Chapter 17: Peace

13.7K 188 23
                                    

Chapter 17: Peace

Biyernes ng hapon malakas ang ulan. Si Enan nilabas ang kanyang payong sabay sinugod yung ulan pagkat ayaw niya mahuli sa meeting nila kasama si Cristine. Napadaan siya sa isang building, napatigil saglit nang makita si Violet sa entrance.

Nakita niya ang dalaga nakatingala tila inaantay ang pagtila ng ulan. Napailing si Enan, huminga siya ng malalim sabay nilapitan ang dalaga. Nagulat si Violet nang makita niya si Enan sa harapan niya, di kumikibo ang binata pero tila inaalok siya nito sumabay sa kanya.

Nag alanganin yung dalaga, muli niya tinignan yung kalangitan at nakita na lalo lamang lumalakas yung ulan. Humakbang na siya upang makisilong sa payong, “Kahit hanggang main gate lang” bulong ng dalaga sabay mga kamay niya agad kumapit sa braso ng binata tulad ng ginagawa niya dati.

Napatingin si Enan sa braso niya, si Violet bibitaw na sana, “Okay lang” bulong ng binata. Naglakad na sila, si Violet di makatiis kaya huminga siya ng malalim sabay inuga ang braso ng binata.

“Sorry” bulong niya. “Ayos lang” sagot ni Enan. “Alam ko galit ka, so pwede ba makinig ka muna sa akin?” sabi ng dalaga. Di kumibo si Enan kaya muling nag alanganin ang dalaga. “I am so sorry Enan. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi ko” sabi ng dalaga.

“Di ko nga alam kung magrarason pa ako e. Lalo lang sasama pagtingin mo sa akin. Sally was there kasi…” sabi ng dalaga. “Yeah I get it, ayaw mo mapahiya sa kanya. Nahalata ko naman na noon pa, pag kasama mo siya you act as if you do not know me. Connect the dots nalang ako pero nakahiya ba talaga pag kaibigan mo ang isang tulad ko?”

“Ikakasira ba talaga ng image mo? I liked you for who you were, oo niligawan kita, sabi ko pag basted at least she would say it nicely. I didn’t expect you to be like them. Okay na, wag ka na magrarason, to save your image you had to sacrifice. I hope it was worth it” sabi ng binata.

“Enan sorry talaga, pinagsisisihan ko na, it was not worth it. I lost you” sabi ni Violet. “Part of the sacrifice yon, o baka kailangan mo bumitaw pala at baka makita ka nila kasama ako” sabi ni Enan. “Enan naman e, wala na ako pakialam kung makita nila tayo. Mali ako, aminado ako, nagsisisi ako, please forgive me” sabi ni Violet.

“Violet may kailangan ka ba?” tanong ni Enan kaya nagsimangot ng husto ang dalaga. “Wala, I just want us to be friends again” sabi ng dalaga. “Tapos ilalaglag mo nanaman ako anytime you feel like doing so?” tanong ng binata.

“Enan naman give me another chance” sabi ni Violet. “To hurt me again?” tanong ng binata. Di nakasagot ang dalaga, niyuko nalang niya ulo niya at hinayaan tumulo ang kanyang mga luha. “I miss you…I miss your jokes, I miss you making me laugh…” bulong niya.

“Paki hawak nga saglit” sabi ng binata kaya hinawakan ni Violet yung payong. “Get home safe” sabi ni Enan sabay tumakbo ng mabilis at sinugod yung ulan. “Enan! Hoy mababasa ka!” sigaw ng dalaga pero mabilis na nakalayo ang binata sa kanyang paningin.

Late na nakarating si Enan sa studio. Basang basa siya kaya dinala siya agad ni Jelly sa dressing room. Isasara palang ni Jelly yung pintuan nang dumating na sina Cristine at Arlene.

“I am so sorry” sabi ni Enan. “What happened to you? Jelly yung towel ko nga” sigaw ni Cristine at nagulat sina Jelly at Arlene pagkat akala nila magwawala sa galit ang dalaga.

“Jelly! Towel!” sigaw ni Cristine kaya nagmadali ang bading na kumuha ng twalya sa bag. “I am really sorry, I wanted to make it on time pero ang lakas ng ulan tapos sobrang traffic” sabi ng binata. “It does not matter, eto o magpunas ka, Jelly can you go get him a shirt, tell Bianca I am asking for a shirt, teka pants narin kung meron” sabi ni Cristine.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon