Prologue

29.2K 322 34
                                    

I will be updating this story regularly but depending on my free time :)

ARTISTAHIN

BY JONATHAN PAUL DIAZ

Prologue

Sa loob ng kotse nagsusuklay ng buhok ang isang dalaga, napansin niya na biglang kumurba yung kotse kaya agad niya tinignan nobyo niya. “Susunduin natin si Enan?” tanong niya.

“Yup” sagot ng nobyo niya. “Nakausap mo ba siya lately? Is he okay?” tanong ng dalaga. “Oo, bakit?” tanong ng binata. “Since when mo siya kausap?” tanong ng dalaga. “Araw araw, bakit ba?” tanong ng binata na naghihinala na.

Nanahimik yung dalaga kaya tinabi ng binata yung kotse sabay tinignan nobya niya. “Clarisse tell me” sabi niya. “Binasted siya ni Violet” bulong ng dalaga. “Ha? Ano? Are you kidding me? Teka seryoso ka ba?” tanong ng binata. Nilabas ng dalaga phone niya at pinakita text message mula kay Violet.

“Gosh ang kapal ng mukha niya! Sorry sis I know kaibigan niyo siya pero hindi siya makagets kasi e. Prinangka ko na si panget. I didn’t mean to be harsh pero ang kulit kasi niya at hindi talaga makagets e” basa ng binata sabay napalunok.

“Are you kidding me? Niligawan niya talaga si Violet?” bigkas ng binata. “He did and it’s my fault” bulong ni Clarisse. “Pano naging fault mo? Teka nga bakit hindi ko alam na niligawan niya si Violet. And why the hell is Violet like that? Ang alam ko lang crush niya si Violet…oops” bigkas ng binata sabay tinakpan bibig niya.

“Sus, napansin ko narin yon ano. Akala mo naman maitatago niyo sa akin yan. Hello araw araw nakikita ko pano siya tinitignan ni Enan ano. Tapos tuwing meron si Violet e sobrang behaved ni Enan. Then lagi sila magkasama diba? Parang close sila diba? Kaya kinausap ko si Enan at sinabi ko ligawan niya. Well kinulit ko siya actually” sabi ni Clarisse.

“Tapos niligawan niya talaga?” tanong ng binata. “He did. Pero ayan nga o, kaya I was just worried kaya natanong ko kung okay siya. Alam ko patay na patay siya kay Violet. Kuya ko nga nung nabasted siya ng crush niya e halos masiraan ng bait kaya medyo alam ko din pano magrereact si Enan” bulong ng dalaga.

“Naman sana sinabi mo agad. Bestfriend ko si Enan e. Oh men kaya pala nagyaya uminom nung last day of classes. E tumanggi ako, tapos nangungulit kaya di ko sinagot. Pero teka nagtetext kami naman araw araw e wala naman siya binabanggit” sabi ng binata.

“Nahihiya siguro, its my fault. Sana di ko nalang siya pinilit” sabi ni Clarisse. “Sana sinabi mo sa akin agad nung nabasted siya para naman nandon ako para sa kanya” sabi ng binata. “Sorry talaga, kung susunudin mo siya kahit magtaxi na ako papunta school” sabi ng dalaga.

“No, sunduin natin siya” sabi ng binata. “Nahihiya ako, pinilit pilit ko siya ligawan si Violet e” sabi ni Clarisse. “Okay lang yon, ako bahala. Basta sunuduin natin siya tapos check ko kung ano mood niya. Kilala ko yon so alam ko ano mood niya” sabi ng binata.

Malayo palang sila nakita na nila si Enan nakatayo sa gitna ng kalsada. “Oh my God, is he suicidal?” bulong ni Clarisse. Bumagal yung takbo ng kotse, titig na titig yung dalawa sa morenong lalake na nakatayo sa gitna ng kalsada. “Smile” bulong ng binata. “What?” tanong ni Clarisse.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon