CHAPTER FORTY FOUR

4.4K 75 4
                                    

CHAPTER FORTY FOUR: Justice Prevails

"I knew it! I knew that witch Anastacia did it! Talagang yang bruhildang babae na yun wala talagang gagawing mabuti eh!" nanggagalaiiting sabi ni Jessie.

"Tama na nga yan Jess. Diba sabi ko na nga sayo nagsorry na si Ate Giselle kaya kalimutan na natin yun" seryosong sagot naman ni Cinderella.

"Anong kalimutan? Hindi ko pwedeng kalimutan lahat ng kamalditahang pinaggagawa nila sa'yo! And speaking of Giselle, do you really think she's sorry for all those things?" nakataas ang kilay na tanong ni Jessie.

"Alam mo Jess sa maniwala ka man o sa hindi...naniniwala ako sa mga sinabi ni ate Giselle. Naramdaman ko yung sincerity nya eh. Ang totoo nga nyan naawa ako sa kanila ni ate Annie. Imagine naranasan nila yung lahat ng hirap na yun? Pati si mama Gretta" malungkot na sabi ni Cinderella.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Jessie sa sinabi ng kaibigan.

"Okay sige, payag na ko kay Giselle at naniniwala na ako sa kanya. Pero para maawa ako kila Annie at sa madrasta mo? Hello?! Hindi pa ako nahihibang! At lalong wala akong balak maging santa!" sarkastikong sabi ng dalaga.

Bahagya pang natawa si Cinderella sa sinabi ng kaibigan. Biglang kumatok si Doris sa pintuan ng kwarto niya.

"Bakit Ate Doris?" tanong ni Cinderella ng buksan ang pinto.

"May bisita kayo sa baba" sagot nito.

"Sino ate?" nagtatakang tanong ni Cinderella.

"Si Attorney Vergara nandyan kasama si mama Renee."

Napakunot ang noo ng dalawang babae sa sinabi ni Doris.

"Sige ate pakisabi baba na ako. Salamat."

Sa salas ay naghihintay si mama Renee kasama ang matandang lalaki na pormal na pormal sa kanyang suot na suit.

"Attorney Vergara it's nice to see you here! Long time no see! Ano ang dahilan at bigla kang nadalaw?" pagbati ni madam Gretta na halata ang kaba sa mukha. Isang maliit na ngiti lang ang ibinigay nya kay mama Renee.

Tumayo pa ang matandang lalaki. Ngunit sinenyasan na sya ni Gretta na maupong muli.

"Well actually I came here today to talk to you about some important matters" pahayag ng matandang lalaki.

"Oh...really? Tungkol naman saan?" pautal na tanong ni Gretta.

"I think we have to wait first for Ms. Cinderella Buenavista."

"O...of course of course!" pilit pang ngumiti ang nakatatandang babae.

Sakto naman na pababa na sina Cinderella at Jessie.

"Nandyan na pala siya Attorney. Good morning hija!" pagsalubong pa ni mama Renee sa inaanak.

"Good morning po ninang. Good morning din po" pagbati nya sa dalawang bisita.

"Uhm Cinderella this is Attorney Vergara, your parents' legal counsel" pakilala ni mama Renee sa dalawa.

"Good morning Cinderella. I'm your parents' lawyer and confidant ever since they got married and started their business. Nice meeting you hija" masayang bati ng abogado.

"It's my pleasure to meet you attorney. By the way this is Ms. Jessie Domingo my best friend."

"Nice meeting you sir!" bati naman ni Jessie sa matanda sabay kamay dito.

"So now I guess we can start our meeting?" tanong ni Attorney Vergara.

"Uhm...Jessie hija, I hope you don't mind but this meeting is supposed to be among family members only?" kunwaring mabait na pahaging ni madam Gretta kay Jessie.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now