Chapter 33

473 14 0
                                    

Nagising ako sa mahina na katok sa pintuan at dahan dahang bumangon. Napatingin pako sandali sa paligid ko at tulog na tulog parin ang mag-ama.

Sinuguro kong hindi makagawa ng ingay dahil ayoko silang magising bago ko naglakad ng dahan dahan sa pintuan. Binuksan ko ito at sumalubong sakin ang breakfast.

"Good morning! Are you Ms. Ayejay Mileño?" nakangiting bati ng server sakin. Nag-aalangan pakong tumango na tila ba nag dadalawang isip kung ako nga ba talaga yung binanggit niya.

"Mr. Eusef Monroe requested last night for a breakfast in bed. Do you mind if I push the trolley inside?" napailing ako. Natutulog pa si Eusef at ang ayaw pa naman niya ay ang may ibang tao.

"Ah—ako nalang. Thank you!" nahihiya kong sabi sakanaya habang siya naman ay makahulugan ang mga ngiti.

"Okay, then. Enjoy your meal!" matamis ang ngiti niya bago ito umalis at naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin at ng makaliko na siya sa huling pasilyo, tsaka pako pumasok.

Problema nun? Kung makangiti para namang may ginawa kaming kababalaghan kagabi...

Tinulak ko papasok ang 3 layered trolley na may mga nakatakip na pagkain. Itinabi ko muna ito bago ako pumasok sa bathroom para maghugas ng kamay.

"Ate..." nakatunganga si Madelaine sa kumot niya habang kinakamot naman niya ang ulo niya. Naalimpungatan ata.

"Yes, Maddy?" sabay sulyap ko sa wall clock. Mag a-alas syete palang ng umaga at medyo maaga pa para gumising siya. Tinabihan ko siya ng upo tsaka kinausap.

"It's early pa. Do you want to go back to sleep?" bulong ko sakanya habang inaayos ang mga hibla ng buhok niyang tumatakip sa mukha niya. Umiling siya.

"Do you want to brush your teeth and wash your face?" umiling din siya. Wala pa siguro siya sa mood kumilos kilos kaya pinabayaan ko nalang muna. Tatayo na sana ako para ayusin ang mga pagkain at ng mailipat sa lamesa ng mag salita muli siya.

"Are we going to stay here for good?"

"No, Maddy. But I think we're going to stay here for another day since your Dad is too exhausted to drive..." ayoko namang sabihin na bagsak ang Daddy niya dahil uminom sila kagabi, mapapa-explain na naman ako kung ano ang ibig sabihin ng word na yon.

Nanlalaking mga matang tumingin siya sakin.

"Really? Then can I still swim in the pool?" tumango ako.

"Of course!" halos gising na ang diwa niya ng marinig niyang um-oo ako.

Hindi ko naman sinasadyang sumulyap sa naghihilik na si Eusef. Sobra atang napagod sa biyahe tapos uminom pa, oh ayan. Masyado ring nag pasobra.

Nauna na kaming kumain ni Madelaine at nag aaya ng sa dagat naman maligo. Hindi ko na kinatok pa sila ate Tiny at baka natutulog pa.

"Ate, do you want to build a house like this?" basag-katahimikang tanong ni Madelaine habang hawak-kamay kaming naglalakad sa buhanginan.

"Oo naman!"

"Then can we build a house here? 'Cause I don't really wanna go home." Malungkot niyang sabi. Nakarating na kami sa dagat at agad din namang na divert ang attention niya ng makakita siya ng mga shells.

Pinabayaan ko nalang din pero may kung anong lungkot akong naramdaman dahil sa sinabi niya pero agad ko ring winala yun sa isipan ko. Gusto ko nalang i-enjoy ang kung nasaan ako ngayon at wag muna isipin ang mga posibilidad na mangyayari in the future.

Babysitter ✔Where stories live. Discover now