TFY 29: A Daughter's Love

Start from the beginning
                                    

"Magpagaling ka. We'll see your mother soon." Nakatingin ako sa kamay niyang hinahawakan ko. Hindi niya alam kung ilang beses ko nang inisip na hawakan ang kamay na ito at takbuhan nalang ang lahat.

Wala akong masabi kasunod mg mga sinabi ko. Pinisil ko ang kamay nito bago ko pa man binitawan.

"Rest." I say to her before I decided to leave.

**************

Pagkasara ko ng Pintoan ay napapitlag ako nang nakita ko si Tyron na nakasandal sa malapit sa pintoan

"Do you want to drink?" He asks whithout throwing his glares to me

"Maybe some other time." Nakapamulsang saad ko naman sa kanya.

"I found her. " He suspiciously stares at me. I step forward and fished out my ballpen in my pocket.

"Who?" I held his hand and presses my ballpen

"Juvilyn Cristobal." I wrote in his palm

"Paano mo-" napaawang ang bibig ni Tyron na tumitig sa palad nito.

"Mas maiging sayo mismo manggaling na nahanap na natin ang Biological Mother niya. Sa Impormasyong Nakuha ko. She's still alive at nasa pangangalaga siya ng Isang Charity Program ni Sen. Tuazon. "

"Ginamit ko nga pala ang mga Bata natin. "

Nanatili itong nakatingin sa palad niya. Matapos ay binaling ang tingin sa Pintoan. I bet he is thinking about Nyda. How sorry he was. How badly he felt for his sister. I've never seen him like this even before. He was ruined by his first love.

"Maraming Salamat Luke. Hinding hindi ko ito makakalimutan."

*************

Nagising ako nang maramdaman kong may nagbukas ng Kurtina kaya naman Nasilaw ako sa sinag ng araw mula sa labas.

"Wake Up Sleepyhead." Tumambad sa akin si Kuya Tyron. Kung hindi kami magkapatid baka nagkagusto rin ako sa kanya.

Ang gwapo kasi ni Kuya. Ang kisig. Ang macho. Hindi siya Boring

Teka ano ba tong Pinagsasabi ko?

"Bakit ang aga mo?" Kalahating nakasara ang mga mata ko habang bumabangon.

"Pinaaga namin ang Discharge mo dahil may pupuntahan tayo. "

"Ha? Saan?" Parang hindi ko masydo mapakinggan ang mga sinasabi ni Kiya dahil sa mejo inaantok pa ako.

"We're going to your mom. Your real Mom." Humina ang boses nito. Niluwangan ko ang pagkamulat ng mata ko at sinuri kong maigi ang mukha ni Kuya kung nagbibiro ba siya

"Ha?"

"Get dressed. Mom and Dad will come here after lunch. Dapat mauna na tayo bago pa tayo maabutan." Pagmamadali naman nito sa akin.

Hindi ko alam kung may segundo man lang ba na lumipas na naging komportable ang pagiisip at ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mapaisip. Kung ano ba ang magiging reaksyon ko sa pagkikita namin ng tunay na Ina ko at anu ba ang hitsura niya? Magkamukha ba kami? Matanda na ba siya.

Paulit ulit kong Tanong sa sarili ko.

Nakarating kami sa Isang Mental Hospita. Hindi siya gaano kalakihan.pansin mo rin ang bilang ng mga empleyado ng Hospital.

"Good Morning. May Appointment ako Miss. Under Mr. Villiarde. " sabi ni Kuya sa Nurse nang marating namin ang Counter.

"Ah. Okay po sir. Handa na po. This way po sir." Lumabas ang Nurse mula sa Booth at sinamahan kami papalakad sa Lobby.

Napatigil kami sa isang Kwarto. Binuksan nito ang Pintuan at sinabing maari na kaming Pumasok. Pero parang nanigas ang mga paa ko at hi di ako nakagalaw. Tumingin sa akin si Kuya.

"Kaya mo ba?" Nag aalalang tanong nito. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang may kirot akong nararamdaman.

"Kaya.. Ko." I stammered. Snubukan kong humakbang pero napatigil ako at lumingon kay Kuya.

"A-anong panga-"

"Juvilyn. Juvilyn Cristobal." Maagap naman nitong sagot. Tinguan ko lang siya at nagdirediretso akong pumasok. Nilock ko ang pinto.

Mula sa Bintana nakita ko ang Isang babaeng naka wheelchair na nakamasid sa bintana.

Lumapit ako sa kanya. Kahit nangungutog ang mga binti ko.

Nang makalapit ako sa kanya at nasilayaan ko ang hitsura nito. Hindi siya gaanong matanda tignan. Pero may mga puting buhok na siya. Hawak hawak niya ang de bateryang radyo at may Rosaryo sa palad.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Napatakip ako sa bibig ko. Ang bibigat ng mga paghinga ko. Lalo akong nasaktan nang makita ko siya.

While I am enjoying those years my mother was alone here.

She is alone.

I am with my family.

Tuluyan nang tumulo ang mga Luha ko.

Nagtungo ako sa harap nito. Naagaw ko ang atensyon niya.

"Pakisabi sa kanila na gusto kong mag simba Neng." Bigla akong hinawakan sa kamay. Ang lamig ng mga kamay niya.

Napahagulgul ako sa iyak. I heard her voice and I touched her hand. For the first time.

"Kailangan kong makita ang Poong Nazareno. Sa Quiapo. " lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

I leaned down to see her face. By looks of her. She is still smiling. I wonder what makes her smile

"Malayo po yun. " I sniffed. Huminga ako ng malalim upang makapagsaita ako ng maayos.

"Wala po ba kayong kasama dito? Di po ba kayo nalulungkot?" Napalunok ako. Dahil nagbabadya uli ang mga luha kong tumulo.

She smiles at me "Hindi. Kasama ko si Lord. Hindi niya ako pinapabayaan. "

Napayuko ako sa mga hita niya kung saan ko ipinatong ang mga kamay ko at napahagulgul sa iyak

"Huwag kang mag alala hija. Nakikinig siya sa lahat ng mga problema na natin." Nag angat ako ng titig nang mag salita siya.

" Napakaganda mo. Huwag kang umiyak" and then she wipes my tears with her hands.

Tumango tango ako sakanya at ngumiti.

This is my first time seeing her and yet is a dreadful moment of my life. I just realized how much I misses her. How much I longed for her love. Ano kaya ang buhay niya kung hindi ako nalayo sa kanya?

**********

Itutuloy
Unedited
Mis spells and grammatical erors are expected

Share ko lang. Ang Char ng Juvilyn ay binase ko sa Aunt ko. Hindi naman siya Baliw but she is sick. Ganun ang style niya. She would spend the whole day listening to her radio ililipat niya sa Christian Channel. I just miss her tuwing bakasyon lang kasi kami nag kakasama. I just miss the days I sat down beside her and listens to her stories about Jesus. Ang tibay kasi talaga ng pananampalataya niya. Kaya para sa mga readers ko. Alam kong some of you are mothers too. Bukod tangi po ang pagmamahal ninyo. Isa po kayong Dakila. Yung iba nga ay OFW. Maraming salamat dahil sa simpleng pagsusulat ko ay naaliw ko po kayo. Mahrap ang mawalay sa pamilya pero tinitiis niyo para sa mga anak ninyo. Don't lose Hope. Be strong and hold on to your faith. Gaya ng sabi ng Aunt ko. Hindi po tayo pinapabayaan ni Lord.

Maraming Salamat po Ulit.

To Fix You (Mafias Series # 2) - RAW/UNEDITEDWhere stories live. Discover now