TFY 13: It Is Just A Date

65.2K 1.4K 31
                                    


Hello! Thank you for reading

Join Our FB Group

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818


*****************


Nakangiti akong Sumalubong sa sasakyan ni Ron sa labas ng Condo ko. Naka Sports Car pa talaga siya parang nakakahiyang Upuan tuloy. Lumabas si Ron at pinagbuksan ako nito.

Napansin ko ang Outfiit ni Ron nang makapasok kami pareho sa loob ng Kotse. Naka Vneck Inner shirt lang siya at Coat na yung parang sa Tuxedo. Naka Rubber shoes nga lang pero ang Gwapo parin niya.

"Maganda ka ah." Bigla siyang nagsalita na sanhi ng paglingon ko sa kanya. Habang siya naman ay diretso lang nagdridrive

"Mas Maganda ba kay Angelababy?" Ngumiti ako sa kanya. He glanced at me and smiled widely. "Oo naman. Talong talo mo yun." Natatawang saad nito.


Nagpunta kami ni Ron sa Isang Buffet. Hindi naman gaano Elegante o pang mamahalin ang Restaurant. Dito raw kasi siya nagpareserve. Kumuha ako ng Pinggan ko. Natuwa ako sa mga pagkain ang Dami!

"Want some advice?" May naramdaman akong presensya mula sa likoran ko. Nakita ko si Ron na ang lapit sa akin. Bigla akong nailang at lumayo kaunti. Samantala ay nilapitan naman niya ang mga Pagkain

"Kapag kakain ka sa Buffet panigurado marami kang makakain." Sabi niya habang tumitingin sa mga pagkain.

"If you are going to eat here, Try the Porridge first. Para hindi mabigla ang Tyan mo mamaya. May pilian ka dun. " Ngumuso siya sa direksyong malapit sa akin. Tumango tango naman ako at nilapitan ang mga Porridge

Napakagat pa ako sa labi. Ang sarap nung mga Porridge. Kumuha ako ng Chicken Porrridge nilagay ko sa mangkok na maliit at ipinatong sa Pinggan ko. Nang makita ko ang Sweet and Sour Pork ay agad ko itong tinakbo!


"Di kana yata makapili." Nakangiting saad sa akin ni Ron nang pinuntahan ko siya sa Table namin. "Ang dami kasing masasarap."

Sinimulan ko ang pagkain sa Porridge. Grabe napapikit pa ako sa Sarap. Ang sarap at ang init nakakarelax sa Tyan

"Parang Kang Bata. "

"Kumain ka nalang wag kang Panira." Sabi ko sa kanya.

Habang abala ako sa pagkain naramdaman ko ang pagtigil ni Ron. Kaya naman tinignan ko siya na parang may tinitignan sa Likoran ko.

"Anong tinitignan-" Lilinginon ko sana ang bandang likoran ko nang bigla naman niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi ko. Para akong nanlamig sa ginawa niya. Ang lapit na ni Ron sa akin

"R-ron."

"You have something in here." ani ni Ron sabay punas ng labi ko gamit ang daliri nito. Mabuti nalang at nilubayan rin ako nito kaagad. Pinunasan ko ulit ang labi kong pinunasan niya. Hindi ko alam pero I just felt uncomfortable suddenly.


"Nyda.." Nagulat ako nang biglang hawakan ni Ron ang kamay ko. Gusto ko mang alisin ito. Hindi ko magawa. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil nararamdaman ko ang mga titig nito sa akin

"R Ron.."

"Promise me this won't be our last date." Nang tiningnan ko siya ay seryoso itong nakatingin sa akin. "Oo Naman!" Tinakpan ko ng Ngiti ang natetense kong mukha. Pero tinuon ko sa pinggan ko ang tingin ko.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon