BNP 21: Yes it's ME

Start from the beginning
                                    

         Hindi na ako sumagot dahil may papalit ng kotse sa iiwan kong space. Pagkambiyo ko ay tumatawag na naman si Lianna. Haaay!!! Paglabas ko ng parking at after fifteen minutes ay tumabi muna ako sa isang bangketa. Pagtingin ko sa cellphone ko ay may text si Lianna.

         "Come for me Mommy Cissy." Hindi kasi nakakatulog si Lianna habang wala akong goodnight kiss. I called up Aling Maring.

         "Hello Aling Maring, si Lianna po?"
         "O.. ang bata? Nasa kuwarto niya at natutulog na."

         Sabi ko na nga ba't naglalambing ang bata.

        "Okay sige Manang, gisingin ko na lang po kayo kung malapit na ako. Nagdadrive na po ako pauwi. Bakit hindi pa kayo matulog?"

         "Ay nakikinig ako sa radyo ng update sa concert. May susunod pa naman siguro."
         "Promise Manang, next time. Magkaka-gig pa naman pihado sila. Okay po sige, pasilip na lang si Lianna baka naglalaro pa at gabi na."

          Kalahating oras pa ay binaybay ko ang daan pauwi ng bahay. Habang naka-stop sa isang main road ay kinuha ko ulit ang cellphone ko.
Binuksan ko ang application ng Life360 Family locator. Niregister ko dito ang number nina Ate Gli, Louie, ng sekretarya ko, ni Janna at nito lang ay 'yung kay Lianna.

        Dalawang active number ang nakikita kong umiilaw dahil nasa ibang bansa sina Louie at Ate Gli. Kumunot ang noo ko. Hawak ko ang cellphone ko habang nagmamaneho at umiba ako ng daan.

TANYA'S POV:

         Kailangan ko pa ng konting tyaga. Pagud-na pagod na rin ako pero hindi ako papayag na mauwi rin sa wala lahat ng pinag-paguran ko. Nasa isang kuwarto ako at pinaplantsa ang plano ko. Dinistorbo ako ng isang tawag sa cellphone. Unknown number kaya hindi ko sinagot. Hindi siya tumigil sa pagkiriring kaya't sinagot ko na rin.

       "Hello!"

        Hindi siya sumasagot at parang pinakikiramdaman ako. "Wala akong panahong makipagla---"

         "Kamusta Kristina Cynthia...."
Shit! Bakit alam niya ang tunay kong pangalan?
         "Sino to!? Bastard!"
         "Ambilis mo namang makalimot hija," sagot niya sa baritonong boses.
          "Alam ko ay utang ang kinalimutan mo pero alam kong hindi mo ako basta-basta kakalimutan."
         "G-Greco....nasa'n ka?"
          "Nandito lang ako sa tabi-tabi Tanya, inip na inip na ako."

          Isa si Greco sa pinag-kakautangan ko sa abroad. Hindi ko ito sinabi sa Kuya ko dahil nakilala ko siya sa Casino. Lulong ako sa bisyo noon at naimpluwensiyahan akong mag-sugal. Lamang, ay hindi ko ito nakontrol hanggang lumaki ang utang ko sa kanya.

          "Bigla ka na lang lumabas ng Dubai at ni ha ni ho ay hindi ka nagpa-sabi. Ayokong isipin na may intensiyon kang takasan ako."
         "W-wala, hindi gano'n. Biglaan ang uwi ko, oo biglaan."
          "Alam mong kayang-kaya kita Tanya kaya umayos ka. Bibigyan kita hanggang dalawang Linggo para bayaran ako. Mahaba na 'yon kung tutuusin. Alam ko ang aktibidades ng buo mong pamilya Tanya."

           Napaka-kalmado niya magsalita, salungat sa pagbabanta na lumalabas sa bibig niya.

           "Oo Greco, tutupad ako."

           Binagsak ko ang sarili ko sa kama. Sa pagsingit ni Greco sa eksena ay naiba na naman tuloy sa last minute ang mga plano ko. Bumangon ako at nagbihis. Nagpunta ako sa terasa para manigarilyo. Kinuha ko ang cellphone ko at nagvideocall sa isa sa mga tauhan ko.

          "Bruno! Kamusta dyan?"
          "Eto Ma'm, nagpa-relieve muna ako kay Pete. Andami pong tao! Hindi ko po alam na ganito pala kasikat ang bandang Primegroove. Di mahulugang-karayom, grabe!"
         "Okay sige, maaga pa naman. Mamaya na lang ako pupunta dyan. Kamusta si Janna?"
          "Kasama po nina Ma'm Jowy, nagla-light snack sa dressing room."
          "Huwag na huwag mong aalisin ang tingin mo sa kanya ha. Stick to our plan. Kayo ni Jowy, magcoordinate kayo."
          "Yes Ma'm."
          "Good!"
          "Ma'm, yung pangako niyo po."
          "Nasa bank account mo na Bruno, marunong akong tumupad!"

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedWhere stories live. Discover now