Epilogue

16.7K 206 31
                                    

Epilogue

“It’s not working” sabi ni Cristine sabay inagaw yung script kay Jelly. “Bakit nanaman? Ano nanaman nagawa kong mali?” tanong ng bading. “Mas okay pag si Enan” sabi ng dalaga. “Diyos ko tatlong araw palang kayo hindi nagkikita namiss mo na siya agad?” landi ni Jelly.

“May tanong ako, bakit nung sinabi ko I like him you two did not react negatively, why?” tanong ng artista. “Well, okay naman talaga siya e kaya lang we do have doubts” sabi ng bading. “Doubts? Tell me sige na di ako magagalit” lambing ni Cristine.

“Well, baka kasi siya lang yung lalake na nakakasama mo kaya ka nagkakaganyan. Diba? Biglang nagkaroon ng guy figure sa buhay mo, sasabihin ko sana na try to date others pero may script tayong sinusundan. Ikaw naisip mo din ba yon?” lambing ni Jelly.

Napaisip si Cristine sabay tinignan ang kanyang personal assistant. “But he is a good guy” sabi niya. “He is a good guy but he is the only guy at the moment in your life. Not considering your dad and manong Ronel” sabi ni Jelly. “And you” banat ni Cristine sabay tumawa mag isa.

“Pagbibigyan kita, anyway as I was saying, wala naman problema if you like him kaya lang sure ka na ba? O baka naman ikaw lang yan yearning for a guy, e nagkataon lang na siya yung lagi mong kasama kasi nga we have a script to follow para sa career mo” sabi ni Jelly.

“Hmmm…so are you trying to say niloloko lang ako ng feelings ko?” tanong ni Cristine. “Hindi, maaring totoo pero pilit kasi siya lang yung nandyan. Take for example si Violet, she knows Enan is a good guy but meron pa siyang ibang choices. Kaya di niya sinagot si Enan kasi meron pa siyang napupusuan na iba”

“O mali ako sa pagsingit sa kanya at pagkumpara” sabi ng bading. “Parang mo naring sinabi maghanap ako ng gwapo” sabi ni Cristine. “Hindi! Sabi ko nga mali ako e, pag isipan mo nalang kasi. You are stuck with him because of the script we are following, siya lagi mo nakaksama, siya lang yung lalake sa tabi mo lagi so its normal to have feelings for him”

“Sabihin na natin kayo lang dalawang tao sa isang isla, e di syempre no choice ka. Bawal ka pumasyal sa kabilang isla na mas maraming tao kasi may sumpa. Something like that kaya since siya  lang nandon e kayo lang magkasama kaya nagkakaroon ka ng feelings sa kanya” sabi ni Jelly.

“Pero pwede naman na hindi ako magkaroon ng feelings sa kanya, say for example stuck nga ako sa island pero di ko gusto yung ugali ng kasama ko. E di I wont have feelings for him” sabi ni Cristine. “Isama mo na yung awa, baka naawa ka lang sa kanya. So yes maaring nagloloko lang emotions mo, naghalo na yung pity, tapos oo since mabait siya kaya parang halo halo special na” sabi ng bading.

Napabuntong hininga si Cristine, “Nililito mo lang ako, I like him, and I feel happy when I am with him” sabi niya. “E di yan yung final at totoo so be it” sabi ni Jelly. “And you are okay with that? Tanong ng dalaga. “Hoy babae, buhay mo yan, puso mo yan, kahit ano pa sabihin ng iba wala sila karapatan ano” sabi ng bading. “Now you are making sense, pero you know what medyo tama ka din ata e…eesh now I am confused” sabi ni Cristine.

Samantala sa loob ng isang bangko, cleared na yung tseke niya kaya tuwang tuwa ang binata pagkat first time niya magkaroon ng passbook at ATM. First time niya naka withdraw at ilang minuto lumipas nakatayo siya sa harapan ng isang taxi stand na may hawak ng boquet of flowers.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon