Chapter 15: Siya

14.2K 173 11
                                    

Chapter 15: Siya

Isang Sabado sa isang pribadong beach sa Batangas nakarating ang SUV ni Cristine. Nakalabas na sila lahat sa kotse maliban kay Enan na nahihiya. “Ano pa ginagawa mo diyan aber?” tanong ni Jelly. “Bakit niyo pa kasi ako sinama? Nahihiya ako ang dami masyado artista” sabi ng binata.

“Enan, napaniwala man natin yung public pero yung mga kapwa niya artista hindi pa. Yes they see you sa studio pero they don’t see you two together” sabi ni Arlene. “Oo at para makita kayo nung ibang surot, sana tumigil na sila” sabi ni Jelly. “Anong surot?” tanong ni Enan.

“Suitors na ayaw ni Cristine” sabi ni Arlene. “Ang kapal naman ng mukha nila, nanliligaw parin sila kahit alam nila artistahin na ako? Bilib naman ako sa confidence nila, hindi ba sila nainsecure sa pagsulpot ko?” banat ni Enan. “Panay daldal ka, bumaba ka na diyan at gampanan mo yung role mo” sabi ni Jelly.

“You two go for a walk sa beach” sabi ni Arlene nung tumabi si Enan kay Cristine. "Akala ko ba may shooting sila dito?” tanong ni Enan. “Mamaya pa yon, sige na punta na kayo habang nandon din yung iba. Para makita nila kayo” udyok ni Arlene.

“Di ba siya pwede magpantalon? Nadidistract ako” bulong ni Enan kaya natawa si Cristine. “Kung magpapantalon siya dapat pati ikaw” biro ni Jelly. “Beach ito may karapatan ako magshorts” sabi ni Enan. “E bakit mo siya pinagpapantalon?” tanong ni Jelly.

Napatitig si Enan sa flawless at maputing legs ni Cristine. “I get it, di ka affected kasi tumawid ka na sa other side. Just so you know affected ako” banat ni Enan. “Ang dami mo alam, sige na iparada mo na ang magandang artistang girlfriend mo sa beach” sabi ni Jelly.

“Tapos ang iksi iksi pa ng shorts niya, may karapatan ako magreklamo kasi boyfriend ako. Affected ako” banat ni Enan kaya nakurot tuloy siya ni Cristine. “Sinasabi ko lang naman kasi ngayon lang ako nakakita ng legs na ganyan, baka sabihin nila pangit na nga manyakis pa pag nakita ako laging nakatingin sa legs niya” sabi ng binata kaya pinagtawanan siya.

“Come on Enan lets go” sabi ni Cristine. “Fine, ihanda niyo na camera niyo at pag ako lumapit sa beach sigurado ako maglalabasan ang mga sirena. Alam niyo naman I attract all the female species living and non living” landi ng binata kaya nabangga siya ni Cristine.

“Ayan ayan ganyan, dumikit ka” sabi ni Arlene. “Akbay nalang” sabi ni Cristine sabay niyakap braso ng binata. “Hmmm pwede pero…” bigkas ni Arlene sabay pinagmasdan yung dalawa. “Oo na di bagay” bulong ni Enan. “Oh no I didn’t say that” sabi ni Arlene.

“Para lang siyang nakayakap sa statue na kinakaladkad niya sa beach, holding hands pwede pa” sabi ni Jelly. “Hoy teka lang, ganito nalang kasi yung ganito sanay na ako” sabi ng binata. “Wow at sino naman umaakbay sa iyo ng ganyan?” tanong ni Jelly.

“Si Clarisse yung girlfriend ng bestfriend ko, para na kaming magkapatid non tapos si…ah siya lang pala” kwento ni Enan. Napansin ni Cristine yung paglungkot konti ng mukha ng binata, “Holding hands para mas kapani paniwala. Like you said bale wala yung akbay na ganyan” sabi ni Arlene.

“E..ganito nalang” sabi ni Enan. “My God nandidiri ka? Dapat siya nga mandiri e” sabi  ni Jelly pero bigla siyang tinaasan ng kilay ni Cristine. “Sorry, bakit ba kasi ayaw mo?” kabig niya. “Di naman sa ayaw pero..baka siya ayaw niya at…I have never held hands with a girl” sabi ni Enan.

“Akala ko ba artista ka?” tanong ni Jelly. “Kaya nga, holding hands hanggang doon lang o sa shore. Para lang makita kayo tapos bitaw na at maglakad lakad na kayo. Cristine will lead, kung magaling kang artista sumabay ka sa agos niya” sabi ni Arlene.

“Fine, pag siya inatake ng mga sirena kasalanan niyo ha. Take note I cannot control my fans, pag sila nagselos naku po magkakagera” sabi ni Enan. “Here” biglang sabi ni Cristine kaya nanginig ang binata pagkat inaabot ng dalaga kamay niya.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon