Epilogue

885 11 0
                                    

"Papa, bakit tayo nakaka feel ng galit? 'Di ba po bawal yon?" natawa si Papa habang inaayos yung tanim naming sunflower dito sa likod ng bahay.

"Hindi naman siya bawal, anak. Pero kailangan marunong kang controlin ang sarili mo kung magagalit ka kung ayaw mong makasakit ng ibang tao." paliwanag niya pero hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. Siguro dahil bata pa'ko?

"Pero nawawala naman po ang galit diba?" huminto siya pag bubungkal ng lupa at nginitian ako.

"Oo naman, kapag nagpatawad ka." mahinahon niyang sabi. Napakunot ang noo ko. Ano na naman kaya yon?

"Paanong patawad? Ano yun?"

"Patawad, ibig sabihin nun kakalimutan mo lahat ng ginawa sayo nung taong yun. Kakalimutan mo yung rason kung bakit ka galit sakanya." napaisip naman ulit ako sa sinabi niya. Hindi kaya mahirap yon?

"Kapag diba nag-aaway kayo ng mga kaibigan mo, kinabukasan magbabati rin kayo kasi kinalimutan mo yung ginawa niya sayo." napanganga ako. Ayun namang pala! Madali lang naman pala intindihin.

Binuhat ako ni Papa para makababa  sa inuupuan kong kahoy na harang.

"Tandaan mo, napaka importante ng magpatawad kahit pa gaano kalaki yung ginawa nila sayo. Maliwanag ba 'yon? Para hindi ikaw ang mahirapan."

"Bakit naman po ako mahihirapan?"

"Dahil mabigat sa dibdib ang may dinadalang galit. Kapag pinatawad mo, ibig sabihin din non ay mahal mo yung tao." nakinig lang ako sa sinabi ni Papa at sinusubukang intindihin ang lahat ng mga sinasabi niya.

Mahirap daw magpatawad pero dahil mahal mo yung tao, magagawa mong makapagpatawad.

Hindi ko pa gaanong maintindihan pero siguro kapag tumanda nako?

Ginulo niya ang buhok ko ng matahimik ako kakaisip ng mga sinasabi niya at tinawanan lang niya ko.

"'Lika na, baka hinahanap na tayo ng Mama mo." Tumango lang ako at inabot ang kamay ni Papa at sumama sakanya pabalik ng bahay.

Inayos ko ang pagkakalagay ng mga kandila at bulaklak sa puntod ni Papa at napangiti ng maalala ang sinabi niya sakin.

Mahirap nga talaga magpatawad pero nakaya ko at nakaya kong maghilom. Hindi pa huli ang lahat dahil kaya mong magpatawad sa taong sinaktan ka kahit na hindi sila humingi ng tawad. Responsibilidad kong maghilom dahil ako magdadala ng bigat at sakit ng dinulot ng nakaraan, at nakaya ko.

Dalawang taon na ang nakalipas mula ng lumisan si Papa at ako nalang talaga ang hinihintay niyang makausap bago siya magpaalam. Hindi na niya ko nakausap pero sapat na ang mga liham na iniwan niya sakin.

"Pa, graduate nako ng course ko. Alam ko namang pangarap mo na makapagtapos ako ng pag-aaral kaya ginawa ko ang gusto mo." pinakita ko ang medal ko at ang diploma ko.

"Ako na po ang nagpapatakbo ng nasimulan niyong negosyo kaya wag na po kayong mag-alala at magpahinga nalang kayo diyan." inalis ko ang mga damo damo na dahan-dahang tinatabunan ang punto ni Papa.

"Ako rin po Papa, I'm the highest honor in our class." napalingon ako kay Leticia na dala-dala ang lahat ng awards at medal na natanggap niya.

Napapangiti naman akong napairap. Si Leticia ang half-sister ko na nakita kong kasama ni Papa noon sa dating school ni Madelaine.

Nang maalala ko ang pangalang yon ay hindi ko maiwasang hindi malungkot.

"I also got the scholarship that you've been wanting for me, Pa. I'll be entering the prestigious school you like." nakakataba ng puso na kahit na may mapait na nakaraan ay nakaya namin yong lampasan.

Babysitter ✔حيث تعيش القصص. اكتشف الآن