Chapter 20

652 20 0
                                    

"So, how are we going to fill all these when you don't have pictures?" napaisip ako. Oo nga, ano nga bang pumasok sa isip ko para bumili ng scrapbook eh wala nga pala akong maididikit na pictures dito? Nako naman Ayejay!

"You know my classmate brought something on school yesterday, it was from her sister. It's a small pink camera that you can bring it anywhere. It's cute but when I ask her what it's called, she doesn't know. It look like this..." dinrawing niya sa sketchbook niya ang isang polaroid cam. Mapait akong napangiti.

"Polaroid Cam ang tawag diyan," napahinto siya sa pag do-drawing at nanlalaking mga matang tumingin sakin.

"How did you know?" ngayon, buong atensiyon na ang nakuha ko.

"My Dad gave me one when I was twelve..." but I got rid of it.

"Do you still have it?" inosente niyang tanong at umiling naman ako.

"Nope, matagal na 'yon so I'm pretty sure it's broken."

Lahat ng binigay saking magpapaalala sa sakit na dinulot ni Daddy, tinapon ko na. Akala ko kasi sa ganoong solusyon, makaka move on ako. Makaka move on nako. Pero hindi parin pala.

"Then how...?" nagtatakang tanong parin niya.

Bago paman ako makasagot, inunahan nako ng taong kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Madelaine. Tumayo ako at pinagbuksan yon.

"Eusef..." hindi ako makapaniwalang nandito siya. Kahit pa medyo naintindihan ko na kung bakit napapadalas ang pag alis nila, hindi ko mapigilang hindi magulat sa hindi inaasahang pag uwi niya.

Maayos na ba ang lahat? Nagkausap naba sila nung Natalie nayon? Tapos naba talaga ang problema?

"Can I talk to Madelaine?" kinabhan ako sa sinabi niya. Sa loob loob ko, ayokong pumayag dahil ayoko siyang masaktan. Alam kong kagabi lang, gulong gulo ako kung bakit ayaw nilang sabihin kay Madelaine ang tungkol sa Mama niya, pero ngayon. Iba na, ayoko na.

"B-bakit?" tinitigan ko siya at ngayon ko lang ulit napansin na parang hindi na niya naaalagaan ang sarili niya. 

The usual clean cut that he always have, now it's all disheveled and longer than the last time I've seen him. Deep sets of dark bags under his eyes and also his stubbles are becoming more visible that made him look so mature.

"I wanna tell her—"

"Daddy? Daddy!" sabay kaming napatingin kay Madelaine. Kitang kita ko ang saya sa mga ngiti niya na andito na ulit ang Daddy niya.

"How have you been?"

"I'm good! But, where have you been Daddy? Why aren't you at home the past few weeks?" nakita ko ang paglunok niya na tila nahihirapan siyang sabihin ang totoong rason kung bakit laging wala siya.

"I'm sorry, baby. I have so much things to do in work. I promise, I'll stay here when things get better.  Alright?" tumango naman si Madelaine. The very considerate and understanding Madelaine, as always.

"Okay!"

Hinalikan ni Eusef ang tuktok ng ulo nito bago naman tumakbo papasok muli ng kwarto si Madelaine.

"Thank you," biglang sambit niya na nag pataas naman ng kilay ko.

"Ha?"

"Oliver mentioned it to me earlier that you knew..." hindi na niya iyon dinugtungan sabay tingin niya sa pintuan. Nakuha ko naman kaagad ang pinaparating niya.

"Ano ng plano mo?" Napapikit sabay singhap siya ng marahan sa tanong ko.

"Can we not talk here?" nagpaalam ako kay Madelaine na kakausapin sandali ang Daddy niya.

Babysitter ✔Where stories live. Discover now