Chapter 25

10.8K 382 7
                                    

Chapter 25

ALEXIS

"Anong nangyari d'yan?"narinig kong tanong ni Alex at nakarinig ako ng hampas ng bola ng billiards.

Napadiretso kami sa headquarters nila dahil sarado ang mall at kailangan namin ng permiso kay Alex na ibukas ito.

"Nabulag ka ba, Nerd?" Narinig kong tanong ni Jake.

"Alex, pwede ba tayo mag-usap? Tayong dalawa lang." Sabi ko sa kanya at idinilat ko ng kaunti ang mata ko at nakita ko na napa-smirk siya at binaba ang stick na hawak niya.

"Tara sa room." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay at kinaladkad palabas ng billiards room at umakyat kami sa hagdan and then pinaupo niya ako sa upuan.

"Pwede ba idilat mo na 'yang mata mo." Naiinis na saad niya pero ang ginawa ko ay tinakpan ko ng buhok ko ang isa kong mata.

Lahat kami sa BHG ay gumagamit ng contact lense nakalimutan kong tanggalin ito pero kapag nagsusuot ako ng salamin hindi na hahalata ang sky blue kong mata pero ito ako ngayon nakapikit at hindi maidilat nang maayos ang mata dahil sa isa sa kaaway namin ang kaharap ko ngayon.

"Tsk. Bakit ka napadaan sa HQ?" Tanong niya sa akin at nararamdaman ko na tumayo siya at may binuhat na upuan at nag face-to-face ang upuan namin dalawa.

"Ahm... wala kasi akong masuot na salamin at pasukan na mamaya kailangan kita ngayon." Sabi ko at napakagat nalang sa labi.

ARTHUR

Sino ka ba talaga Alexis?

Kanina pa nagfaflashback sa isipan ko ang nakita ko kay Alexis. 'Yung mga mata niyang asul pamilyar sa akin pero hindi ko matandaan kung saan at kailan ko nakita iyong mga mata niya.

Aish. Sa dinami-dami nang makakalimutan na bagay ay 'yung sakanya pa? Kainis naman oh!

Napasabunot nalang ako ng buhok at napaupo nalang.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na si Alexis at kasunod nito si Alex na nakatingin sa akin. Nakayuko lang si Alexis nang lumapit ito sa akin pero hindi na ito nahiyang ipakita ang tinatago nito.

Huminga ako ng malalim at initiklop na ang librong binasa ko pansamantala habang nag-aantay sa kanya. Hindi ko na itatanong kung anong dahilan bakit niya itinatago ang maganda niyang mga mata pero alam ko may malalim na dahilan.

Kunot-noong lumapit si Alex sa amin na kakatapos lang kausapin ang nasa telepono at sinenyasan ako.

"Arth, idala mo 'yan sa boutique ni Ate Jam at pilian mo siya ng salamin na babagay sa kanya. Pinabukas ko na ang mall at isang oras ko lang ito pinabukas." Sabi niya at tumango naman ako.

"Wala naman susundot sa mata mo. Iangat mo 'yang ulo mo." Ani ni Alex pero parang walang narinig si Alexis at nanatiling nakatungo.

Naglakad na ako at binuksan palabas ang pinto nakita ko naman na binubuksan na ang mall kaya kinuha ko ang kamay ni Alexis at pinatong dito ang salamin ko.

"Bakit mo ito binibigay sa akin?" Tanong niya sa akin.

"Binibigay ko ba 'yan? Pinapahiram ko lang 'yan sa 'yo. Ang weird mo kasi kapag nakatungo, para kang may stiff neck." Natatawa kong paliwanag at nang mag-angat ito nang tingin para bigyan ako ng masamang tingin ay napatikom ako ng bibig at agad na umiwas.

"Wala naman 'tong grado, 'no?" Tanong niya at tinuro ang salamin na suot niya umiling naman ako bilang sagot kaya napangiti siya at nauna nang maglakad.

Ang pinagtaka ko kung bakit nawala ang asul niyang mata nang suotin niya ang salamin pinilig ko nalang ang ulo ko at sumunod na sa nag-aantay na nerd.

The Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now