TFY 22: From A Distance

69.7K 1.4K 85
                                    


FB GROUP:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB ACCOUNT:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

OMG. Don't hate Ron. Ang gwapo at ang Hot po niya kaya wag niyo siya I hate. Hahaha!

Anyway. Maraming Salamat po sa pag Boto pag comment at pagbabasa. Nakakataba ng Puso. :-)

Promote ko lang po ang Story ni Gracielle. Enticed Series 3 : No Perfect Endings (Kerr and Gracielle)

Enticed and Mafias Series po ay nasa Profile ko po. Kung gusto niyong makipag kulitan sa mga FC join po kayo sa Group. Cheer niyo sila may Pageant bukas. Hahaha.


Happy Reading Po!

********************


It was Angel's Birthday Party Celebration. Pinaghandaan nila Tito at Tita ang Birthday Party nito. Dumalo ang mga kamag anak namin. Kanina pa abala si Angel na nakikipagusap sa kanila. Napangiti ako nang may makita akong pamilyar na babae. Para siyang nawawa at tingin ng tingin sa paligip. Inilapag ko sa mesa ang iniinom kong wine at nagtungo sa kanya

"Hey, Mag isa ka?" Kinalabit ko ito. Para naman siyang nagulat pero ngumiti parin

"Hinahanap ko si Nyda. Ang akala ko nauna siya sa akin." Sagot naman nito.

"You look beautiful. Gracielle para kanino ba ang Outfit mo ngayong gabi?" Pagbibiro ko dito. Agad namang napasulyap ito sa damit niya. "Wala. Wag ka magbiro!" Hinampas nito ang dibdib ko.

I appreciate her beauty hindi ko lang maintindihan kung bakit walang nagtatagal na lalake sa kanya. Bulag ba sila? Hindi pa nila makita ang kagandahan niya?

"Sige ha,Maghahanap ako ng kakilala ko" Pagpapaalam naman nito. Tinganuan ko naman siya pagkatapos nun ay naglakad na ito palayo. Napatingin ako kay Angel na nasa harapan. May kausap siya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagtulak sa aking maglakad patungo sa kanya.

Nang makalapit ako ay unti unti kong nakita ang Kausap niya. I was halted and gazed at Nyda. She was talking to Angel seriously, But I could see her outfit tonight. She was wearing a black Backless Dress. Naka stiletto pa ito. Hindi ko alam pero she looks stunning and elegant in whatever she dress. Kahit sako siguro magmumukha parin siyang maganda.

Parang nanadya pa ang Musika, Nagiba ito nang pumihit si Angel at nakita ako ni Nyda. Nagtama ang mga tingin namin ni Nyda. Tumagal iyon at hindi ko namalayan na parang hindi na namin naalala ang paligid. It was like, I didn't care for anything other than Staring at her. Her eyes seems like she has something to say. naunanng nag alis ng titig si Nyda.

"Luke, Oh. Yeah." Tumango tango naman si Angel na parang hindi makapagsalita. Nakatungo si Nyda. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya. It was very unsual, I don't know how am I feeling that she's bothered or she's upset on something. Nyda would always look at me with a rejoice in her eyes. But Tonight is very unusual.

"Sige, Hanapin ko lang si Grae." Walang tingin na saad ni Nyda. Tinalikuran niya lang kami at naglakad palayo. Pabalik balik ang tingin ni Angel sa akin na para bang nagtatanong kung anong ginawa ko bakit siya umalis. I was staring at her back while she was walking away

"Tuloy na tuloy daw ang kasal." Naghalukipkip si Angel sa tabi ko. Nakapamulsa parin akong nakatitig sa direksyon kung saan nagtungo si Nyda kahit hindi ko na siya nakikita duon

"Wala ka manlang reaksyon?" Sinilip pa nito ang Mukha ko. "Ano ba dapat ang maramdaman ko?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"I don't want Ron for Nyda. Hindi marunong mag mahal si Ron. Masasaktan lang si Nyda." Napatingin ako kay Angel na napailing iling

"Wag kang Ganyan. Dimo pwedeng husgahan ang mga Lalake sa nararamdaman nila." Saway ko naman ito. Napatigil naman ito at parang namangha sa sinabi ko

"Ikaw pwede kong Husgahan" She mocked.

"Don't even try." Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana pero hinawakan niya ang braso ko.

"I was very serious when I told you Nyda will marry Ron. and It comes with a warning." Seryosong pagbabanta nito. Kalaunan at binitawan niya rin ang braso ko at umalis


Dumiretso ako sa Mesa kung nasaan ang mga Drinks. Kinuha ko ang bote ng Bourbon at kumuha ako ng Baso. Nadirediretso ako sa Pool, Kung saan iilan lang ang Tao. Pinuno ko ng alak ang baso ko. Hindi ko rin namamalayan na isang Tungga ko lang ang bawat baso ng Alak. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para uminom ng ganun kadami.


*Flashback*


"Layuan mo si Nyda, Hindi ka nararapat sa anak ko. I will send Nyda away from here. " Napaangat ako ng titig sa kanya.

"Sir, Kailangan pa po ba ninyo siyang paalisin dito? Nandito ang mga kaibigan niya at ang buhay niya. Bata pa po masyado si Nyda at hindi niya kakayanin ang buhay sa Abroad-" Nagulat ako nang Hampasin nito ang mesa at tumitig sa akin na punong puno ng Galit.

"Hindi ka nakakabuti sa anak ko! Binalaan na kita nang una pang lumayo ka sa kanya. Ngayon ay nabuntis mo pa ang Nobya mo and my Daughter is still madly inlove with you!" Napatayo ito.

"Kalimutan mo na si Nyda. Hindi ka nababagay sa anak ko. Hindi ko hahayaang ang kagaya mo ang magiging para sa Anak ko. "

and then he walked out. Naiwan akong nakatulala duon at parang ang bababa ng tingin ko sa sarili ko. I just felt worthless.

*End of Flashback*


Napaupo ako at inilapag sa mesa ang baso ng alak. Marami na yata ako masyadong nainom. Napayuko ako sa mga palad ko at napasabunot ako sa buhok ko.

Hindi ko alam kung ilang beses ang ginawang pagbababa sa akin ng Daddy ni Nyda. it was 5 years ago the first time he did it. I could understand him. Mahal niya ang anak niya and he wanted the best for Nyda. That made me realize, Nyda is still young and she deserves the life that she wanted. and she deserves anyone else.

Akala ko ay wala na. Wala nang natira sa pag ibig ko sayo Nyda. But why do made me feel broken over and over again? Why do you become always the pain in my heart. If I try to unlove you that will hurt me, If I love you even more, that will also hurt me

What exactly should I do? Kung pwede lang alisin na kita sa buhay ko. Ginawa ko na pero hindi eh. You were always here. and I've always been missing you.

and now You have to marry someone else. I am set again to a situation where I need to Fight or not.

Pero tama ang Daddy mo Nyda, Hindi ako nararapat sayo. Nasaktan kita.

I was loving her from a distance, Somehow my heart survives.


Mula sa bakod ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. I stood up and went closer. Kita mo kasi ang labas mula rito. Nagtago agad ako nang makita ko si Ron at si Nyda pala ang kausap. Naramdaman ko ang mga yabag nilang papalayo. Sumilip ako sakanila, Ron was holding her hand and walking away from here.

Maraming beses ko nang pinangarap gawin iyan. But I can't. I could always satisfy my self looking at her from a far. Napasandala ako sa pader at napaangat ng titig sa kalangitan. Nagbuntong hininga ako. May nararamdaman ako sa dibdib ko na parang may gustong kumawal. Pero parang hindi ko kayang ilabas lahat.

"Hindi nga ako nararapat sayo Nyda, Hindi ko lang rin kakayaning lumaban para sa atin."

*********************


Confession ni Luke. :-( Pingi Tissue

UNEDITED

ITUTULOY PO!


To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon