"Jake." Mahinang banggit ko.

Flashback.

"Julian!"

"Oh bakit, Monggi?" Tanong ko at sumimangot naman ito dahil sa pagtawag ko sa kanya na Monggi.

"Regalo ko nga pala sa 'yo. Diba malapit na kaarawan mo? Ingatan mo 'yan ah." Sagot niya at may inabot na maliit na box at ang laman nito ay bracelet at nakaukit dito ay "J & J"

"Ba't napaaga naman. Pwede namang sakto sa kaarawan ko?" Tanong ko.

Nagtama ang tingin namin dalawa at nakaramdam ako nang kaba dahil sa tipid na ngiti na ibinigay nito.

"Sorry, Julian. Aalis na kami pupunta na kami sa States dahil 'yun gusto ni Daddy. Walang nakakaalam kung makakabisita pa ba ako dito." Sabi niya na ikinatigil ko.

"Kailan?" Tanong ko at saktong tinawag siya ng Ate niya at napayuko nalang si Jake at dahan-dahang umabante at tumakbo sa ate niya na may dalang maleta at dun na tumulo ang luha ko.

End of flashback.

Mahina akong natawa. Akalain mo 'yun, Jake. May kapangalan ka pala rito sa school.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ay, Monggi!"

"Monggi?" Tanong nito at kumunot ang noo.

Tumayo ako ng maayos at pinagpag ang suot kong skirt, "Bakit ka nandito Mr. Clinic?" Tanong ko sa kanya.

"Don't answer me another question, Lady. Why are you here in our territory?" Tanong nito at inikot ko naman tingin ko sa sinasabi nitong teritoryo.

"Teretoryo? Saan banda? Dito ba?" Tanong ko at tinignan lang ako ng masama ni Mr. Clinic.

"Jake-what the f!" Napunta sa iba ang tingin ko at nagtama ang tingin namin ni James. He is one of our classmate.

"Stop it, James. Hanggang sa 'tin lang 'to. Ako ang nagdala sa kanya dito." Linaw ni Mr. Clinic at napairap naman ako sa sinabi nito.

"Oh? Gano'n ba? Wait. Pamilyar siya sa akin, Jake! Siya 'yung bagong chick sa room." Ani ni James at hindi na napigilan ni Jake na humarap kay James at may sinenyas.

"Alis o sisipain pa kita?" Tanong nito at ngumisi naman si James at kumaway nalang sa akin at umalid na.

Jake Clarence Sy?

The Gangster In DisguiseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt