Chapter 59: I exist

Start from the beginning
                                    

"Hi Manang. Long time no see. Namiss nyo po ko?"

Napalingon ako sa katabi ko. Feeling ko huminto sa pagtibok puso ko. Sht! Bakit ba kinakabahan ako? Si Daniel lang naman toh! At Boyfriend ko sya.

..But not this time. Feeling ko strangers turingan namin ngayon. Kelangan ba ako muna mag-approach sakanya? Pero kanina ko pa sya gustong kausapin kaso hindi ko magawa dahil sa kilos nya. Sya nga tong umiiwas ng tingin.

Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakatitig sakanya. Kaya nung tumingin sya sakin hindi ko alam sasabihin ko.

Lub.dub.lub.dub

The fudge! Nakipagtitigan lang din sya sakin. He didn't even smile at me! Hindi ko sya maintindihan! Diba dapat ako ang magalit sakanya dahil hindi nya sinabi na nakabalik na pala sila dito. Sht!

"B. Ang tagal nyo naman. Gutom na ko" biglang sumingit si Vince sa pagitan namin. Nakita ko pangnapakunot noo si Daniel habang nakatingin kay Vince. Pero nag-iba rin agad expression ng mukha nya ng mapansing nakatingin parin ako sakanya. Umiwas sya ng tingin at kumuha na ng food.

"Kelan ka pa kumain ng chopseuy? Psh. Oh, palit nalang tayo"

Pinagpalit ni Vince yung plato namin. Parang bigla akong pinagpawisan. Napakagat pa ako sa labi ko. Baka kasi lalong magalit nyan sakin si Daniel.

Nagmamadali akong magbayad. Ang awkward na kasi. Wala talagang pansinan. Nakahinga lang ako ng malalim nung makabalik kami sa table.

"Magkagalit ba kayo ni Daniel, Ash?"

"Ewan ko dun. Hayaan nalang natin sya. Nga pala, nakita mo na yung gawa ni B? Yun yung magiging background natin"

Iniiba ko yung topic namin. Ayoko syang pag-usapan. Pinipilit ko ngang tumawa para ipakita na ok lang ako. Eto ang gusto nya diba? Then, ipapakita kong hindi rin sya nageexist sakin.

"psh. Daldal. Kumain ka nga muna. Tignan mo uh, may sauce ka pa sa bibig. Baboy."

Ay anak ng siopao! Makababoy lang?! Kinuha ko yung panyo ko para punasan yung bibig ko.

"Akala mo naman sya wala, ikaw nga may kanin pa sa bibig. Ahahaha! Baboy ka rin"

kinapa naman nya yung bibig nya. Joke lang naman yun. Pffft. Wala naman talaga syang kanin sa bibig.

"psh. May sauce ka parin. Dito kasi uh"

Lumapit sya at kinuha yung panyo ko saka sya na mismo nagpunas ng bibig ko. Hindi ako agad nakareact sa ginawa nya. Kusang napatingin yung mata ko sa table nila Daniel. Bakit ba parang takot na takot akong makita nya kami ni Vince na ganito? Diba nga wala syang pakielam?

As expected, wala talaga syang pakielam. masaya sya ngayon kasama mga kateam nya. Hinihintay kong lumapit sya samin at pagalitan ako, na amining nagseselos sya. Pero pano nya magagawa yun, kung kausapin nga lang ako hindi pa nya magawa.

"Pinunasan ko lang bibig mo, natulala ka na? Ganyan ba talaga kalakas dating ko sayo B?"

what the hell! Ang lakas ng trip talaga nito. Lumapit din ako sa may table at pinisil ko ilong nya. Napakahangin!

"Aww. Sht! Babaliin mo ba ilong ko?"

"oh. Great! Buti sinabi mo"

Silently In Love (Completed)Where stories live. Discover now