TFY 9: Tame Him

71.6K 1.5K 75
                                    


FB Group:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Thank You po sa Reads Votes and Comments

*****************


Napatitig ako sa kamay kong binitiwan ni Nyda. Hindi ko alam kung labis ba akong nanghinayang o nanibago lang ako sa inasta niya sa akin

"Luke?" Nabaling ang atensyon ko kay Jeneviv. "Oh, I'm Sorry about that." Bumalik ako sa pagkakaupo. Sinubukan kong luminga sa bintana kung makikita ko ba siya o hindi pero lumabas siya at hindi ko alam kung nasaan siya nag punta

"Hindi mo yata siya naikwento sa akin." she said as she sipped into her coffee

"She's my friend's Younger sister." I gasped. Napasandal ako sa upuan. Parang sumakit ang ulo ko bigla. Parang may problema ako kahit sa tingin ko ay wala naman.

"and?"

"And what?"

"Lover? or someone who like you?" She smiled.

"Or someone you like." Sunod sunod na tanong ni Jeneviv. Hindi ako nakasagot. Instead I got my coffee and took a sip on it. Iniwas ko rin ang mga tingin ko sa kanya

"Natutuwa ako sa attitude niya. Masyado siyang halatang nagseselos. Come on Luke, Share mo naman. Di pa kita nakitang ganyan tumitig sa babae. "


**********************


"Ano kamo? Unang araw mo palang nag eskandalo ka na?" Hindi makapaniwalang sabi ni Graecielle. Nasa Thursdate kami ngayon malapit lang rin sa Rowal isa Tawiran lang. Dahil nasalubong ko siya nang papalabas ako. Nangako kasi ito sa akin na dadalawin niya ako ngayong unang araw ko sa trabaho

"Hindi nga ako nag eskandalo. Nainis lang ako."

"Selos ka lang. Aysus. Wala ka sa Lugar echosera ka. Tandaan mo kapag nakaapak ka na sa Coffee shop na yun Empleyado ka lang at Boss mo si Luke." Napatingin naman ako sa kanya. Ang supportive niya naman masyadong kaibigan. Binato ko siya ng Fries at nagsitawa naman ito

"Bruha ka talaga. Kaibigan ba talaga kita!"

"Naghahabol ka kasi ng Runner Nyda. Kumbaga para kang May Hika tapos naki Racing ka. Sa una pa lang alam mo nang dika makakahabol." Napatigil ako sa sinabi ni Graecielle.

Mukhang tama nga naman siya. Mula nang nagbalik ako, Parang hindi na bumalik ang Luke na naging kasangga ko mula pagkabata ako. Para ko siyang Body Guard. Best Buddy. Secret Keeper. Firstlove at hanggang ngayon may Unrequited and One sided Love

Ang hopeless ko masyado. Ano ba ang pwede kong gawin para mapansin niya ako?

"Kasi naman, Kahit man lang sana yung dating samahan namin ni Luke ang maibalik? Papaano ko siya mapapainlove kung dumidistansya siya lagi sakin? Ni ayaw niya akong pansinin minsan." Bagsak ang balikat kong napasandal sa Upuan. Hindi ko na yata alam pa ang gagawin ko.

"Nyda, Maganda ka at Sexy gamitan mo ng konting Kembot si Luke." Sabi naman ni Gracielle sabaya taas ng dalawang kilay niya. Napaalis ako mula sa pagkakasandal at lumapit sa Mesa

"Paano?"

"Aysus naman. Mas magaling ka sa mga galawang ganyan!"


To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon