TFY 35: Supposed Yours

Magsimula sa umpisa
                                    

"OMG. Nyda! Bat lumaklak ka ng Gluta? Aba ang puti mo na! Halika nga Rona!" Tawag niya kay Rona na katabi ni Patrick

"Tigiltigilan moko!" Sabi naman ni Rona. Napansin ko ang pagpigil nila ng tawa. Hindi kasi gaano kaputi si Rona. Kayumanggi talaga ang balat nito kaya minsan pinagtritripan siya. Na kapag patay ang ilaw hindi na namin sa siya makikita

"Kumusta ka? Aba ang ganda mo ha. Buti naman nakadalo ka na rito." Linapitan ako ni Jazper "Pinilit ako ni Grae." Saad ko naman

"Kumusta na pala kayo?"

"Marami kang Namiss bruha! Nakapag asawa na yang si Jang may anak na nga. Tapos yang si Patrick may Fiance. Ikakasal na nga eh!" Sabi ni Patrick.

Magkapangalan kasi si Patrick. Yung isa Gay ung isa Lalake. Parehas namang gwapo

"Aba, kailan ang kasal" kinurot ko si Patrick

"Sa December pa. Kukunin kitang Ninang" he said.

"Eh ito? Nanloloko pa rin?"turo ko kay Jazper na nasa tabi ko.

"Sinabi mo pa. " Sabi naman ni Jang

"Uy! Sayaw tayo dali!" Pukaw ni Grae sa atensyon ni Patrick "yuck! Isasayaw kita. " Ani naman nito

"Ang Choosy naman!" Pero nagpumilit si Grae at hinila si Pat sa Dancefloor. Tawang tawa namang sumunod si Rona sa kanila

Ang mga baklang yung. Natawa narin lang ako habang pinagmasdan ko silang nagkukulitan sa Gitna.

"Hayaan niyo na." Patrick Gasped. Umupo nalang kami at Nanuod sa mga nagsasayaw. Parang nawala ang hiya ko. Parang naoverwhelm ako. Iba rin kasi ang pakiramdam nang makita mo uli ang mga kaibigan mo matapos lumipas ang ilang taon. We are all grown up. May mga kanya kanya na kaming buhay

"Oh My Gosh!" Napatingin kaming lahat kay Jang na nakatingin sa may Entrance. Para kasing nakakita ng Multo

"OMG! Sila Papa Rowin!!!!"

Tumingin ako sa bandang entrance. Talaga namang magkakasama ang Lima. Naroon si Kuya si Gab si Jake si Rowin at si Luke.

Napatingin ako sa ibang mga babae ganun nalang ang pagtitig nila sa kanila. Wala talagang kupas ang kagwapuhan nila.

Well I have to admit that.

"Si Rowin!! Ang pogi pa rin kahit may anak na." Ani ni Jang

"Oo nga. Walang pinagbago." Pagsang ayon ko naman sakanya.

"Minsan nakakinsecure sila." Nagsalita si Patrick. "Gwapo eh." Bago pa man ako matignan ni Luke ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko.

"Balita ko single daw si Luke hanggang ngayon." Tumingin ako kay Jang na nakatitig parin sa Lima

"Ang haba naman ng tenga mo nalaman mo pa yun."

"Sus. Teka nga, nakamove on kana ba sa kanya?" Tinignan ako nito. Agad akong nagiwas ng tingin

"Hoy Nyda sagutin mo kami ano kayo ni Luke?" Sumabat si Jazper

Hindi ko alam kung bakit ganyan na lang sila makatitig sa akin. Para akong nasa Hot seat

Gayong ang sagot naman ay 'Wala' pero Bakit hindi ko maisagot?

"Wag na muna nating pagusapan yang si Luke." Pagtatapos ko sa Usapan. I want to enjoy my night. Pero kung si Luke lang ang paguusapan ay hindi ko alam kung ni ngumiti nagawa ko pa.

Naisipan kong tumayo at magpunta sa long table kung nasaan ang mga Wines. Kumuha lang ako ng Wine Gel.

Naglibot ako sa buong sayawan. Masaya ang tugtug mapapaindak ka talaga. Naisipan kong makipag sayawan na rin.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon