Chapter 17: Peace

Magsimula sa umpisa
                                    

“Uy wag na” sabi ni Enan. “Dalian mo nga pumasok ka sa banyo and get out of those clothes. Basang basa ka grabe. Sige na Enan baka magkasakit ka pa” lambing ni Cristine kaya in total shock sina Arlene at Jelly.

“Kasama kasi ito sa audition ko, pinatawag ako actually para sa role ni Aquaman. Wet look, pero I failed kasi daw masyado ako oozing with handsomeness para sa role” banat ni Enan. “Tsk Jelly ano ba?” biglang sigaw ni Cristine kaya nagmadaling lumabas ang bading.

Sa takot pumasok si Enan sa banyo para alisin ang mga basa niyang damit. “Wait, here take my robe, malaki yan kaya kasya sa iyo yan. Suot mo muna yan while waiting for Jelly” sabi ng dalaga. “Salamat” bulong ni Enan sa hiya.

“Arlene mainit naman na maiinom niya o” lambing ni Cristine kaya napangiti ng husto ang manager niya. “Of course, wait right here” sagot niya sabay lumabas. Pagkalabas ni Enan hiyang hiya siya sobra, “Come sit beside me” sabi ng dalaga.

Pagkaupo ng binata nagulat siya nang nilapag ni Cristine yung dalawang box ng cellphone sa counter. “Hmmm they were making me choose, S4 or Note 3, I didn’t know what you liked so I chose this bigger one nalang” sabi ng dalaga. “Ha? What I like?” tanong ng binata.

“Yup, they gave us new phones, tapos binigyan din tayo ng two years plan free of charge. So this is yours and this white one is mine” pacute ng dalaga. “Really? Mine? As in, wala ako babayaran?” tanong ng binata kaya natawa ang dalaga. “Yep, tapos ibibigay nila yung cheque later on then may photo shoot tayo pala pero next week pa yon” sabi ng dalaga.

Natulala si Enan, “Say something” pacute ni Cristine. “Wow, ano? Teka nadulas ba ako at naumpog? Anong nangyayari?” tanong ng binata. “Ganito talaga pag endorser ka ng isang product” sabi ng dalaga. “Pero ikaw naman yung artista ha, sabit lang ako” sabi ni Enan.

“Ano ka ba? You made it happen, you deserve this naman kasi tayo naman talaga yung nasa video e” sabi ng dalaga. “Pero it was all an act” sabi ni Enan kaya biglang napasimangot yung dalaga. “Was it?” tanong niya. “No, kinukumusta talaga kita noon at gusto icheer up” sabi ni Enan.

“And success ka, kaya tayo yung star ng video. They really like it you know and you really did cheer me up” sabi ni Cristine. “Oh if that is the case then…thank you ha. Oh men artistahin level na talaga ako” banat ni Enan kaya nagtawanan sila.

“Now tell me why did you get wet?” tanong ng dalaga. “Ah, may payong ako pero…I saw her stranded sa building nila. Di ko natiis kaya ayon inalok ko sumilong siya” kwento ng binata at nakaramdam ng kirot sa puso si Cristine.

“Violet” bulong niya. “Siya nga, then she said sorry bla bla, she told me she misses me pero iniwan ko yung payong sa kanya tapos tumakbo nalang ako. Para siya nalang gagamit non para makauwi siyang safe” sabi ng binata.

“I see…so okay na pala kayo” sabi ni Cristine. “Hindi ha, di ko nga sinagot e” sabi ng binata. “Pero I can see in your eyes happy ka” sabi ni Cristine. “Kita ba? Siguro, medyo, she told me she misses me…she asked if we could be friends again” sabi ng binata.

“And I can see papayag ka” sabi ni Cristine. “Ewan ko ba, if it happens baka mag spark nanaman tong feelings ko. Pero at least now kaya ko na pigilan kasi alam ko na ang mga magaganda na tulad niyo hindi nararapat sa mga tulad ko” sabi ng binata.

“E ano tawag sa atin?” tanong ni Cristine. “E iba naman ito e, acting lang to diba?” sagot ni Enan. “Madami na tayo napaniwala” sabi ng dalaga. “Because we are good actors” landi ni Enan kaya napangiti konti ang dalaga pero lalo siya nakaramdam ng kirot.

“Kasi tignan mo ha, siya maganda, palpak na ako sa kanya. Sa iyo pa kaya na four times prettier than her papasa ako?” tanong ng binata. “Sabi mo last time three” singit ng dalaga. “Three ba? E nakita ko legs mo kaya added value so four na” sabi ni Enan kaya nagtawanan yung dalawa.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon