Chapter 14: Closer

14K 180 13
                                    

Chapter 14: Closer

Katatapos ng preliminary exams nina Enan, ang binata nagmadali na nagtungo sa studio para bisitahin si Cristine. Sa dressing room tanging si  Arlene ang nadatnan niya at mukhang malungkot ito.

“I am so sorry, kasi nag exams kami e” sabi ni Enan. “Its okay, we understand” sabi ni Arlene. “O bakit may problem ka ata?” tanong ng binata. “Well, to be honest the gimmick is working but still no new takers for her. Walang bagong endorsement deals at walang new project offers” sabi ng manager ni Cristine.

“Oh so its not working” sabi ng binata. “It is, nagbabago tingin sa kanya ng public but…siguro nasanay lang ako na kaliwa’t kanan pinag aagawan siya. Endorsement offers dito, project offers doon, all we had to do was choose. I told her na we go talk to people to ask for projects but she told me she does not want to beg” kwento ni Arlene.

“Ganyan kasi society natin, once nahusgaan ka na e tatatak na yon. Stay positive, magaling siyang artista kaya for sure meron at meron role na tanging siya makakagawa o babagay” sabi ng binata. “Sana nga, hey would you like to go visit her sa set?” tanong ni Arlene.

“Set? Akala ko ba kanina pang umaga yon?” tanong ni Enan. “Hay naku, ganyan talaga ano. Minsan nga inaabot pa ng the next day” sabi ni Arlene. “Grabe naman, so siguro sira sira na set ano? Baka nagwala na siya at nag mataray tantrum” sabi ni Enan. Natawa si Arlene pero sumenyas na wag maingay yung binata.

“Sige ka if she hears you saying that lalo siya magagalit” sabi niya. “Oh so para mo naring sinasabi dinedeny niya pagtataray niya? Ano siya may dual personality?” biro ng binata. “Minsan nga parang meron, ewan ko ba di naman siya ganyan noon. Anyway, tara para pasyal tayo doon para makakita ka naman ng real set for a change” sabi ni Arlene. “Naakainsulto ka na, artistahin ako so you should know araw araw nasa set ako” banat ni Enan.

Nakarating yung dalawa sa set, nakita nila agad si Jelly nakatambay sa labas kaya nilapitan nila ito. “Bad mood siya, wag niyo lalapitan” bulong ng bading. “Ano nanaman nangyare?” tanong ni Arlene. “Yung bagong actress nag iinarte, siya yung nagpapatagal e. Any moment na sasabog na si Cristine” sabi ni Jelly kaya napasilip sa loob si Enan at nakita ang magandang dalaga nakaupo sa isang sulo at nakasimangot.

Hinila siya ni Jelly palayo, “Sabi ko bad mood siya, baka pag nakita niya mukha mo lalo masira araw niya” bulong ng bading. “Akin na phone mo” sabi ni Enan. “At bakit?” tanong ni Jelly. “Sige na akin na, dali” pilit ng binata. Pag abot ni Jelly ng phone niya bigla siya nahila para tumabi ni Arlene.

Pati si Enan tumabi pagkat may isang matandang babae na umeskort sa isang matandang lalake na mukhang executive ng isang kumpanya. “Joanna is inside sir, sige lang po pwede kayo sumilip” sabi ng matandang babae. “He took my phone…teka why are you taking a video?” tanong ni Jelly. “Wala, gusto ko lang idocument yung pagdalaw niya sa set no. Pwede to ipost kasi matagal nga siya nawala dahil exams diba?”

“The people are hungry and might be doubting so eto papakita ko sa kanila na all is okay with them at bumibisita siya sa set” bulong ni Arlene. “Excuse me sir ha, iwan ko kayo saglit” sabi nung matandang babae. Yung ehekutibo nahiya konti kaya umatras at natabihan sina Arlene at Jelly.

Si Enan sumandal sa gilid sabay nagcompose ng text message. Tumunog yung phone ni Cristine, nakita niya text message galing kay Jelly kaya binasa niya ito agad. “Di ko na maitago ang nararamdaman ko, nagpanggap lang akong bakla para malapitan kita. Cristine matagal na akong may gusto sa iyo” basa ng dalaga.

Ang simangot sa mukha ni Cristine agad naglaho at napalitan ito ng ngiti. Sumagot siya sa text message, “Enan” sabi niya. “Grabe pati artistahin presence ko damang dama parin talaga kahit sa text lang” sagot ng binata kaya natawa bigla si Cristine.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon