“Oh what brings you here?” She asked. Habang pinipirmahan ko pa din ang papers sa harapan ko.

“Hmm namiss lang kita. Let’s hang out” Pagyaya nya.

“Julia don’t you see ang dami ko trabaho? Next time na lang” Sabi ko habang naka focus pa din sa ginagawa ko.

“Tss. Puro ka na lang work. Konti fun naman dyan. Buti pa yung asawa mo” Napatigil ako sa ginagawa ko.

“Bakit anong meron sa asawa ko?”

 

“Buti pa siya nag eenjoy. Nakita siya ni Yen kanina sa mall daw ang dami nga daw binili at ehem my boquet of flowers na hawak. Siguro para sayo yun”Sabi niya habang tinutukso ako.

Napangiti ako sa sinabi ni Julia. Kaya pala sabi nya kanina pag alis magiging busy siya. Yun pala isusurprise nya lang ako.

“Tumigil ka nga dyan Julia. Promise next time wag muna ngayon okey?” Sabi ko tapos nag nod na lang siya.

“Okey sige. Maghahanap na lang ako ng ibang kasama.Bye Kath” Tapos bumeso na siya. Pag alis nya hindi ko mapigilan mangiti. Para gusto ko ng umuwi para sa surprise ni Daniel. Grabe talaga.

Mga ilang oras na ako dito sa ginagawa ko. At ang sakit na ng kamay ko. Mabuti pa siguro bukas ko na lang tapusin ito.

Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Gusto ko na din umuwi eh. Para makita si Daniel at yung surprise nya. Pero mamaya aarte ako wala ako alam. Para push na push ang surprise.

Tinawagan ko na din si Kuya Mar. Kanina na sunduin na ako. At sabi niya sige daw. Kaya inayos ko na din ang mga papers na nakakalat. Bukas ko itutuloy ‘to. Pagbaba ko sa building nakita ko na si Kuya Mar. kaya sumakay ako agad.

“Mam diretso na po tayo?” Tanong nya.

“Yes kuya” Tapos nagdrive na siya. Hindi masyado traffic sa dinadaanan naming ngayon. Nakikisama talaga ang araw na ‘to.

Ilang minuo lang ay nasa bahay na kami. At excited na ako pumasok. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Daniel na nanunuod ng tv. Tumayo naman ito at bineso ako.

“Bakit ang aga mo ata umuwi ngayon?” Tanong nya.

“Gusto ko lang magpahinga. Ikaw?” Dahil mukha maaga din siya umuwi eh.

“Wala naman. Sige na matulog ka na at mukhang pagod ka” Nag iba ang mood ko. Hindi niya ibibigay sakin yung bulaklak?

“Ahm Daniel wala ka bang ibibigay?” Oo kinapalan ko na at ako na nagtanong.

“Huh? Bakit may pinabili ka ba?”Halata sa mukha nya na wala nga talaga. Pero sabi ni Julia nakita daw ni yen na maraming bitbit si Daniel kanina. Hindi kaya?

Aish! Wag ka nga tamang hinala kath. Baka sila Julia ang nagkamali.

“Wa-wala sige akyat na ako” Tapos naglakad na ako paakyat. Siguro nga nagkamali lang sila Julia. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Itutulog ko na lang ‘to.

End of Flashback

Nasundan pa ng madami pangyayare ang lahat pero pilit ko pinaniwala ang sarili ko. Wala lang yun. Mahal nya ako. At hindi nya ako lolokohin.Pero yun pa din naman ang tinatak ko sa utak ko. Pero dahil sa text na nabasa ko? Para mali na. Tama na.

Calling Julia

“Hello Kath”

“Oh Julia?”

“Si Daniel nasa Hospital”

“What? Sige itext mo sakin kung san hospital pupunta ako agad”

At binaba ko yung tawag. Nagmdali ako umalis na office. At Dumiretso na dun. Sabi ni Julia pupunta din siya. Yung kaibigan nya daw nurse ang nagsabi sa kanya. Kasi minsan din na confine si Julia dun at ipinakilala nya si Daniel sa kaibigan.

Dali dali ako nag drive. Oo may dala ako kotse ngayon. Ayoko magpasundo mamaya eh. Kaya dinala ko na lang.

Pagdating sa jospital agad ko hinanap ang room ko san naka confine si Daniel.

Room 403 daw. Kaya agad ako sumakay ng Elevator. Ano bang nagyari sa kanya. Bakit siya nahospital? Nang makarating ako sa 4th floor kung saan ang room ni Daniel. Nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto.

“Mitzi?”

 

“Kath?”

 

“Bakit ka nandito?” Naptigil ako ng tignan ko ang kamay nya. Hawak nya ang kamay ni Daniel. Siya ba?

“I’m his girlfriend.Ikaw?” Para ako nabagsakan ng langit at lupa. Sabayan mo pa ng tubig na punong puno ng yelo. Confirm na may kabit siya at niloloko nya ako. At eto na nasa harapan ko na babae kinagigiliwan nya.

Napako ako sa kinatatayuan ko ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ng pumatak ng luha sa mga mata ko. Pero pilit ko ngumiti.

“Hey Kath? Right? Why are you here” Mukha wala siya alam. Tama dapat din ako umarte ng walang alam.

“Kaibigan nya ako"

Hasty Decision (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz