Doctor's Order

Magsimula sa umpisa
                                    

"Alam mo bang pinag-alala mo kami ng hindi ka umuwi kagabi, mabuti na lang ay tinawagan kami ni Joanna at sinabi ngang nasa ospital ka." dinig ko ang pagiging istrikto nito na kinangiti ko naman.

"Sorry na po, hindi ko lang kasi kayang may mapahamak na babae, alam niyo naman pinalaki niyo ako para protektahan ang mahihina." biro ko naman dito at ilang sandali lang ay napangiti na din ito, siguro naisip nitong hindi naman ako makakapagbiro ng ganito kung mas malala ang lagay ko.

Naputol lang ang pag-uusap naming iyon ng pumasok naman ang doctor na tumitingin sa akin.

"Nakuha na po namin ang mga resulta ng mga test, at base sa mga test ay wala namang malalang nangyari sa katawan ng pasyente, mga bugbog at galos lang naman, kaya naman puwede na din lumabas ang anak ninyo misis, pero kailangan pa din niyang magpahinga ng isang linggo." ang sinabi ng doktor kay Nanay, natuwa naman akong malaman na hindi ko kailangan magtagal pa sa ospital na to lalo na't siguradong hindi basta basta ang magiging bill namin sa ospital na to.

"Maraming salamat po doc, sige po aayusin ko na ang bill namin para madischarge na ang anak ko." narinig kong sinabi ni Nanay dito.

"Naku po, huwag niyo na pong isipin ang bayarin sa ospital, maayos na po." sa narinig ay agad lumipad ang tingin ko sa naturang doctor.

"Ano pong ibig niyong sabihin doc?" naguguluhan kong tanong dito.

"Ang ibig kong sabihin hijo ay bayad na ang bills ninyo kaya hindi niyo na kailangan intindihin ang bagay na iyon." sagot naman nito na lalong nagpalito sa akin, naisip kong baka si Joanna ang nagbayad noon, bigla tuloy akong nakunsensya dahil napagastos pa ito samantalang hindi naman ganoon kalakihan ang sahod ng isang service crew.

Katulad ng napagdesisyunan ay bandang hapon ay lumabas na din kami sa naturang ospital, minabuti naming sumakay ng Taxi dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa din kayang kumilos ng maayos.

"Narinig mo ang sinabi ng doctor, isang linggo kang kailangan magpahinga kaya naman iwasan mo muna ang magkikilos kung hindi naman kinakailangan." pangaral sa akin ni Nanay na siyang katabi ko sa likod ng taxi.

"Pero paano po iyon, may pasok pa ako sa school." sagot ko naman, sakto naman na biglang tumunog ang phone ko, agad ko naman iyong sinagot ng makita ko ang pangalan ni Bruce na nakaregister.

"Hello?" bungad ko sa best friend ko.

"Hello Chase, bakit wala ka pa? Hindi ka ba talaga papasok ngayon?" tanong nito.

"Ahhh ehhh medyo hindi kasi pakiramdam ko, pakisabi na lang na masama pakiramdam ko at baka hindi ako makapasok ng isang linggo." sagot ko naman dito.

"Ganoon ba? Unang beses mo itong mag-aabsent, noon kahit gaano kataas ang lagnat mo pumapasok ka pa din, pero sige ako nang bahalang magsabi sa mga prof natin, gusto mo puntahan kita sa inyo para madalaw?" tanong nito, bigla naman akong nagpanic lalo na't hindi naman nito alam kung saan ako nakatira talaga, ang akala kasi nito ay sa isang big time na village ang bahay namin.

"Naku huwag na, out of the way pa, kita na lang tayo sa school pag ok na pakiramdam ko." sagot ko naman dito.

"Ahhh ikaw bahala, basta magtake notes na lang ako para may mareview ka, sige ibaba ko na......" ngunit bago pa man nito matapos ang sinasabi ay agad na akong sumabad.

"Bruce...." tawag ko dito, at isang verbal node lang ang narinig ko mula dito na ibig sabihin ay nakikinig ito.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako magpatuloy magsalita.

"Si Dexter ba pumasok?" tanong ko dito at sa hindi ko mawari ay tila biglang tumibok nang mabilis ang puso ko.

Narinig ko pa ang pagtawa ni Bruce sa kabilang linya na talaga naman pinagtaka ko.

"Ikaw talaga masama na nga pakiramdam mo gusto mo pa ng update sa karibal mo." sagot naman nito, hinayaan ko na lang na iyon ang isipin nitong dahilan kung bakit ako nagtatanong tungkol kay Dexter.

"Pumasok siya at as usual kasama na naman niya si Zonia." sagot naman nito, hindi ko alam kung saan nanggaling ang inis na nararamdaman ko ng mga oras na iyon at bago pa man may masabi akong masama ay nagpaalam na ako dito.

"Ok ka lang ba anak?" nagulat na lang ako ng marinig kong magsalita si Nanay, nawala kasi sa isip ko na kasama ko siya sa taxi.

"Ok lang po, may iniisip lang." palusot ko dito.

"Bakit nga pala wala ka nang dinadalang mga kaibigan sa bahay? Noong high school ka pa naman madami nang dumadalaw sayo noon?" muntik na akong masamid sa tanong nito, kasi naman paano ko naman ipapaliwanag dito na ang dahilan kung bakit wala ni isang classmates akong dumadalaw sa bahay ay dahil sa wala namang may alam sa totoong estado ng buhay namin.

"Uhmmm kasi po..... kasi po......" pilit akong humahanap ng dahilan pero kahit anong isip ko ay wala talagang pumapasok sa isip ko.

"Umamin ka nga sa akin na bata ka." dinig na dinig ko ang kaistriktuhan sa boses nito kaya naman hindi ko maiwasang hindi pagpawisan ng malapot dahil mukhang nahulaan na nito ang ginagawa kong pagpapanggap.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" pinilit kong patatagin ang pagsasalita ko kahit na nga ba halos mamaluktok ang dila ko sa kaba.

"Siguro......" ang sumunod na sinabi nito, pakiramdam ko ages ang nakalipas bago nito sinundan ang sinasabi.

"Hindi naging maganda ang pakikisama mo sa mga tao sa school kaya wala ka ngayong kaibigan, alam mo naman anak na kailangan mong makisama ng maganda sa lahat ng tao eh." pangaral nito sa akin, biglang tila may bikig sa lalamunan ko ng malaman kong iyon pala ang iniisip nito.

Hindi na lang ako sumagot at hinayaan itong iyon ang isipin, habang nasa biyahe ay minabuti ko na lang na tumingin sa bintana ng taxi, muling nagbalik sa isang tao ang isipan ko at iyon ay walang iba kung hindi si Dexter.

Alam kong hindi ako namamalikmata ng makita ko itong nagligtas sa akin, pero paano at bakit niya ako niligtas.

"Just so you know, it's you that I like." 

Bigla na naman pumasok sa isip ko ang sinabi nito sa akin, at kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng kahit na ano ay hindi ko magawa.

I need to know the truth and I tend to get that answer, and the only way to get that answer is to confront my rival, Dexter Soriano!

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon