TFY 21: What I Lost

68.6K 1.4K 36
                                    


FB GROUP:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB ACCOUNT:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

*****************

"Kailangan mo paring ipangako sa akin na lalaban ka. Na hindi kayo mawawala sa akin" kasabay ng pagbigkas ko ng mga salitang iyon ang pagtulo ng luha ko. I was holding her hand. Nakatitig lang ito sa akin. Ang payat payat na ng hitsura ni Camille at namumuti na ang mga labi nito. Nararamdaman ko ang mga mabibigat na paghinga nito.

"Lu-Luke. Thank You so much for marrying me. Ipinaramdam mo sa akin kung paano maging asawa at paano maging Ina. I chose to have this baby, " garalgal ang boses na pinakawalan nito. Hindi ko mapigilan ang pagkirot ng dibdib ko. I hate to see her like this. Alam kong darating at darating ang panahon na ito.. Na lalala ang kondisyon ni Camille at baka hindi niya kayanin ang panganganak. May sakit sa Puso si Camille since birth. Saka ko lang nalaman ang karamdaman niya nang mabuntis siya. Inadvisan siya ng mga doctor na mag paabort dahil delikado ang pagbubuntis niya. Pero nagpumilit si Camille at nagbuntis parin.

"If ever our Baby will survive.. You gotta take good care of her. Please.." Humihikbing pakiusap nito. Napapikit siya sa mga mata biya at kasabay nun ang pagtulo ng mga luha niya. "Please don't let my baby forget about me. Ipaalala mo ako sa kanya araw araw bilang Mommy niya. Sabihin mo kung gaano ko siya kamahal at gaano ako kasayang pinagbuntis ko siya."

Lumapit ako sa kanya at yinakap. Nasasaktan ako. Ayaw kong mawala ang mag Ina ko sa akin. Bakit ko ponagdadaanan ang lahat ng mga ito? Sila na lang ang mayron akin pero mawawala pa sila? Nasasaktan ako para sa asawa ko dahil hindi ko siya kayang hayaang mamatay. Gusto kong magkapamilya. Gusto ko silang alagaan at mahalin pa.

"You are not going to die. Huwag mo akong iiwanan Camille hindi ko alam kung kaya kong alagaan ang baby natin na wala ka. I beg you to fight and not to die. "

"Sir, It's time." Sabi ng Nurse sa amin.

"I love you Luke. And thank you for everything."

Hinatid ko Camille hanggang sa Delivery Room. Hindi ko nilisan ang labas ng DR hanggat hindi natapos ang operasyon. Nang araw na iyon ang isa sa mga araw na pinakamasakit na dumating sa buhay ko.

"Sir, I am sorry. We did everything but yout wife didn't make it. The baby was born but she has a very weak heart. Kalaunan ay namatay din po ang sanggol."

Parang naguho ang buong mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Tuluyan akong naluha at naramdaman ko ang pag sikip ng paghinga ko. Parang paulit ulit na sinaksak ang puso ko. Napasuntol ako sa ding ding at napahiyaw sa galit at poot na nararamdaman ko sa dibdib ko. Lumapit sa akin si Chai at tinapik ang likod ko, tulad ko ay hindi parin nila matanggap ni Ely ang nangyari kay Camille. Sa sulok ay nakatulala si Jeneviv na parang pinipigilan ang nararamdaman.

I lost Camille and my child. I lost my family. I lost my everything.

"Sir, she asked me to give this." Lumapit ang isang nurse na kasama ng doctor na nagpaanak kay Camille at iniabot sa akin ang pirasong papel na lukot lukot pa. Nang binuksan ko ang papel ay nalaman ko kaagad na si Camille ang nagsulat nito

Luke,
I'm writing this because I might not be able to say this to you . Mali ako nang sinabi ko sayong ako lang mamahalin mo. Luke please don't be sad. Narinig ko sa doctor na mahihirapan silang iligtas ang buhay ng bata kapag nanganak ako at naging kritikal na ang lagay namin pareho. If I die and my baby lives, Give my baby to my Sisters. They will take care of her. Maari ka paring maging Ama sa kanya but you should go and find your real hapiness. Naging masaya ka man sa piling ko alam ko naman na ang puso mo ay pagmamay ari ng iba. I love you but I would be more happy if you forget about me as your pain and remember me as your once happiness. Mahal ka namin ng baby ko Luke. Maraming salamat sa pagtanggap mo sa akin.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon