Chapter 10

16.5K 449 18
                                    

Chapter 10

ALEXANDER

Nasaan na kaya yung Nerd na 'yun?

Tumayo na ako at pinuntahan ang bike ko, tapos na rin naman ang oras ko at ibabalik ko nalang ito.

Habang binabalik ko ang bike ay napag desisyunan ko na hanapin nalang 'yung Nerd na 'yun baka hinahanap niya pa ang close best friend niya.

Habang naglalakad ako nakakita ako ng dalawang bulto ng tao, hindi hayop kasi may anino ng tao at naka-upo sa sahig.

Mga abnoy talaga uso na talaga ngayon ang mga baliw...

Lumapit pa ako sa kanila at ng lumingon ang babae sa lalaking kaharap niya nakilala ko na siya. Napakunot naman ako ng noo ng malaman na si Nerd ang nakaindian seat sa sahig.

Si Jake na ata ang kaharap niya kaya lumapit ako sa kanila.

"Sige ba!" Masayang sagot ni Nerd.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalawa at sa huli ay nagwagi ako.

Dalawa silang napatingin sa pinang galingan ko at biglang tumayo si Nerd sumunod naman na tumayo si Jake at nag-pagpag ng pants niya.

"Ah fre-I mean Alex," sabi ni Nerd at nang-tignan ko si Jake ay nagpipigil ng tawa ang abnoy.

"Nasaan na ang frappe ko," sabi ko sabay lahad sa kanya ng kamay ko.

"Hindi pa ako nakapag-order ng frappe mo kasi hinanap ko pa siya," sagot ni Nerd at tinuro si jake.

"Ah. Bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong ni Jake kay Nerd.

"Pinapahanap ka sa akin ni Alex," sagot niya, "...at bibili ako ng frappe ni Alex pagkatapos kitang hanapin," dugtong niya.

"Pinapabili ka ni Alex ng frappe?" tanong ni Jake at tinuro ako sabag bigay ng tingin sa akin. Umiwas lang ako at tinignan si Nerd.

"Oo, sige punta muna ako ng Hello Café baka magalit pa ang nagngangalang Alex dito," sabi ni Nerd at naglakad na pero bago pa siya makalayo ay nagsalita na ako.

"'Wag ka ng bumili nabusog naman ako sa Café Americano mo," sabi ko na ikinalingon niya na may gulat sa mga mata.

ALEXIS

"'Wag ka ng bumili nabusog naman ako sa Café Americano mo."

Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya na may gulat sa mukha.

"What did you say?" Tanong ko. Ako ba pinaloloko niya? Hindi ako nagkakamali ng narinig. Ininom niya ang ano? Cafe Americano ko? Order ni Stella para sa akin?

"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko," sabi niya pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Iniwan sa akin ni Stella ang coffee mo at sa tagal mo ay inubos ko na," sabi niya.

"So what?" tanong ko at nagkibit balikat. Ayos lang naman sa akin 'yun. Hindi rin naman na ako nakakaramdam ng gutom.

"Hindi ka ba magagalit na ininom ko ang coffee mo?" tanong niya kaya umiling ako.

"Nah! I don't care of my coffee flavor because hindi ko type ang flavor na café americano at namali ata si Stella kasi sinabi ko naman na hot choco ang ikuha niya," sabi ko at nag-smirk. Since Jake gave me hot choco ito na ang nakasanayan ko.

"So kung gusto mo mag-order ng frappe mo..." at ipinakita sa kanya ang pera niya, "..ikaw ang mag-order sa sarili mo," at dahan-dahang pinunit ang perang inabot niya. Nakita ko naman kung paano magliyab sa galit ang mga mata ni Freak.

The Gangster In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon