Chapter 20: Tuliro

Magsimula sa umpisa
                                    

“Yung nangyari kinalimutan ko na, tapos na yon” sabi niya. “Pero alam ko I hurt your feelings and I am really sorry Enan” sabi ng dalaga. “Ngitian mo lang ako Violet okay na ako” bulong ni Enan kaya ang dalaga nanginig at dahan dahan ngumiti.

“O game kain na” sabi ng binata. “Sorry” bulong ng dalaga kaya nginitian siya ng binata. Nagsimula na sila kumain, naiilang parin sila sa isa’t isa kaya naglakas loob na ang dalaga, “I miss this” bulong niya. “What do you mean?” tanong ni Enan.

“Yung ganito, nagiging alerto kasi mahilig ka magpatawa pag kumakain ako. Four times na lumabas kanin sa ilong ko” sabi ng dalaga sabay bungisngis. “Uy di naman lagi, karamihan pag umiinon ka lang” biro ng binata kaya natawa ang dalaga at naalala yung huling kumain sila sa labas.

“Kaya nga I miss this, I have to eat slowly kasi anytime babanat ka e” pacute ng dalaga. “Masaya ako pag ganon e, lagi mo ako tinitignan” bulong ng binata. “Ano?” tanong ng dalaga. “Violet focus on the food, nakita mo na ganyan nangyayari talaga sa mga nabibighani sa aking kagwapuhan e. Nawawala senses nila, tulad niyan nabibingi ka na, so focus” sabi ni Enan.

Natawa muli si Violet at dulo ng mga daliri niya napahaplos bigla sa kamay ng binata. “I really miss you” bulong niya. “Why?” tanong ni Enan kaya nagtitigan sila. Inatras ng dalaga kamay niya sabay niyuko ang kanyang ulo. “Masaya ka kasama” sabi ng dalaga.

Nakiliti si Enan pero pinakalma niya sarili niya. “Linawin mo naman pagkasabi mo, iba pagkarinig ko. Masaya sa kama, huy wag ka kasi mag murmur diyan” banat ni Enan kaya napahiyaw sa tawa ang dalaga at napalo kamay ni Enan. “Hay Enan, I feel so stupid talaga for hurting you. Alam ko naman you are just being nice to me but deep inside I really know I hurt you a lot” sabi ni Violet.

“Violet sabi ko okay na e, don’t worry di na mauulit yon. Alam ko naman na lugar ko so yeah I wish you didn’t say those harsh words pero gets ko naman e. Yung mga new friends mo di ako tanggap so you just had to do that”

“Okay lang yon, siguro naman pag wala sila alam ko sasabihin mo sa magandang paraan diba? Na hanggang friends lang tayo. Pero okay narin yung nangyari siguro kasi kung sakali man you said it nicely mahihiya parin ako sa iyo. So maybe it needed to happen para di masyado na awkward. I am okay just like this, I do like being with you and I accept where I am and I promise hindi na mauulit yung ginawa ko” sabi ng binata.

“Kasi may girlfriend ka na” sabi ni Violet. “Meron o wala, malinaw naman na hanggang dito nalang talaga ako e. So okay lang yon no, at least this way I still get to be with you and I do hope you feel the same” sabi ni Enan.

“I do like being with you” sabi ni Violet at biglang kinilig ang binata pero pilit niya pinapakalma ang kanyang sarili. “I miss this, being me, I can be myself pag kasama kita. Pag kasama ko sila kasi parang kailangan ko mag adapt sa standards nila” sabi ni Violet.

“Kailangan e, may goal ka e” bulong ni Enan at biglang tinamaan ang dalaga kaya napasimangot siya. “Hey sorry I didn’t mean to say that” sabi ni Enan. “Okay lang, totoo naman ata” sagot ng dalaga. “Ganito lang yan Violet, gusto mo kumain nung apple, nasa sa iyo yung tatayo ka lang sa ilalim ng puno at titingala para antayin siya mahulo o umakyat ka mismo sa puno at pinatisan ito”

“At least you are doing something to get what you want kesa naman na nakatanga ka nalang at mag aantay na malaglag yung apple. E ano kung di siya naglag? E di laway mo lang tinikman mo tapos magsisisi ka later na sana umakyat ka nalang o kumuha ng panungkit. Umakyat ka, konting push pa maabot mo din yon” sabi ni Enan.

“Pag ikaw si Clarisse pinagsabihan na niya ako na kababae kong tao ako pa naghahabol sa lalake” bulong ni Violet. “Ako si Enan” sabi ng binata. “Kaya nga, kahit alam mo mali tong ginagawa ko, kumakampi ka parin sa akin” sabi ng dalaga.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon