TFY 26: Memories Of A Broken Heart

67.4K 1.5K 58
                                    


FB GROUP:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB ACCOUNT:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Happy 23K Reads!
Maraming Salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Nakakatouch. Sana ay kahit papaano napapatawa at napapaiyak ko kaya. Charr. Hahaha.

Happy Reading

*********

13 Hours 28 Minutes and 13 Secs

Since Nyda's Operation was done. Umuwi ako saglit kanina para maligo at magpalit. Ipinagpaliban ko lahat ng mga lakad ko. Angel said she can handle the shop. I say thank you to her and I'll make it up to her. I don't know how many times I prayed. But I never get tired of praying.

Si Tyron ay hindi rin nakatulog at umuwi. He is sitting across me. Nasa labas kami ng ICU.

"Luke!" Pareho kaming lumingon sa lobby. I see Jake running on his way here.

"Kumusta gising na ba siya?" Hinihingal na tanong nito. Mukhang bumyahe pa ito para lang makita si Nyda. Ang alam ko ay nasa probinsya siya. Nagbabakasyon kasama ang asawa.

Umiling iling ako sa kanya. Mabibigat ang mga hiningang pinakawalan ko.
"Paano nangyari ang lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jake.

I stares at Tyron who seem to be blank. Parang wala siya sa mundo at iba ang lugar ng utak. Maybe he is worried. And I felt guilty when I tried to blame him. He's hurting. It is her sister. I could understand what he feels. Because we both love Nyda.

Naagaw ng atensyon namin ang Nurse na nagbabantay kay Nyda sa loob na nagmamadaling nagbukas ng pintoan. Napatayo kami ni Tyron.

"What happened!?" Tyron grabs her hand "She's awake." Natatarantang sagot ng Nurse sa kanya at tumakbo para tumawag ng Doctor.

Lumapit ako sa pintuan. Gustohin ko mang pumasok para yakapin siya ay hindi ko magawa. Mula sa Lobby ay dumating ang doctor. Kasunod nito ang magulang ni Nyda.

Nagmadali ang mga doctor na pumasok sa ICU. Kinakabahan ako. I hope she's fine. I hope there is nothing wrong with her. Ngayon lang uli ako kinabahan ng ganito, That I am very afraid of losing someone that I love

"Doc! Doc kumusta po ang anak ko?" Nang lumabas ang Doctor ay hinawakan ni Tita si Doc. Lumapit kami sa kanya

"Inalis na namin ang mga Tubong nakasaksak sa kanya. Wag po kayong mag alala she's stable now. Ililipat na po namin siya sa VIP. May mga Sugat at fracture. Still we need to do some Observation kaya hindi pa siya makakauwi. Maaring may side effects po ang aksidente." Pagpapaliwanag ng Doctor.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ako kahit papaano ng Maluwag. Tyron sighed in relief. Naramdaman ko naman ang Pagtapik ni Jake sa balikat ko.

********

Makalipas ang ilang minuto ay nailipat nga si Nyda sa VIP. Nang binuksan ko kaunti ang pintoan ay narinig kong nagsasalita ang mga magulang ni Nyda sa loob. Pero hindi ko marinig ang boses man lang ni Nyda.

Nagkaroon ako ng pagkakataon para pasukin ang kwarto ni Nyda nang lumabas ang mga magulang nito. Lumayo ako sa pinto at nanatili sa Exit way upang hindi nila ako makita. When I stepped out from hiding I saw Tyron who was closing the door.

"I thought you went home."parang nagulat si Tyron sa presensya ko.

"I need to see her" I sound like begging. "Mukhang hindi magang tyempo ngayon pre." Dismayadong saad naman ito. Parang may gustong iparatinh si Tyron na hindi ko maintindihan

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon