TFY 17: She Will Beloved

67.3K 1.4K 51
                                    





BABALA: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga Katagang hindi masyadong maganda, Marahas at sekswal. Ito ay Precaution para sa iyong nagbabasa.


*********************

Walang Lingon akong lumayo kay Luke. Pinunasan ko ang mga Luha ko nang makarating ako sa Pool Party, Maingay ang buong paligid at maraming taong abala sa pakikipagsayawan at inuman.

Ang bigat bigat ng Loob ko. Parang punong puno ng hinanakit ang dibdib ko. Na kahit iiyak ko itong ngayon parang bukas hindi parin ito mawawala

Napatigil ako nang biglang humarang sa harapan ko yung babae kanina. Narinig ko na Cirish pala ang pangalan nito. Nakangisi itong Nakatingin sa akin

"Look What we have here huh.." Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

"A 'Luke Obsess'" Nanunuyang sabi nito. I rolled my eyes and stared at her. Para siyang nakikipagtagisan ng titig. "Kung may ayaw man akong makita ngayong gabi ikaw iyon. Tabi!" Tinulak ko siya. Pero Malakas siya at hinigit niya ng pagkahigpit higpit ang braso ko at iniharap sa kanya

"Get away from him. Hindi ba malinaw sayo? Hindi ka para sa mga kagaya ni Luke. Masyado kang bata para sa kanya. Luke's type are Hot Women like me. Sa paningin ni Luke isa ka lang di hamak na Bata hindi nakikinig sa utos ng Magulang" Humalakhak ito. Nakita ko ang dalawang babaeng tumawa rin. Mga Alipores din siguro niya. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hot? or Prostitu*e?" Pinagdiinan ko ang bawat salitang sinabi ko sa kanya. Napansin ko ang pagbago ng ekpresyon ng mukha nito. Tumingin ito sa paligid upang siguruhing walang nakarinig sa sinabi ko. She seemed so pissed right now and I could feel that.

"Becareful of your words B*tch!" Bigla nalang akong tinulak nito at sinampal. Hindi ko nagawang pigilan iyon dahil tuloy tuloy niya akong itinulak. Pero Lumapit ako sa kanya. I grabbed her hair. Buong lakas ko siyang sinabunutan. Naramdaman ko rin ang pagsabunot nito sa buhok ko

"Malandi ka!!!" Napahiyaw ako. Naramdaman ko na ring naagaw na namin ang mga atensyon ng mga tao.

"Mas Malandi ka! Ayaw sayo ni Luke.." Sigaw sa akin ni Cirish. Ramdam ko na ang sakit sa Ulo ko. Naghihignagpis kaming pareho at walang may gustong bumitaw.

"Nyda!"Nakita kong napasigaw si Angel. Mula sa likod niya ay nakita ko si Tristan na papalapit sa amin. Pero lalo pa akong sinabunutan ni Cirish at naitulak niya ako sa Lupa. Binitawan niya ang buhok ko at dumagan siya sa akin.

"Cirish!" Papikit na sana ang mata ko nang makita ko ang kamay niyang lalanding na sa pisngi ko nang narinig ko ang boses ni Luke. Parang nagwala na si Cirish at sapilitang pinatayo ni Luke. Bumangon ako at nakita ko pa ang pagyakap ni Luke sa kanya dahil ayaw na niyang paawat.

Hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasbi na ni Cirish dahil, Biglang kumirot ang dibdib ko. Parang mas masakit na si Cirish ang yakap yakap ni Luke ngayon kaysa ako. Yung sakit ng sabunot ni Cirish? Parang wala naman ang mga iyon kumpara sa nararamdaman ko.

Nagiwas ako ng tingin. Nakayuko akong Tumayo at naglakad palayo. Mali talagang nagpunta pa ako rito. Sana hindi na lang talaga. Bakit pa kasi ako sumama?

Hindi ko namalayang nakalabas na ako ng Resort. Nairnig ko pa ang pagtawag ni Angel sa akin kanina pero hindi ko na siya pinansin.

Halos mosaic na ang pagtingin ko sa dinadaanan ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon