lumabas na siya. Hindi ako mapakaniwalang pinag mukha niya kong baboy na puro pagkain lang ang iniisip at pagkain lang makakapatahimik sakin. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero lintek nga naman oh, ni-lock nila. Napailing nalang ako.

Nagsasayang lang ako ng energy, mabuti pa't kumain na nga lang.

Bago pako maupo ay bumukas ulit ang pinto.

"We'll talk after you eat. I can see you," he pointed out the CCTV camera on the ceiling before he closes the door once again, halos maputol ang litid ko sa pang gigigil at pag titimpi. Hindi talaga siya nakuntento at may CCTV pa talaga!

☆☆☆

"Bakit ang sarap mo?"

Tanong ko sa mashed potato with gravy sa harap ko habang tinititigan ko. Buti nalang at masarap ang pagkaing binigay nila kundi mag wa-wild talaga ako.

Ininom ko ang natirang iced tea at pinagpatulog ang pagkain ko ng biglang bumukas ang pinto. Wag nang sabihing-

"Ma'am, pinapatawag na po kayo," inform ng tauhan niya. Naningkit ang mga nata ko at agad na napatingin sa CCTV. Tumayo ako bago pinakitaan siya ng middle finger. Alam na alam niya pano ako ma-triggered eh. Storbohin ba naman ako sa pagkain ko!

"Ma'am?" No choice ako kundi ang sumunod. Pwede namang siya nang pumunta doon, kailangan ako pa talaga?

Unang beses kong makikita ang labas ng kwartong pinagstay-an ko at no joke, ang ganda ng bahay nato. Kung sino man ang may ari na'to may taste siya.

High ceiling ang hallway, tiled wood ang flooring at malalaki ang bintana. Hindi ko maiwasang hindi mapahinto at mamangha sa kung gaano kalawak ang damuhan sa labas na kailangan pa akong tawagin ng ilang beses para mapalayo sa bintana.

Apat na pintuan ang nalagpasan namin at sa pina huli ay may isa pa, dun kami huminto. Kumatok ang tauhan at narinig ko ang pinaka kinabibwisetan na boses sa buong mundo.

I never thought that I would loathe someone so much.

"Come in," sigaw niya saloob at automatic na napairap naman kaagad ako. Nakakairita talaga boses niya!

Pinapasok na kami at agad ding lumabas ang tauhan. Napatingin agad ako sa paligid ko. Identical room lang din siya ng entertainment room pero dito may lamesa siya, mga mga books shelves at drawer. Sa tingin ko ito ang office niya. Mas manly lang din itong kwartong to dahil sa accent wall na grey. Maliwanag parin naman kahit papaano dahil sa laki ng bintana.

Dahil isa akong dakilang ususera, pinuntahan ko agad ang may mga picture frames sa shelves.

"Sino to?" Turo ko sa isang batang lalaking naka jumper na nakaupo sa kama habang may candy na hawak.

"It's me," napakunot ang noo ko.

"Weh? Eh ang cute cute ng batang to tapos ikaw ang pangit? 'Di ako naniniwala," tumingin pako at nahagilap ng mga mata ko ang isang maganda babae.

"Ito, sino to?" Turo ko ulit. Asawa niya siguro or girlfriend. For sure, ganyan ang mga tipo niya.

"My Mom," napataas ang kilay ko.

"Wow, ang ganda niya dito. Akala ko wife or girlfriend mo eh," bago pako makapagpatuloy maging ususera, pinahinto na niya ko.

"We're wasting so much time, we need to talk now,"

"Teka lang, ilang minuto lang naman eh. Baka pwedeng-"

"Stop!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Napakagat ako ng labi.

Halatang ubos na ang pasensya niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumahimik.

"Let's talk now," umalis siya sa harap ko at sumunod naman ako. Naupo ako sa upuan sa gili ng tapat ng lamesa niya at inantay siyang makaupo. Huminga siya ng malalim.

"Okay, I need you to do something for me," ang unang sinabi niya.

"Because you owe me something-"

"Anong utang ko sayo?" Kunot-noo kong tanong pero agad din natikom ang bibig ko ng titigan niya ko.

"Kasalan ko ba kasing lumabas ka sa entrance, eh entrance nga diba?" Bulong ko pa at ng makitang nakatitig parin siya, napaubo ako.

"Sorry, continue," napatingin ako sa paa ko ng manahimik siya. Bakit ba kasi siya nagagalit bigla bigla? Ang moody niya ha, pasalamat siya medyo natatakot ako sa inaasal niya ngayon pero bwiset parin siya. Sobra!

"You're going to be a babysitter," halos mabali ang leeg ko sa paglingon ko sa gulat ng marinig ang sinabi niya.

"A-ano ulit yon?"

"A babysitter,"

"Sinong babysitter?" May binanggit ba siyang pangalan? Wala naman diba? So hindi ako yun, diba? Diba?

"Uh...mag-ha-hire ako ng babysitter... for you...?"

"No...no...teka naintindihan mo ba sinabi ko?"

Hindi, hindi pwede to.

"Paki ulit, baka nabingi lang ako saglit, please?" Huminga ulit siya ng malalim habang ako'y pigil hininga naman.

"I said, you're going to be a babysitter." Napatayo ako sa sinabi niya. 

"What?! No way! Bakit ako?!" Pero hindi na muli siyang nagsalita.

"Hoy bakit ako?!" Tanong ko ulit pero sa totoo lang, parang ayoko ng malaman yung dahilan at gusto ko nalang umiyak.

edited version (09-30-20)

Babysitter ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu