Chapter 12: Believe

13.8K 186 22
                                    

Chapter 12: Believe

Sunday after lunch nagulat si Enan nang bumisita ang mga barkada niya sa kanilang bahay. Binuksan ni Robert yung gate at sinabulong sila. “Hi tito, nandyan ba si Enan?” pacute ni Clarisse. “I am sorry I don’t see you on the list, nagpa appointment ba kayo?” tanong ng matanda.

“Hala si tito gumaganon na o” biro ni Shan kaya nagtawanan sila. “He told me to say that, pasok kayo nandon siya sa loob” sabi ni Robert. Pumasok yung lima, nakita nila si Enan sa sofa na nakadekwatro. “O isang yakap at isang kiss lang sa pisngi ha, dito sa left at mabigat pa yung right side ko kasi kanina nag fans day ako sa park” banat ng binata kaya natawa ang kanyang mga kaibigan.

“Uy Enan, sorry na last time” sabi ni Clarisse. “Oh let me guess, nakita niyo nanaman yung bagong photo na kumakalat online?” tanong ni Enan. “Yeah, uy sorry na kasi. We really did not mean to hurt your feelings” sabi ng dalaga. “Sit, I have something for you all” sabi ni Enan sabay pinalakpak niya kamay niya, inulit niya ito sabay napalingon.

“Ma! Nasan ka? Pumalakpak na ako diba?” biro niya kaya lumapit si Rosa at piningot ang tenga ng kanyang anak. “Ano yon anak?” tanong niya. “Aray, aray mother this is so embarrassing. My fans are here” sabi ni Enan. “Anong palakpak? Ano ka sernyorito?” tanong ni Rosa. “Artista lang naman, joke lang naman ma e. Buti pa si daddy marunong mag ride on” tampo ng binata.

Tumayo ang binata at kinuha backpack niya, “Di ko ata ibibigay yung sa iyo mommy” sabi ni Enan. “Bakit ano ba yan?” tanong ni Rosa. “Maupo kayo lahat, so nakita niyo na yung bagong kumakalat sa internet na photos…now let me show you my phone. Hala sige ipasa pasa niyo at panoorin niyo yung video” pasikat ng binata.

“Sayang pare sana maganda phone mo, malabo konti yung video” sabi ni Greg. “Di ko din ibibigay yung sa iyo” sabi ni Enan. “What is she doing here?” tanong ni Clarisse. Nilabas ni Enan yung mga photos, “Ahem, well I asked my girlfriend…I repeat celebrity girlfriend to autograph some photos of her lang naman”

“Just like this one, To Tita Rosa…pero piningot ako ni mama kaya pupunitin ko to” landi ni Enan. Nagliwanag mukha ng mommy niya, bigla ito tumayo at inakbayan anak niya. “She called me tita Rosa? Is that for me?” tanong niya. “Sige na nga, di naman magkakaroong ng artistahin pag wala ka e, yes ma she calls you tita and this is for you” sabi ni Enan.

Sobrang natuwa si Rosa, “Robert! Tignan mo ito o! Robert pumasok ka dito! Tawag niya sa akin tita na o” sigaw ni Rosa kaya bungisngisan ang mga kaibigan ni Enan. “Pare, idol, how about us?” bulong ni Greg. “Here” sabi ni Enan sabay inabot yung sa kanya.

“Wahahaha may LLA!” kantyaw ni Tommy. “E ano ngayon? Ako lang naman yung Gregorylla e, oh shit pare this is the best” sigaw ni Greg. Inabot narin ni Enan yung para ibang kaibigan niya, si Greg tawa ng tawa at pinagtuturo sina Jason at Tommy. “Huh, at least sa akin alam ko para sa akin talaga. Ako lang ang Gregorylla. E kayo baka napulot niyo lang yan tapos nagkataon na kapareho niyo lang na pangalan” banat niya.

“Uy Enan, lalo ako naguilty tuloy” sabi ni Clarisse. “Wala yon, teka lang kunin ko lang photos ko tapos pipirmahan ko para may copy din kayo” biro ni Enan. “Wag na pare, okay na to” sabi ni Greg kaya tawanan sila lahat.

“So pare nagsama pala kayo?” tanong ni Shan. “I gave her a surprise visit, labag sa kalooban ko pare kasi nasa studio siya. Alam niyo naman na umiiwas ako sa lugar na ganon kasi gusto ko talaga low profile lang ako e” sagot ni Enan.

“Whoa, as in nagpunta ka sa studio?” tanong ni Greg. “The photo you see circulating online was taken inside her dressing room. Pati yung video na pinakita ko, sa dressing room din niya” sabi ni Enan. “E di madami kang nakitang artista?” tanong ni Tommy.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon