Chapter 23: Dilema

Magsimula sa umpisa
                                    

Naupo yung dalawa sa sofa, “Buti ka pa protektado ka ng LGBT, pwede ka ba makiusap sa mga fairy god motherlings niyo na ilakad naman nila na isama yung P. Madami naman kami mga pangit kaya pwede ba isama niyo kami LGBTP para naman maprotektahan din kami?” bulong ng binata.

Naawa si Jelly kaya dumikit siya sa binata, “Tell me what happened” sabi niya. “Ewan ko ba, may hangganan din ang lahat e. May grupo nga kaming mga pangit pero tuwing Halooween lang kami bibida” sabi ni Enan at natawa talaga si Jelly.

Bumukas ang pinto ng kwarto, “Bakit ka tuma…oh hi Enan” sabi ni Cristine na biglang nag ayos at tinago ang isang folder sa likod niya. “He is having a bad day like you” sabi ni Jelly. Tumayo ang bading at umalis pagkat lumapit si Cristine at nakitabi sa binata.

“Tell me about it” lambing ng dalaga. “No, kaya ko naman, ikaw what is your problem?” sagot ni Enan. “Wala din” sagot ni Cristine. “Sige na, ano problem?” lambing ng binata. “Yung photo niyo sa fastfood, nag trending and now she is in trouble. Breach of contract” sabi ni Jelly.

“Why did you have to tell him?!” sigaw ni Cristine. “Oh shit, its my fault” sabi ni Enan sabay hinaplos niya noo niya. “Tsk Jelly kasi sabi ko wag na sasabihin sa kanya e” sabi ng dalaga. “Tama lang, don’t get mad at her, how can I fix this? Shit kasalanan ko yon” sabi ng binata.

“Don’t worry about it” bulong ng dalaga. “Sorry talaga, kahit sabihin mo its okay I can see na malungkot ka at problemado” lambing ng binata. “Wala yon” sagot ni Cristine. “Meron, ang alam ko pag ganyan may babayaran ka na multa diba? How much?” tanong ni Enan.

“Wrong timing lang…mga ipon ko napunta sa pagawa ng bahay ng kapatid ko” bulong ni Cristine. “Bakit wala kayo bahay kaya ka nandito sa condo? Diba childstar ka so wala ka ipon?” tanong ng binata.

“Sira meron, may bahay na kami pero I just stay here kasi its closer. Ayaw ko sila malapit dito para di sila madamay sa mga issues. Yung kapatid ko gusto ko wala na siya proproblemahin later on that is why pinapagawan ko narin siya ng bahay niya. Investment narin, he can sell it later on, I really don’t care na basta gusto ko siya bigyan ng bahay niya din”

“Sixteen na siya so I bought him a car too.  I opened a business for my parents, last summer I took them to the States. Doon napunta lahat ng ipon ko” bulong ng dalaga. “You rarely talk about them, do they know about me?” lambing ni Enan.

“They know about you, tinatawagan ko naman sila each night” sabi ni Cristine. “Tell me more” bulong ni Enan kaya dumikit ang dalaga at nagulat siya nang hawakan ng binata ang kamay niya. Hiniga ni Cristine ulo niya sa balikat ng binata sabay napangiti.

“Sixteen years ago, three years old ako noon. Tinakbo namin mama ko sa ospital kasi manganganak na. That time e walang pera daddy ko kasi katatapos lang ng bagyo at nasira bahay namin. So napunta sweldo niya at ipon para sa pagpapaayos ng bahay namin. Di pa dapat due mama ko e, my dad applied for a loan already para sa paghahanda sa pagpapaanak ng mama ko”

“Then one day basta nalang nag labor mama ko, ayaw kami tanggapin sa ospital kasi wala kami pera. Kailangan daw mag down payment kami kasi CS mangyayari. My dad was crying, my mom was in pain, iyak nalang ako ng iyak. Daddy ko nagmamakaawa na talaga sa doctor noon, he was on his knees crying and begging pero mas kailangan pa ng doctor yung pera”

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon