TFY 5: To The Beach

82.6K 1.8K 50
                                    


FB Group:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Thank You po sa Reads

May Shippers din pala si Luke at Nyda kahit papaano.

***********************


WEEKEND. Inaya ako nila Jake at Rowin sa 'Summer Get Away' Kaechosan ni Tyron. Siya daw kasi ang pasimuno nito. Tinext ako ni Jake na magkita kita kami sa Airport. Isang Maleta nga ang dala ko. Hindi kasi ako makapili ng damit kaya kinuha ko na lahat ng gusto kong kunin.

Nang makarating ako sa Airport ay natanaw ko sila Jake sa may Main Entrance. Masaya akong sinalubong ni Jake at siya na ang nag hila sa Troly ko. "Bihis na bihis" Saad nito. Tumingin ako sa katawan ko. "Halata ba?" Bulong ko sakanya. Inakbayan lang ako nito at dumiretso kila Luke

"Why did you brought her?" Kunot noong sabi ni Tyron "Bawal ba?" Sagot ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot "Nyda. Your Clothes." Walang emosyong sabi ni Tyron

Ano bang mali sa pananamit ko? Why is everybody like that to me? Di ba nila alam? This is Fashion

"She looks Hot. What's wrong?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko ang pamilyar na boses mula sa likoran. Napalingon ako rito. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko siya

"Rowin!" Tawag ko sakanya. Lumapit ito at inakbayan kaagad ako. "Kumpleto na pala tayo. " Luke chimed in

"Sino siya Rowin?" Napasulyap ako sa Likoran ni Rowin, Sa babaeng papalapit sa amin.

"Ah, She's my wife." sagot nito. Bahagyang lumayo sa akin si Rowin at nilapitan ang babae

"Lianne ito nga pala si---"

"Tara na. Malapit na ang flight natin."Ngunit imbes lingonin ako ng babae dahil itinuro ako ni Rowin ay nilampasan siya nung Lianne. Napakunot ang noo ko. Ang taray naman nun

"Nakahanap ka ba ng katapat mo Rowin?" I asked him. Nakapamulsa itong nakatingin lang sa babae

"She's Jelous. Come on. Kailangan ko pang mag explain sa kanya." Napatiuna naman ng Lakad si Rowin na nakangiti. Halla, Sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganyan ng dahil sa isang babae. Kilala ko si Rowin parehas sila ni Kuya. Matinik sa Babae. Para bang kapag makakita sila ng Babae okay lang na hindi nila yun makuha dahil alam nilang marami pang iba jan


"Bat' naman ako pagseselosan nun?" Bulong ko sa sarili ko. At tumingin sa katawan ko. Obvious naman diba? Di ko papatulan si Rowin no.

"Masyado ka raw Maganda. Tara na." Nagulat ako nang kinuha ni Kuya mula sa akin ang bagahe ko at naunang naglakad. Napako ako sa kinatatayuan ko. Si Kuya ba yun?

Mula kase nang makauwi ako ay hindi ko pa siya nakakausap ng matagal. Pero ngayon parang naramdaman kong Okay kami kahit papaano.


******************

Ilang oras rin ang itinagal ng Byahe. Nagpunta kami sa Resort nila Rowin dito sa Ilocos. Actually nakapunta na ako dito dati pa. Pero bata pa ako nuon at kumpara ngayon mas maganda na ang Resort. Parang Hollywood ang dating. Paakyat ka sa Bundok at sa baba nito ang napakalawak at asul na Karagatan

"Wow, Kailan narenovate ang Resort" Napapaawang ang bibig kong pinagmamasdan. Parang isang Paraiso!

"Last Year lang yan natapos. Idea ng Daddy ni Rowin lahat ng ito." Saad ni Jake habang sumasabay sa akin sa paglalakad

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon