TFY 33: Untold

Magsimula sa umpisa
                                    

I sighed. Parang ganun pala kadali ang lahat. Pero hindi. Marami pa akong haharapin. Ang pagtatapat ko. Ang Daddy ni Nyda na ang tingin sa akin ay walang silbi. Ang Puso ni Nyda na dati ay akin. Ang pag Ibig niya siyang nagbubuhay sa akin.

At ang duwag kong puso.

"I didn't like you for my sister because you are like that. Marami kang bagay na hindi kayang harapin. Lalong lalo na ang nararamdaman mo." Napatingin ako sa kanya.Seryoso itong nakatingin sa akin

Yes , Tyron hated how Nyda feels for me. Nag away na rin kami ng ilang beses dahil sa kanya. Naiintindihan ko siya. Kapatid niya si Myda at kung maari ayaw niyang may nanakit rito. I shall do the same if I am her brother.

"Siguro tama ka nga. Kailangan niya ring malaman. Baka sakaling maintindihan niya ako."

"Do Right By Her.." Tinapik niya ang balikat ko. Like comforting me as a brother. Ngumiti ako at tumango.

************

Paguwi ko ng bahay ay sinalubong ako ni Manang. "Magandang Gabi Sir." Gumanti ako ng ngiti sa kanya. Pinagbuksan rin ako nito ng pintoan. Nang makapasok ako ay nakarinig ako ng mga yabag sa itaas.

Tiningalan ko sila Mom and Dad na magkasunod ma bumaba sa Hagdanan

"Mom, Dad." Naglakad ako palapit sa kanila. "Anak. " I kissed mom and her cheeks. Tinanguan lang naman ako ni Dad

"Buti naman nakauwi ka na. May pinagusapan kami ng Dad mo." Lumapit si Mom kay Dad ay humawak sa braso niya. Nagtinginan sila ni Dad

"Tungkol saan po?" I asked

"Tungkol sa negosyo natin. Why don't you take over your Dad's position? How about managing our Business in Italy? Tutal kaya naman ni Angel ang coffee shop anak." Ani ni Mom

Hindi ako kaagad nakaimik. Mom and Dad looked like worried or was it just me. Ilang araw ko rin sila hindi nakita dahil busy si Dad sa Negosyo. Suportado naman siya ni Mom

"Gusto ko sanang Iwanan mo na ang trabaho mo sa Agency anak. Masyado nang laganap ang krimen ngayon. Baka kung madawit ka pa sa mga kasong hawak mo." Pagpapaliwanag naman ni Dad. Hindi ko naman minamasama ang sinabi ni Dad. Naiintindihan kong nagaalala lang ito sa kaligtasan ko. Pero it is my work at sanay na ako sa mga panganib na maaring mangyari. Yes I am doing such a dangerous job. Si Chief nga namatay lang dahil sa Kasong hawak namin. Halos lahat ng Seniors ko namatay sa ganung paraan.

"May balak naman po akong Magresign. Wag po kayong mag alala."I paused. Parang nagdalawang isip akong sabihin ang gusto ko sanang sabihin

"Pwede po ba akong hindi pumayag sa alok niyo?" Sabi ko sa kanila. Nagtinginan silang dalawa na parang hindi inaasahan ang sinabi ko

"Your wife is dead Anak. Naisip ko kailangan mo nang libangan. Maybe away from here. " Saad naman ni Dad.

"Oo nga anak. Saka maganda ang buhay dun. Baka makahanap ka ulit ng makakasama mo sa buhay. " Sabi naman ni Mom.

Tama naman. Wala naman akong rason dapat na nandito diba?

Pero nandito si Nyda

Sapat na rason na iyon para hindi ako umalis. Pero habang napapaisip ako sa mga sinabi nila Dad.

I haven't even live a life yet. May mga pangarap ako sa buhay. Gusto kong magkapamilya. I almost had it. Pero nawala nalang bigla sa akin na parang isang bula. I envy my friend. Because he was too brave to get back his family. Ngayon ay masaya na siya. He is just to busy in planning a future for his family. And I admit I want to be like that to.

"I will tell you Mom my decision. May aasikasuhin lang ako." Nag angat ako ng tingin sa kanila.

Nagmadali ako ang umalis. Lumabas sa Bahay at tinungo ang sasakyan ko.

Kailangan ko nang sabihin kay Nyda to. Kailangan ko nang malaman.

Hanggang saan ang pagmamahal niya sakin. Hanggang saan kaya niya akong tanggapin at ipaglaban.

***********

Pinapatuyo ko ang buhok nang makarinig ako ng paulit ulit na doorbell. Sinilip ko sa Mini Tab kung sino ang tao sa labas. Nagulat ako nang makita ko si Ron. I quickly opened the door.

I looked at him. He is not okay. Alam ko kaagad iyon. Parang nagsusumamo ang mga tingin nito sa akin na para bang may gustong sabihin

"Ron..." I uttered his name. Lumunok ito bago niya ako sinagot "We need to talk." He stammers.

I furrowed my brows as I responsed "about what?"

"About our Marriage." Diretsong saad nito. Nagtaka ako. Hindi ko alam kung bakit pabigla bigla siya ngayon. "Pasok ka" inaya ko siya.

Nakaupo siya sa Couch. Nagprepare lang ako ng brewed coffee. I was observing him. Parang hindi siya makapakali. Maski ako hindi ko alam kung nakailang "Baka' na ako sa mga maari niyang sabihin.

"Here."nilapag ko sa tapat niya ang Coffee.

"So ano ang tungkol sa kasal natin?" I started the talk when I settled myself

Tumingin ito sa akin. He was quiet. Sinsubukan ko siyang pakiramdam pero hindi ko siya mawari.

"I- I can't marry you..."

I was halted when I heard him. Maigi ko siyang tinitigan kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. Pero walang bahid ng pagbibiro ang mukha ni Ron ngayon.

"What are you saying? Anong problema?" Naguguluhang tanong ko rito.

He avoided my eyes. Like he is refusing to talk. I leaned towards the table to see him closer. "Magsalita ka Ron. Bakit?" I demand.

"Be-..Because.. You need to know something.."

"Anong dapat kong malaman?"I asked.

"Tungkol ito kay Luke...Just hear me out. I will explain everything."

***********

Unedited
Itutuloy po
Misspels and Grammatical erors are expected

Thank You po!

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon