Chapter 20: Tuliro

Start from the beginning
                                    

“Grabe ka, ano gusto mo? Reconcillation lunch natin to tapos kokontra pa ako sa iyo? Ano gusto mo away? Ha? Gusto mo suntukan tayo?” biro ng binata kaya natawa nanaman si Violet. “Eversince, alam mo mali desisyon ko pero kakampi ka parin sa akin at papalabasin mo tama” sabi ng dalaga.

“Ewan ko, maybe it comes with the friendship” sagot ng binata. “Kahit ang sama ng ugali niya sa iyo e ganyan pa sinasabi mo sa akin” sabi ni Violet. “Hey look, masama nga ugali niya sa akin, di na importante yon basta maganda pinapakita niya sa iyo. Hello di naman ako ang makikipagsyota sa kanya ano?”

“If ako man sus basted siya sa akin” sabi ng binata at nagtawanan sila. “Is he nice to you?” tanong ni Enan. “Yeah, not that close yet. Getting to know each other stage” sagot ng dalaga. “Good, so let us just leave it at that” sabi ni Enan kaya napangiti ang dalaga.

“Pero Violet medyo gets ko siya, he knows friends tayo so siguro naiinsecure lang siya sa akin. Alam mo na ako artistahin kaya malamang nagkakaganon siya dahil nanliliit siya” biro ni Enan at tawang tawa si Violet. “So I forgive him, normal lang yon sa tao. Its my curse you know, I never asked to be born like this oozing with handsomeness”

“Lahat ng babae pinagnanasahan ako, lahat ng lalake naiinsecure sa akin, o wait! Majority ng lalake pala kasi meron din mga lalake na pag nakita ako e lumilipat ng team. Pinagnanasahan….teka ayaw ko mag imagine ng ganon kaya lets leave it at that too shall we” sabi ni Enan at halos mamatay na sa tawa ang dalaga.

Pagkatapos kumain hinatid ni Enan ang dalaga sa kanilang building. “Thanks for lunch Enan” pacute ng dalaga. “Your’e welcome. By the way dating gawi ha, pag wala ka kasama pauwi mamaya tayo ka lang dito. Alam mo na kasi pag dismissal dinadagsa ako ng fans ko kaya hirap ako makalabas ng building namin” banat ng binata.

“Okay, I will be here” sabi ni Violet. “Okay then see you later” sabi ni Enan. “See you later friend” sagot ng dalaga sabay pumasok na sa building nila. Nakangiti si Enan na naglakad palayo, di siya nakatiis at tinext niya si Cristine para ikwento yung nangyari.

Kinagabihan non pagod na pagod ang artista, nakauwi sila sa condo at doon palang niya nakita phone niya. “I had lunch with Violet” basa niya at biglang nagtaas ng kilay. Sina Jelly at Arlene nag aayos ng gamit ng makarinig sila ng malutong na mura.

Napasugod sila sa kwarto ni Cristine, “Ano nangyari?” tanong ni Jelly. “Get out! Demet!  Get out!” hiyaw ng artista. “Wait, ano gusto mo dinner?” tanong ni Arlene. “Wala ako gana kumain! Kayo ang kumain kung gusto niyo!” sigaw ni Cristine sabay sinara ng malakas ang kanyang pintuan.

Nahiga siya sa kama at sa inis agad niya tinawagan si Enan. “Hey Tiny” sagot ng binata sa malumanay na boses kaya imbes na umatake ang dalaga e napaatras ito. “Hey, you don’t sound okay” sabi ni Cristine.

“Okay lang naman just thinking” sabi ni Enan. “I was expecting you to sound happy after learning you had lunch with her” sabi ni Cristine. “I was, but then I realized na hanggang doon nalang pala talaga ako sa kanya” sabi ni Enan.

“What do you mean?” tanong ni Cristine. “Teka, you sound tired. Alam mo magpahinga ka nalang kasi pwede ko naman ito ikwento some other time” sabi ng binata. “I am fine, game kwento na” sabi ni Cristine. “Wait, kumain ka na ba? Sabi ni Arlene nag overtime kayo sa shooting e” sabi ng binata.

Napangiti si Cristine at gumaan ang kanyang mood. “So you are checking on me huh” sabi niya. “Kanina nung di ka nagreply, natext ko si Arlene to ask if you are okay” sabi ng binata at kinilig bigla ang dalaga. “Youre so sweet” bulong niya.

“Wag mo iwala usapan, have you eaten?” tanong ni Enan. “Later, umorder pa sila ng food” sabi ng dalaga. “Okay, sige usap tayo while waiting then” sabi ng binata. “So tell me why are you sad” lambing ni Cristine. “Yun nga hanggang doon nalang ako sa kanya”

ArtistahinWhere stories live. Discover now