Chapter 24: Damage Control

12.9K 179 19
                                    

Chapter 24: Damage Control

Kinabukasan nahanap ni Clarisse si Enan sa likod ng kanilang building. “Isip bata” bigkas ng dalaga habang palapit sa binata. Di umimik si Enan kaya kahit kinakabahan tuloy parin nakitabi ang dalaga sa kanya.

“Sorry na Enan” lambing niya. “Wala yon” sagot ng binata. “Anong wala, nag absent ka pa kahapon” sabi ni Clarisse. “May nilakad ako, alam mo na ang artistahin busy lagi” biro ni Enan. “No joke, sorry talaga sa nasabi ko” sabi ng dalaga.

“Sabi ko naman sa iyo na pag galing sa hinahangaan mo masakit e. Alam mo naman aside from my stage mom ikaw lang yung isa pang girl figure sa buhay ko na pinagkakatiwalaan ko e” bulong ni Enan. “Concerned lang ako, alam mo naman na ako taklesa ako most of the time” sabi ni Clarisse.

“Wala na yon, pero Clarisse I really look up to you. Alam mo naman ikaw una ko tinatakbuhan when it comes to you know, mga di ko kaya sabihin kay Shan kasi napaka awkward having man to man talks about those” sabi ni Enan. “I know and I am really sorry, patawarin mo naman na ako” lambing ng dalaga.

“Di talaga ako yung nagpalista” sabi ni Enan. “I believe you, Shan is going to fix things don’t worry” sabi ng dalaga. “Salamat, at sorry narin pag isip bata ako” sabi ng binata. “So nag absent ka kahapon, dapat magagalit ako pero its my fault so hindi na” sabi ni Clarisse.

“May nilakad talaga ako, honest answer yan” sabi ng binata. “Enan, alam mo masama ang magsinungaling” sabi ng dalaga. “You are doing it again Clarisse” sabi ni Enan. “Oh, sorry, so ano naman nilakad mo?” tanong ng dalaga. “Basta, very important stuff to help Cristine’s career” sabi ng binata.

“Magiging makulit ako ha, kasi Enan concerned ako sa iyo talaga” sabi ng dalaga. “Uy umayos ka nga, para mo naring sinasabi na gusto mo ako” banat ng binata kaya nagtawanan sila. “Yeah, I like you for who you are” sabi ni Clarisse at nanlaki ang mga mata ni Enan.

“Hoy umayos ka nga, alam ko pinapasaya mo lang ako e. O baka naman namulat na talaga mga mata  mo sa taglay kong handsomeness?” landi ng binata. “Enan, yang sinasabi mong handsomeness hindi nakikita e. Nararamdaman siya” sabi ng dalaga sabay ngumiti.

“Hoy Clarisse, naka drugs ka ba? Anong nararamdaman? Gusto mo ako yapusin? Hala ka, are you having dirty thoughts about me and you? Isusumbong kita kay Shan” sabi ng binata at napahalakhak yung dalaga. “Umaakting ka na oozing ka with confidence pero pag may umaamin sa iyo titiklop ka”

“Ang sinasabi ko Enan…pano ba? If ever nagloko si Shan at sabihin mo na nagbreak kami…pag niligawan mo ako sasagutin kita” pacute ng dalaga at natulala ang binata at hindi makapagsalita. “Hindi ka naniniwala ano? Sinasabi ko lang yan para malaman mo na you are a very likeable person” sabi ni Clarisse.

“Liar” bulong ni Enan. “True, Shan is not perfect but I love him. Whatever he lacks nasa sa iyo e, whatever you lack nasa kanya. Please don’t get me wrong ha, I am not speaking about physical appearance here. So pag magkakasama tayo parang dalawa boyfriend ko, kaya lang bawal yon so boyfriend ko siya at ikaw naman best friend narin kita” sabi ng dalaga.

“You are just cheering me up” sabi ni Enan. “I am telling you the truth, alam ko masakit yung sinabi ko nung isang araw. Alam ko lalo ka nanliit sa nasabi ko and it was not my intention. I was just looking out for you pero sa pagkataklesa ko nasaktan kita at di ko nasabi sa maayos” sabi ng dalaga.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon