Chapter 20: Tuliro

13.9K 190 14
                                    

Chapter 20: Tuliro

Lunes ng umaga napansin nina Clarisse at Shan ang kakaibang ngiti sa mukha ng kanilang kaibigan. “Enan, you look happy” pacute ng dalaga. “She said she likes being with me” sabi ni Enan kaya nagtawanan yung nagsyota pagkat parang kinikiliting bulate ang kaibigan nila.

“Dude, natural girlfriend mo siya” sabi ni Shan. “I like being with Shan” sabi ni Clarisse. “Talagang sisirain niyo trip ko no?” sagot ni Enan. “Just saying pare. Ikaw don’t you feel the same?” tanong ni Shan. Napaisip si Enan at napangiti, “Of course I like being with her, girlfriend ko nga e” sagot niya.

“Nakakalito ka, something else happened. Iba yang ngiti mo e” sabi ni Clarisse. “Oh sorry naman, did I smile too much for you to find me more handsome?” landi ni Enan. “No pero kitang kita na masaya ka” sabi ng dalaga. “Sana nga totoo” bulong ng binata.

“Ano sinabi mo?” tanong ni Clarisse. “Pare o, tignan mo girlfriend mo o. Di na maalis titig sa ngiti ko. Delikado ka pare, nakikita na niya handsomeness ko. Pinapaunahan na kita pare ha, pagsabihan mo na nobya mo or else matutuklaw siya ng aking kagwapuhan. Huh ikaw din pare” sabi ni Enan kaya natawa si Shan.

Sumapit ang lunch, papunta na si Enan sa tambayan para makipagkita sa kanyang mga barkada nang makita niya si Violet mag isang naglalakad. Iiwasan niya sana yung dalaga pero nakita na siya nito. “Hi Enan” sabi ng dalaga. “Hello Violet” sagot ng binata sa nanginginig na boses.

“Uy salamat pala sa payong ha. Di ko siya dala pero isosoli ko siya don’t worry” pacute ng dalaga. “Okay lang gamitin mo lang. Kasi pag nakita mo na makulimlim na sa umaga dalhin mo na. Di naman masisira porma mo kahit umaraw, maganda ka parin naman e” sabi ni Enan.

Napangiti si Violet at biglang binangga ang binata. Nagulat si Enan, napangiti siya konti pagkat laging ginagawa yon ng dalaga sa kanya dati. “Lunch?” bulong ni Violet. “Oo, sama ka sa amin?” alok ni Enan. “Hindi na, galit pa sila sa akin e” sabi ng dalaga.

“So mag isa ka maglunch?” tanong ni Enan. “Hmmm yeah” sabi ng dalaga. “Bakit nasan na yung friends mo?” tanong ng binata. “May family reunion kasi sila, yung iba di ko kaclose so pag wala si Sally e umiiwas din ako sa iba” sagot ng dalaga.

“So gusto mo ba makasama ang isang artistahin na tulad ko? Nasesense ko gutom ka kaya nag aalanganin ako kung samahan kita maglunch. Baka kasi di ka makain e at matutulala ka nalang sa aking taglay na…” bigkas ng binata pero natawa na agad si Violet at nahawakan ang kanyang braso.

“Ay sorry” sabi ng dalaga na agad bumitaw pero tinuloy parin ang kanyang tawa. “My offer stands pero ikontrol mo nalang sarili mo  ha, focus sa food at wag sa aking dreamy handsome face” landi ni Enan at muli siya binangga ng dalaga. “Nahihiya pa ako sa iyo” bulong niya.

“Sus, ilabas mo na notebook mo, dami pa arte. Akin na pipirma na ako” biro ni Enan. “You know what I mean” sabi ng dalaga. “I actually don’t, ano papa autograph ka o hindi? Ikaw din” hirit ni Enan at natawa nalang ang dalaga.

Sa loob ng karinderya sa malayo sila napadpad, agad sila pumila sa counter at naunang naglabas ng pera ang dalaga. “My treat” bulong niya pero si Enan naglabas ng ballpen at pinirmahan yung limang daan piso ng dalaga. “There you go, youre welcome. Sige na itago mo nay at priceless na yan” sabi niya.

“Enan naman e, sige na treat ko” sabi ni Violet. “Do you have a male organ?” landi ng binata at natawa si Violet. “O wala so tago mo na yan, kapag may male organ ka na sige libre mo na ako” sabi ni Enan. Nanahimik ang dalaga, napangiti sabay nagsimula na mamili. Nang makaupo sila nahihiya parin si Violet kay Enan kaya ang binata huminga ng malalim at tinitigan siya.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon