Chapter 22: Level 3

Magsimula sa umpisa
                                    

“Actually it’s a good start, you deliver your lines well pero boses mo nanginginig e. Would you like a minute to calm down?” tanong ni Cristine. “No need, okay na ako. Sa totoo tinetesting lang kita, ngayon alam ko na pano tamang adjustment sa skill ko. Ayaw kasi kita sapawan e” banat ni Enan kaya napatawa ng malakas si Cristine.

Sa pangalawang subok napatigil si Jelly sa pagluluto niya pagkat nabilib siya sa sagutan nung dalawa. Sumilip siya at lalo siya napahanga pagkat kuhang kuha talaga ni Enan yung kanyang role.

Hindi na tuloy nakaluto si Jelly pagkat naupo siya para panoorin yung dalawa. Napasigaw si Cristine at nayakap ng mahigpit ang binata sa tuwa. “Teka wala sa script ito” sabi ni Enan. “Wala nga, grabe natutuwa ako sa iyo. Oh my God, for a moment there I really thought totoo shooting na. Sorry kung nadistract kita kasi kanina hinahanap ko talaga yung cameras” sabi ng dalaga.

Pumalakpak si Jelly kaya napakamot si Enan. “Was it really that good?” tanong niya. “Di na nga ako nakaluto e, naniniwala na ako na you were born to act” sabi ng bading. “Wow, pero Cristine may napansin lang ako ha. Pwede ba magbigay ng critcisim?” lambing ng binata.

“Sure, ano yon?” tanong ng dalaga. “Ah kasi nanood ako ng movies mo din to prepare e. I noticed that meron kang common facial mannerism when you are about to go into a drama mode. Kaya parang predictable na siya” bulong ng binata. “Really? Meron akong tell sign?” tanong ni Cristine.

“Uy teka, magaling ka talaga sobra, pero sana wag mo mamasamahin yon. Siguro ako lang nakapansin or maybe meron din iba. If you can sana remove that para may element of surprise konti. Ganito sana…” sabi ng binata at naupo yung dalawa habang si Jelly napangiti at paspas na kinuha phone niya.

“Arlene, you wont believe it, Enan just criticized Cristine about her acting” bulong niya. “What?! Buhay pa siya?” tanong ni Arlene. “She took it well at ayon nga sila o sa sofa nakaupo. He is telling her about it and she is listening to him” sabi ng bading. “Oh my God, yung napuna ba natin yon?” tanong ni Arlene. “Oo sis, grabe akala ko magwawala si Cristine like last time we tried to tell her pero sis mahinahon siya at nakikinig talaga” bulong ni Jelly.

“Bye bye na papunta sila dito” bulong ng bading. “Tapos Tiny babae ka, kung umasta ka sa drama para kang lalake na gugulpi e. Remember you are a very beautiful girl, oo palaban ka pero remember babae ka parin so show some fear parin. Kung lalake nga na napapaaway e may takot parin e”

“Oo sigawan kami tapos kunwari susugod pero makikita mo na may pigil dahil sa takot din e. Ikaw naman Tiny ayos na ayos yung angry act mo pero astang lalake ka masyado na siga. Yes everyone gets mad, everyone loses their temper and can go berserk but always remember maganda ka, sa tingin ng tao you are that delicate flower”

“So astig acting mo but show some fear din, palaban na takot, mas kapanipaniwala yon. Like sa scene kanina sumbatan tayo, akala ko talaga magsusuntukan tayo e. Mahusay yung pagstress mo ng point but don’t act as if kaya mo talaga yung lalake. Di naman sa papatulan kita if ever but still magpigil ka having that fear what if suntukin nga talaga ako nito”

“Wag ka umakting na ah lalake ito kaya di ako papatulan nito, alam ko ganon gusto palabasin sa script pero hello everyone in real life loses their cool too. Pano kung sa totoong buhay nagsnap yung guy, o diba? So para sa scene na yon, palaban ka pero may takot ka parin kahit papano. Mas kakabilib yon” payo ng binata.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon