Chapter 26: Surprise Visit II

14.3K 204 18
                                    

Chapter 26: Surprise Visit II

Bandang alas tres may bumusina sa harapan ng bahay kaya si Enan napahaplos sa ulo. “I told you” sabi niya kaya agad tumayo si Cristine. “Come lets go meet your friends” sabi niya kaya tumayo ang binata at nagholding hands sila.

Pagbukas ng gate hindi nakagalaw sina Shan, Clarisse, Tommy, Jason at Gregory. Lahat sila tulala at starstruck nang makita ang magandang artista. “Hoy nandito dito ako, nandito din ako” biro ni Enan pagkat lahat nakatingin kay Cristine.

“You must be Clarisse and ikaw si Shan” sabi ni Cristine sabay inabot kamay niya. “Oh my God, hello” sabi ni Clarisse na natulak palayo boyfriend niya para makipagkamayan sa artista. “Tiny eto si Gregory, Jason at Tommy, o yan tapos na so pwede na kayo umalis” sabi ni Enan.

“Don’t be like that labs, tara sa loob” pacute ni Cristine. “Naniniwala na ako, ngayon na nakikita ko talaga kayo magkasama” sabi ni Gregory. “Walanghiya ka ngayon ka lang naniniwala? How dare you” banat ni Enan. “Labs, don’t be bad” lambing ni Cristine kaya kinilig talaga si Clarisse.

“Teka may dala kami” sabi ni Shan. “Oh yeah I bought cake” sabi ni Gregory. “Tado nagtatagalog siya, so ano dinala mo banana cake?” biro ni Enan. “Mango cake, naubusan ng banana pare” sagot ni Greg at nagtawanan sila. Nagulat si Enan nang makita may dalang malaking tray ng barbeque sina Shan at Clarisse at may cake talaga na dala si Greg.

“Hala bakit kayo nag abala pa?” tanong ni Enan. “Anniversary nina tito at tita tapos special day narin kasi nandito si Cristine” pacute ni Clarisse. “Oh my..huy ano yan?” tanong ni Enan nang makita sina Tommy at Jason may dalang bilao ng pansit. “What the hell is going on?” tanong ni Enan.

“Aw you have such good friends” sabi ni Cristine. Lumabas si Rosa at nagulat siya nang makita yung mga pagkain. “Diyos ko, Robert wag ka na lalabas at may dala silang pagkain” sigaw niya sa tuwa.

Sa salas naupo ang lahat, todo dikit si Cristine kay Enan at yakap pa nito braso niya. “Uy ano ba kayo, act normal naman o” sabi ni Enan. “Grabe ang ganda ganda mo talaga Cristine” sabi ni Clarisse. “Uy di naman, ikaw maganda ka din naman e” sagot ng artista.

“Grabe as in naniniwala na talaga ako. Patawad pre pero eto na e. Nakikita ko na talaga kayo magkasama e” sabi ni Greg. “Please don’t be like that, artista lang ako sa TV kaya sana pag magkakasama tayo kung pwede treat me normally, treat me as one of you” pakiusap ni Cristine.

“Okay pero okay lang ba itanong how you two first met?” pacute ni Clarisse at nagtitigan sina Enan at Cristine. Nagbungisngisan yung dalawa sabay hinarap na yung iba. “Sure, ganito yon” sabi ng artista at nagsimula siyang magkwento.

Grabe yung tawanan ng mga barkada ni Enan kaya bungisngis sila lalo ni Cristine. “As in yung ang first meeting niyo?” tanong ni Clarisse. “Nakakahiya pero oo ganon” sabi ni Cristine. “Wag niyo naman tawanan yung aming fart bond, very memorable yung araw na yon pero sa totoo sa laswa ng amoy ng utot I am actually still suffering from memory loss” banat ni Enan.

Napahiyaw si Cristine sabay nakagat pa sa pisngi si Enan. “Aw grabe parang normal na normal kayo talaga, I mean parang hindi ka artista” sabi ni Clarisse. “Greg trust me pag icompare ko utot niyo yung sa iyo parang nahaluan ng Downey” hirit ni Enan kaya lalo tumindi sigaw ni Cristine at nayakap na niya yung binata at inuga uga palambing.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon