Chapter 5: Pagbagsak

12.1K 153 8
                                    

Chapter 5: Pagbagsak

Sa tambayan muling nagkakatuwaan ang magkakaibigan. Si Clarisse napatigil sa tawa pagkat nakita niya si Violet umaaligid. Sumenyas ang dalaga na lumapit, si Violet natatakot kaya medyo nagtago konti sa corner. Pasimple si Clarisse, habang nagtatawanan yung boys tinignan niya si Violet at sinenyasan ulit para lumapit na.

Nakalapit si Violet pero nakadikit siya sa wall, sumenyas siya ng timing kaya ngumiti si Clarisse at nagkunwari na naglabas ng mirror. “Excuse me Clarisse, bakit ba lagi mo tinitignan sarili mo sa mirror?” tanong ni Enan. “Kasi po ganito ang mga babae, gusto namin lagi kami pretty so pag may time we do check our faces always” pacute ng dalaga.

“Wala ka bang confidence sa sarili? Look at me, di ko na kailangan ng salamin. Sapat na yung mga malalagkit na titig ng girls all around me to say…damn I still look handsome” landi ni Enan at umariba sa tawa ang magbabarkada, si Violet nagtakip ng bibig at nagpigil ng tawa para di mahalata ng boys na nandon siya.

“Oh tignan mo yung babae na yon sa malayo, tinitignan ako non. Of course pasimple siya pero nakaw tingin siya sa akin kanina pa. Kaya ayan senyales na umaapaw parin ako sa kagwapuhan. She cant stop looking at my face, mukha na paulit ulit tinitignan, mamaya nakaukit na ako sa kanyang isipan, tonight I am the star of her dreams, I will be her fantasy, tapos bukas sasabihin niya kami na”

“Yun lang ang masama sa pagiging artistahin na tulad ko, I cannot stop those girls e. Inaangkin nila ako, minsan nga sa gabi parang nakakarinig ako ng mga boses, parang sabay sabay nila ako tinatawag pangalan ko. Enaaaan…Enaaan na saksakan ng kagapwuhan…” landi ng binata at umingay ng husto sa tambayan at si Violet namimilipit na sa pagpipigil sa pagtawa.

“Kaya lang may times na nakakatakot, kasi alam niyo wala naman specific age bracket tagahanga ko. There are times na nakakakilabot kasi boses matatanda naririnig ko. Parang mga sixty, seventy at pati ata eighty years old binabanggit pangalan ko”

“Now that is really scary, Inaaaahaaaan…wawa aku ngefen fero faghahalikan keta ehooo…kunen mo ne neteterang asim koooo…Inan come to lola bebe!” banat ni Enan at napahiyaw si Clarisse ng sobrang lakas, mga boys lahat napayuko at inuga ang mga ulo. Nakita ni Clarisse na luhaan na si Violet dahil sa katatawa, hindi parin napansin ng boys na nandon talaga siya sa gilid.

Nang nahimasmasan sila si Enan hiniram yung mirror ni Clarisse. “O pare akala ko ba confident ka, aanhin mo yang mirror?” tanong ni Gregory. “Gori this is a mirror, mirrors don’t lie” sabi ni Enan. “Tado alam ko ano yan” sagot ng kaibigan niya. “Now calm down, I know you are frightened, so let us do this slowly” landi ni Enan sabay nilapit yung salamin sa mukha ni Greg.

“Siraulo ano ba? Bakit may dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Greg sabay sinusuway kamay ni Enan. “Please Gori, its for your own good” sabi ni Enan. “Ano nga? May dumi ba? Tell me” sabi ng kaibigan nya. “Basta tignan mo” sabi ni Enan kaya tinignan na ni Greg sarili niya sa salamin.

“O wala naman e” sabi ni Greg. “Look closer, pare hinahon lang” sabi ni Enan. Di kumibo si Greg at tinitignan niya lang mukha niya sa salamin. “Acceptance” bulong ni Enan kaya nagbungisngisan na mga kaibigan nila. “Ano?” tanong ni Greg. “Acceptance pare, you were born that way. Alam ko ngayon mo lang titignan sarili mo sa mirror”

“Alam ko nakakaramdam ka ng takot pero ikaw yan pare. Acceptance…ikaw yan, hindi yan bato na inukitan ng mukha. That is you. This is what other people see when they look at you. Scary no?” banat ni Enan. Napahiyaw sa tawa ang mag kaibigan nila, si Greg kinuha yung salamin at pinokpok noo ni Enan kaya lalo nagtawanan ang magbabarkada.

“Ikaw gago ka ako nanaman nakita…” sabi ni Greg na biglang tumigil nang maamoy siya. “Ina yan umutot ka!” hiyaw ni Tommy kaya kumaripas sila lahat patakbo palayo. Si Enan naiwan at nagbungisngis, si Violet tumalikod at pinunasan ang kanyang mga luha.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon