Natauhan ang binata, napaatras sabay tinitigan ang hawak niyang mga bulaklak. Huminga siya ng malalim sabay pumasok sa loob ng isang taxi. “What the hell am I doing?” bulong niya kaya tinignan siya ng driver. “Boss saan tayo?” tanong niya. Tinignan ni Enan yung driver saka binigay yung address nina Clarisse.

Sa loob ng bahay nina Clarisse, si Elena nakadungaw sa bintana at nakita yung taxi na tumigil. “Ate! Nandito si Enan!” sigaw niya. “Enan? Bakit naman siya pupunta dito?” tanong ni Clarisse na lumapit para makisilip.

Nagulat ang dalaga nang makita ang kaibigan nila na may hawak na boquet of flowers. Hinila ni Clarisse pinsan niya para salubunging yung binata, “Enan what’s with the flowers?” tanong niya. “Ewan ko nga e” sagot ng binata kaya natawa si Elena.

“Anong hindi mo alam?” tanong ni Clarisse kaya may naisip si Enan at inabot ang boquet sa dalaga. “Of course they are for you, ay hello ex, nandito ka pala so wait lang para fair naman” sabi ng binata sabay kumuha ng tatlo at inabot it sa pinsan ni Clarisse.

Napangiti si Elena habang si Clarisse napaamoy sa boquet at lalong nagtaka. “I need consulatation, but wait not for me ha, for a distant friend of mine. It is about relationships so sino pa the best na pagtanungan kundi yung maganda  kong bestfriend at ang kanyang magandang pinsan na ex ko” landi ng binata at nagtawanan yung dalawang dalaga.

“Pasok ka nga, ano ba nanaman kasi ito?” tanong ni Clarisse. Naupo sila sa sofa at napag gitnaan si Enan. “Itong kaibigan ko kasi na lalake, never pa siya nagka girlfriend, of course hindi ako yon kasi alam mo na…ay sorry ex pero sasaktan kita konti, alam niyo naman meron na akong Cristine” banat ni Enan.

“So bakit mo pa kailangan pumunta dito?” tanong ni Clarisse. “Walang pasok e, para mas personal yung usapan. Di ko naman pwede pagtanungan si Shan kasi alam mo na mas kailangan ko yung inputs ng mga babae. So as I was saying, this unlucky friend of mine who you don’t know e nabasted siya lately ng isang magandang babae na niligawan niya”

“Sounds familiar ano? Parang nangyari sa akin pero ako naka move on ako agad. Kaya niya ako pinuntahan pero di ko naman kaya sagutin problema niya” sabi ni Enan. “Ano ba problema niya?” tanong ni Clarisse. “Ganito kasi yon, so nabasted siya, tapos itong unlucky guy meron pa siyang magandang friend na babae, siyempre babae kasi maganda nga e” kwento ng binata at nagbungisngis si Elena.

“Itong babae, parang nacomfort niya tong si lalake. Pero itong si babae very malambing siya. Para silang magbestfriend ha.  As in like you, o game sample yakap braso naman diyan o pati ikaw ex don’t be shy” landi ng binata kaya yung mga dalaga parehong yumakap sa kanyang mga braso.

“There! Ano daw meaning niyan?” tanong ng binata. “This? Wala naman, I do this to you diba?” sabi ni Clarisse. “My point exactly, sabi ko sa kanya meron ako bestfriend din na ganyan ginagawa pero walang issue…oy ex natutuwa ka naman ha” banat ng binata kaya lalong natawa si Elena.

“So its normal, walang issue” sabi ni Clarisse. “Sabi ko nga pero banat niya eto, ganito din daw” sabi ni Enan sabay nakipagholding hands kay Clarisse. Ang dalaga nanigas, si Elena napatingin sa mga kamay nila kaya si Enan inalok isa pang kamay niya sa kanya. “Don’t be shy, I know you miss me so go ahead” sabi niya.

ArtistahinWhere stories live. Discover now