TFY 3: Yet Too Far

92.8K 1.9K 54
                                    


Chapter 3


Umaga! Ang ganda ng Umaga sing ganda ko. Biro Lang. Nagpunta ako sa MoonVenus para bisitahin si Tita Mira. Ninang ko rin siya sa Kasal at Malapit talaga ako sa Mommy ni Rowin. Bata palang ako parang bunsong anak na ang turing nito sakin. Hindi kasi siya nabiyayaan ng Babaeng anak.

"Tita!" Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap. Gumanti ako ng yakap dito. Batang bata parin ang hitsura ni Tita Mira. Maganda parin at hindi kumukupas ang makinis nitong balat

"Oh Sweetie alam mo bang sobra kitang namiss, And Look at you...." Napatakip pa ito ng bibig sa tuwa. "You are so Beautiful Nyda! Kailan ka natutong magayos? Magdamit!? Parang kahapon lang Maria Clara ka ah" Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Yes I've changed actually. Natuto akong mag ayos ng sarili at sumunod sa Ulo. Mala Prinsesa nga an buhay ko nuon peor ngayon gusto ko nang alagaan ang sarili ko at kumilis naayon sa Gusto ko

"Tita naman syempre tumatanda naman ako. I'm a certified Woman now." Saad ko rito.

Samantala ay nagpaalam sa akin si Tita para asikasuhin ang biglaang dating ng bisita nito. Naiwan naman ako sa Table malapit sa bintana. Pinaservan din ako ni Tita ng Cake at ng maiinom. I stared at the window. Parang kailan lang ay ang Tanawin at paligid ng California ang kaharap ko. Now I home finally. And everything has changed.

"Ganun talaga kapag kakauwi mo. Parang naninibago ka talaga." Naplingon ako sa boses na narinig ko. Nakita ko ang lalakeng nakangiti sa akin. May maamong mukha, Sharp features parang banyaga pero ang ganda ng mga mata

"Evesdropping is rude." I glared at him. Pero nanatili pairin itong naka ngiti sa akin "Can't help it." Naghatak ito ng upuan at umupo sa harapan ko. Grabe ha? Diko pa naman sinabing okay na umupo siya jan diba?

"Jero. Jero Benitez. Myembro ako ng regular band na tumutugtug rito gabi gabi"Pagpapakilala nito. Napapaspeechless kao bigla. Nagtanong na ako?

"Nyda." Matipid kong sabi rito.

Kumain ako nung cake at uminom nung Cocktail drink na ibinigay ni Tita. Mula sa Glass window nakita ko si Jake na lumabas sa sasakyan nito na kasama si Luke. Napabalikwas ako ng tayo. Nagtungo kaagad ako sa harapan at sinalubong sila

"Hi Tri-Jakeeee!!" Lumapit ako rito at umakap sa braso niya. Kung bakit ba kasi kung anu anu sinasabi ko!

"Oh Umagang umaga lakwatsa ka? Sumbong kita kay Tyron gusto mo?" Bumaba ang tingin nito sakin dahil mas matangkad siya nkaangat ang titig ko sa kanya. Ang pogi ni Jake. Kaya naman ang daming nagkkandarapa dito. Yung tipong may pagkasingkit ang mata niya.

"Pauwi na nga ako eh sunduin ko si Grae mamaya." I pouted. Nagiwas tingin si Jake at lumawak ang ngiti "Strangely your cute lips still work on me. Okay sige hindi kita isusumbong! Hindi ka pa talaga lumalaki!" Pinisil nito ang pisngi ko. Para naman akong namula dun! Napalingon ako kay Tristan hindi siya nakatingin samin pero grabe ha kanina pa yan nanjan natiis niya ang beauty ko? Oh My di kaya may sakit sa ulo na ito o hindi na Normal

"Oh? Taxi ka ba?"

"Oo siguro..."

"Luke? Why Don't you take her home now? Para masiguradong hindi na pupunta sa ibang lugar tong lakwatserang to. I'll just wait for Rowin and the others. May paguusapan rin kami ni Rowin. Mainam na ako na nag maabutan niya rito. Take my car." Saka ibinato nito ang susi. Paglingon ni Jake ay kinindatan ako nito. Jake and his cleverness. Natuwa ako ng palihim. Ang galing niya talaga

Samantala napansin ko ang pagsalungat na naramdaman ni Luke. Huminga ito ng malalim saka tumingin sa kin. Sumunod ako sa kanya sa labas. Pigil ang ngiti ko. I was staring at his back. Likod palang niya ang pogi na. Anu bayan!

"Get In." Pinagbuksan niya ako. Nakayuko akong pumasok. Pinagmasdan ko naman siyang Umikot para Umupo sa Driver's Seat. Tahimik niyang pinaandar ang Kotse. Hindi man lang ako nililingon!

"21 Kana hinahatid parin"

"Wala naman akong sinabing ihatid mo ako.."

"May choice ba ako?" Natahimik naman kami pareho. Patuloy lang siya sa pagmamaneho pero hindi ko alam bat ang gwapo niya magmaneho?Pwede siyang model ng sasakyan promise!

"Gasolina lang tayo."

Nagstop kami sa isang Gasoline station alangan naman na kalabawan diba? Biro lang. Ngiti ka na :-)

Dahil na naiinitan ako lumabas ako ng kotse. May kausap naman sa telepono si Luke kaya ako binantayan ko nalang na magasolinahan yung Kotse para masaya! Biro lang ulit. Eh kasi naman bakit parang nahihirapan akong magmapansin ngayon kay Luke?

"Hey, Boyfriend mo?" May lumapit saking lalaki. Basta lalaki siya gwapo ayun na period

"Hindi pa eh." Umiling ako. Ngumisi siya "Lakas naman ng loob niyang paghintayin ka."

"He's hard to tame. Believe me." Tumawa kami pareho. "Okay See you around" Pagpapaalam nito. Nakita ko naman si Tristan na ang talim ng titig sakin ba? O sa kotse?

"Pasok" utos niya. Makautos talaga. Pumasok ako sa loob. Nagulat pa ako nang ang lakas niyang hinampas pasara ang sarado ng kotse ano ba yun? Pinagbubuntunan ba ako ng galit nito?

"Problema mo?" Untag ko sakanya pero pinaharurut lang niya ang sasakyan niya at hindi niya ako pinansin.

"Uy Tristan bakit? Ano bang problema?"

"Ikaw! I have a lot of things to do pero heto ako. I'am babysitting a 21 year old woman."

"Sinisi mo pa talaga ako. As I have said Mr. Villiarde wala akong sinabing ihatid mo ako!"

"Urghh! Just Shut Up Okay!" Nanlaki talaga ang mata ko sa inasta sakin ni Luke. Nagbabangayan ba kami?


Para akong nalungkot, But I shouldn't be. Things are really changed. Dati nung High school ako nakikipag agawan pa siyang sunduin at ihatid ako kay Kuya o kay Jake. Si Jake at Rowin ang gurdian angel ko sa kanila. Kung may mga ginagawa ako pinagtatakpan nila ako kay Kuya. as well as my feelings for Luke. Tinago rin nila ako and they secretly conspired sometimes to make an alone time with Luke. Now parang nag iba na ng husto si Luke.


Nang marating namin ang Condo ko ay padabog ako lumabas ng kotse. Bagsak ang balikat kong nagtungo sa pintuan

"Hey Nyda... I'm--"

"Apology accepted." I craned my back to see him.

"Galit ka sakin kasi ayaw mo akong makasama. Galit ka kasi hindi ka naman dapat obligadong ihatid ako. Okay sige Luke. Hate me all you want for all I care.." I hissed. Tumikhim siya at humakbang palapit sakin

"What were you talking about that guy? ?"

"Ha? SIno?" Humakbang pa siya palapit sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko. but I tried hard to stand straight and faced him. Ang hirap magpakatino sa oras na ganito

"We were just talking. I don't randomly flirt." Napatigil siya sa paglapit sakin

"Nyda. We have to be cool. "

"About what?" He glared at me. Para akong natutunaw sa mga titig niya. Duon ko napagtanto kung gaano ko siya namiss. Kung gaano ako nangulila na makita ulit siya araw araw

"Us. I don't want you to repeat some mistakes in the past. I'm hoping everything has been taken care of."

**********************


UNEDITED



To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon