Chapter 11

744 20 0
                                    

"Ate, look!" nag huhugas ako ng mga pinag kainan namin ng tawagin ako ni Madelaine hawak hawak ang iPad niya.

"Oh, that's beautiful," it was a picture of sunflowers in field.

Sabado ngayon at wala naman kaming ibang plano kundi ay mag stay lang dahil hindi rin naman ako makakalabas.

"Can we also grow sunflower at the backyard?" napaisip ako sa tanong niya. Hindi naman siguro magagalit si Eusef diba? Tsaka ano namang ikagagalit niya if ever?

"Hmm...ask for your Dad's permission," agad siyang tumango at tumungo sa may landline ng telepono. Nagpunas ako ng kamay at tumungo rin sa sala at naupo habang pinapanood si Madelaine na mag dial.

"Hello? Can I speak to Dad please? Okay, thank you. Hi, Dad! Can we..."

Napapaisip parin ako kung anong rason bakit nag hiwalay si Eusef at ang ina ni Madelaine. Nakakapang hinayang na hindi niya nakikita kung pano lumaki si Madelaine maging maayos at mabuting anak. Napaka mapagmahal at masiyahin.

Hindi ko rin maintindihan bakit kailangang umalis ni Dad at iwan kami. Ganun lang ba kadali para sakanila umalis at iwan ang pamilya nila?

"Yes! Thank you, I love you Dad...yes, I will. Bye!" napakurap ako sa pag bagsak ng telepono at nag tatatalon na si Madelaine sa harap ko.

"Dad said yes!" napangiti ako.

"Mabuti naman at pumayag," kumento ko pa. Knowing Eusef, andaming sasabihin kung bakit ganto bakit ganyan, kesyo ganto ganyan.

"'Cause he's the best Dad, and also, he's on our way here. He said that you're coming with him," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Madelaine.

"Ano? Bakit daw?"

"I don't know, maybe you two are going out for a date?" inosente niyang sabi. Nawalan agad ako ng gana.

"Maddy..."

"I'm just kidding," sabay hagikgik niya. Napairap naman ako.

Nasabi ko ng walang kapareha si Madelaine sa facial features ni Eusef pero pagdating naman sa kalokohan, kuhang kuha niya ang Daddy niya. Minsan mababatukan ko narin to si Madelaine eh.

"Well, what if, Dad would ask you out. What would you do?" Biglang nag shut down ang utak ko sa sinabi niya.

"I'd say..."

"Yes?"

"Nah, of course it's a no. Why would I say yes in the first place?" I asked back. Ngumiti naman siya ng makahulugan.

"I just think you two look good together," nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong. Anong nakain nitong batang to? Jusko naman, mga tanungan pang showbiz!

"I didn't say anything bad," pag mamamang-maangan niya. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa taas. Bago ko paman siya mahabol, bumukas na ang pintuan sa may sala at niluwa ang pinaka-kinaiinisan kong tao sa buong mundo. Biruin mo yon? Kami din pala magkakasama kahit na ayaw namin sa isa't isa.

Tumango lang ako sakanya bilang pag bati at aakyat na sana ng tawagin niya ko. Napahinga ako ng malalim at tsaka lumingon.

"Bakit?"

"You're coming with me, are you going out with that?" Kunot-noo niyang tinuro ang suot kong pambahay na shorts at t-shirt.

"Bakit? May masama ba sa suot ko?" Napairap siya.

"No, but you look so yaya," napapikit ako at pinigilang hindi ko siya sugurin at ingudngod sa pader.

"Bakit, hindi ba'ko katulong dito?" tanong ko at tsaka umaykat na para mag bihis.

Bwiset naman talaga, bakit ba hindi siya makapg salita ng hindi nang-iinsulto o hindi nakakapang init ng ulo?

☆☆☆

Tahimik lang kami buong biyahe, nakakuha na kami ng seed, flower pot at soil na pagtataniman. Hindi naman kami nag tagal at agad ding umalis pero biglang lumiko si Eusef sa hindi ko malaman na dahilan at nanatiling tahimik. Hindi ito ang daang tinahak namin kanina kaya nakakapagtaka na dito kami dumaan. Ano na naman plano niya, double kidnap?

Pinag suot niya ko ng puting sumbrero at di ko alam kung saan to galing. Hindi siya panglalaki kaya baka sa ex niya?

Napapaisip din ako kung siguro dahil sa pagiging masungit ni Eusef ang dahilan kung bakit siya iniwan ng Mom ni Madelaine, pero well, hindi ko nga naman siya masisisi. Isang malaking naglalakad na bwiset eh.

"Why are you making faces?" napaupo ako ng maayo sa tanong niya.

"Sino, ako? Nag me-make face?" paglilinaw ko. Hindi ko naman aakalaing mao-obvious sa mukha ko ang pagkairita sakanya.

"Why, do you see someone other than me and you? Alangang ako ang mag make face?" sinamaan ko siya ng tingin at binatukan siya. Nanlaki ang mga mata niya si ginawa ko habang ako ay satisfied naman. I cross my arms.

"Ano, gulat ka no?" natawa ako sa reaksyon niya dahil halatang hindi niya in-expect na gagawin ko yun. Well, try lang naman yun kung anong magiging reaction niya pero mission success! Nakikita ko ng umuusok ang ilong niya.

"You know, I'm driving," paalala niya sa madiin na boses na tila ba nag babanta.

"Eh problema ko bang ibangga mo tong sasakyan, kasalanan mo kasi ikaw nagmamaneho if ever," pang-iinis ko pa. Napangiti ako ng makita kung gano kahigpit ang hawak niya sa manibela.

Hindi na ulit ako kumibo.

Huminto kami sa harap ng isang fruit vendor at bumaba si Eusef. Buti naman at hindi ako ang naisipang utusan ano?

Napatingin ako sa paligid. Mukhang familiar ang lugar nato. Kaya ba siguro hindi ako ang inutusan niyang bumaba dahil baka may makakita sakin? Binalewala ko ang iniisip ko at nanahimik nalang habang nag-aantay.

Halos tumigil ang puso ko at nanlamig ang buong katawan ko ng makita kung sino ang papalabas sa shop sa harap ng pinag parkingan namin.

"Ate Tiny..."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero ang unang pumasok sa isip ko ay ang salubungin siya. Mag-iisang buwan narin simula ng huli kaming magkita-ever since na kinidnap ako ni Eusef.

May kausap siya sa cellphone at mukhang seryoso. May dala-dala din siyang mga shopping bags at papunta na sasakyan niyang naka park lang din di kalayuan sa kung nasaan ako.

Napalunok ako at napahawak sa lock ng pintuan. Gusto ko siyang puntahan. Gustong gusto, pero tila bang may pumipigil sakin sa kung anong gagawin ko. Wala nakong paki kung ano mang mangyari pagkatapos naming magkita pero hindi rin ito ang tamang panahon. Anong ipapaliwanag ko? Anong gagawin niya oras na malaman niyang kinidnap ako? Anong mangyayari pagkatapos ng lahat ng to?

Halos hindi ako makagalaw at pinanood ko nalang na umalis ang sasakyan niya. Medyo nakahinga ako ng maluwag sa nakita ko pero may part na nagsisisi rin. Ano ngayon kung makulong si Eusef if ever? Dahil lang sa rason na hinarang ko siya sa entrance ng gate ng subdivision ang dahilan kung bakit niya ko kinidnap.

Umiling ako.

Hindi, hindi ito ang tamang panahon para dito. May pinirmahan akong kontrata kaya kailangan kong gawin to. Tsaka hindi ko lubusang isipin na hindi ko na makikita si Madelaine ulit.

Halos mapatalon ako ng buksan ni Eusef ang pintuan. Napakagat naman ako ng labi.

"What?" tanong niya pero hindi ko siya kinibo. Kailangan ko munang ayusin ang dapat ayusin bago ako bumalik sa pamilya ko.

Laking pasalamat ko na hindi na ulit siya nagtanong at nagmaneho nalang pauwi.

edited version (10-16-20)
note: experiencing writer's block so sorry for the long wait :) might be taking a break anytime to clear my head. Sorry and thank you

Babysitter ✔Where stories live. Discover now