Chapter 19: First Date

Magsimula sa umpisa
                                    

“Manyakis” sabi ni Jelly kaya tinignan siya ng masama ni Enan. “There is a fine line between being a manyakis and being a person who is simply appreciating beauty, F-Y-I I am the latter” sabi ng binata kaya natawa si Cristine. “Enan, diba I told you susunduin ka namin” sabi ni Cristine.

“I know pero Tiny, my neighborhood can only handle one celebrity, which is me. Pag sinundo niyo ako e di dalawa na tayo doon. Baka masiraan na ng bait ang mga taga doon no, baka isipin nila napaka swerte na nila masyado upang mabibiyaan ng presensya ng dalawang artista” sabi ng binata.

Natawa si Ronel kaya napailing nalang siya at tinapos ang kanyang pagpupunas. “At ako yung lalake e, pangit naman na ikaw sumusundo sa akin. Kaya ako nalang pumunta dito, di naman na ata tama yung ikaw pa susundo sa akin. Oo ikaw yung may kotse pero ako parin yung lalake” sabi ni Enan. Napangiti si Cristine at Jelly, si Ronel napatungo kaya binuksan na niya yung mga pintuan.

“Mang Ronel naman” reklamo ni Enan kaya sinara ulit ng matanda yung pintuan at lumapit yung binata para siya magbukas nito para kay Cristine. Nakangiti ang dalaga na pumasok sa kotse, lumapit si Jelly kaya tinignan ni Enan si Ronel. “Mang Ronel yung trunk” sabi niya. “Bakit yung trunk?” tanong ng matanda. Biglang tumawa ng malakas si Cristine pagkat pasimpleng nakaturo si Enan kay Jelly.

“Antipatiko sa likod mo ako papaupuin?” bulyaw ng bading. “May sinabi ba ako?” sagot ni Enan. “E nakaturo ka sa akin e” sagot ni Jelly. “Enough, get in already” sabi ni Cristine. Papasok na si Jelly, “Oh” bigkas ni Enan kaya nagtitigan nanaman sila. “What now?” tanong ni Jelly.

“Ako yung kausap niya, wala siyang sinabi ikaw yung papasok. At boyfriend ako kaya kami dapat magtatabi” sabi ni Enan. “Okay fine ayaw sige pumasok ka at doon nalang ako sa…” sabi ng bading pero biglang binuksan ni Ronel yung trunk sabay bulong, “Dito” sabi niya kaya umariba sa tawa si Cristine.

“Ah I see, magkakampi na kayo, dito ako at ikaw sa harapan” sigaw ni Jelly. “Ah..” bigkas ni Cristine pero di na niya tinuloy pagkat nakapasok na si Jelly at nakaupo sa tabi niya. Si Enan naman sa harapan nalang naupo katabi ni Ronel. “So ilang oras ka maglilibot?” tanong ni Jelly.

“Ah..youre not coming with us. Antayin niyo nalang kami” sabi ni Cristine. “What? Are you serious?” tanong ni Jelly. “Serious, ah I think its best if kami lang makita ni Enan” sabi ng artista. “Jelly magkakampi tayo, lumaban ka” sabi ni Enan na biglang ninerbyos.

“Cristine, I have to be by your side” sabi ni Jelly. “No, you stay with mang Ronel” sabi ni ng artista. “Pero Cristine what if something happens?” tanong ni Jelly. “I wont let anything bad happen to her” sabi ni Enan kaya napangiti ang dalaga. Napahaplos sa noo si Jelly, “Tsk bahala ka” bulong niya.

Pagdating sa mall sina Cristine at Enan lang ang lumabas, “Tiny, iwanan mo naman sila ng pera. Okay lang naman maglibot din sila, meryenda din konti habang nag aantay” bulong ng binata. Kinatok ng dalaga yung bintana kaya binuksan ni Jelly yung pintuan, “O ano sasama na ako?” tanong ng bading.

“Eto pala pera, while waiting go eat” sabi ni Cristine at parehong natulala sina Ronel at Jelly. “Come on Enan” sabi ni Cristine kaya tumabi na sa kanya ang binata at naglakad na sila palayo. “Ano daw?” bulong ni Jelly habang pinagmamasdan yung isang libong piso na iniwan ng dalaga. “Ewan ko, nangyari ba talaga yon?” tanong ni Ronel kaya tinitigan nila yung pera at sabay sila napangiti.

Pagpasok ng mall nagkatitigan yung dalawa at biglang nagkailangan, “You don’t need to” bulong ni Enan. Humawak parin ang dalaga sa braso niya, “Cristine, naririnig mo yon?” tanong ni Enan nang nagsimula sila maglakad. “Ano yon?” tanong ng dalaga. “Mga pumapatak na laway ng mga lalake na nakakakita sa atin” bulong ni Enan at natawa ang dalaga.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon