Chapter 4: Pag Iwas

13.5K 166 6
                                    

Chapter 4: Pag Iwas

Lunes ng umaga sa tambayan biglang umalis si Enan kaya feeling guilty yung mga kaibigan niya. Kababalik ni Clarisse galing CR, “Nasan na siya?” tanong ng dalaga. “Nag walk out ata” sabi ni Shan. “Ata?” tanong ni Clarisse. “Kayo kasi e, bakit niyo kasi kinukulit, wala na magtuturo sa akin ng charms. I was really looking forward to him teaching me pero kayo kasi e” sabi ni Gregory.

“Hala kayo, pero guilty din ako. Kaya lang kasi parang ang laki naman masyadong sikreto yon para itago niya. I mean ang galing sobra at naitago niya. Nasanay na kasi tayo sinasabi niya ex ko yan, ex ko si ganito, we just laugh at him. Pero binulaga niya tayo at bakit ba ayaw natin tanggapin kasi?” sabi ni Clarisse.

“Masama siguro loob niya sa atin, all this time we were being good to him, tapos eto na may pruweba siya pagdududahan natin siya imbes na tayo pa mauna na magiging masaya para sa kanya” sabi ni Tommy. “I think we should say sorry” sabi ni Jason.

“Alam niyo guys and girlfriend of Shan, nainspire ako. Tama naman si Enan e, tignan niyo ako, deep inside din I feel so small pero after seeing with him Cristine, nabuhayan ako sobra. Di sa nilalait ko siya ha pero siya mismo naman nagsabi, iisang tribo kami, tribo ng pangit, if he can do it e di ako din. Kaya pag uwi ko nga di ako nakatulog kasi there is a chance e”

“Nilista ko pa nga mga crush ko talaga, kaya lang I want to know how he did it. Please wag kayo tatawa, baka iniisip niyo na iniisip ko na ginamitan niya si Cristine ng gayuma, wag naman please, wag niyo naman sirain itong munting hope ko” drama ni Gregory.

“Tado di mo bagay magdrama, di ko madistinguish yung normal face mo sa sad face. Parang iisa” narinig nila sabi ni Enan kaya nagtawanan sila. Naupo ang binata at natatawa siya pagkat lahat mukhang maamo. “Guys I am not offended sa mga pagdududa niyo. In as much that I would like to prove it further, I am sad to say me and Cristine, we are over”

“May sarili na siyang buhay, ako may artistahing low profile na buhay. Kung siya pinili niya sa spotlight, ako naman mag ninais ko biyayaan ang taong bayan sa araw araw. Libre, kaya you are lucky for being with me” landi ni Enan at lalo natawa ang mga kaibigan niya.

Pagsapit ng lunch sa isang karinderya sila kumain. Nakasindi yung TV kaya biglang may tinuro si Enan sa screen. “Ayan, nakikita niyo yan, si Sharmaine, former beauty queen yan” sabi ng binata. “Oh no, don’t tell me ex mo din yan” sabi ni Clarisse. “Of course not, sinasabi ko lang yung alam ko, hello updated din ako sa showbiz. Yan pretty face and sexy body lang yan, di tugma wavelength namin” sabi ni Enan pasikat kaya laugh trip mga kaibigan niya.

“Pare if you don’t mind me asking, naka ilang girlfriend ka na ba?” tanong ni Gregory at lahat napatingin kay Enan. “Alam mo pare, di ako nagbibilang e, pangit yung nagbibilang kasi iisipin nila playboy ako. Puso ko kasi medyo marupok, lalake lang ako at madali ako matukso sa panlabas na kaanyuhan”

“Siguro madami kayo maririnig sa ibang babae saying ex ko si Enan, please lang wag kayo agad maniwala. Ganito talaga ang artistahin, ngitian mo lang akala nila kayo na. Gosh sometimes I wish I was just plain normal” drama ni Enan at halos mamatay sa tawa mga kaibigan niya.

“So how many?” tanong ni Clarisse. Napabuntong hininga si Enan sabay naglabas ng papel at nagsimula maglista ng mga pangalan mga ng babae. Lahat napatingin sa papel at napanganga sa dami ng kanyang nailista. “Lahat yan?” tanong ni Clarisse sa gulat. “Ay bakit? Akala niyo nililista ko pangalan ng mga ex ko? Oh my, I am sorry, itong list na itong nakikita niyo e yung mga pangalan lang ng mga binasted ko” pasikat ng binata.

Inagaw ni Shan yung listahan, “Walanghiya ka panay pangalan ng arista ito ha” sabi niya. “I really don’t know pare, I cant help it. They just keep coming at me, wala naman ako pinapakitang motibo, yung iba nga diyan di ko pa nakilala pero ewan ko ba. Its hard being born with such irresistible charms” landi ni Enan.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon