CHAPTER THREE

7.4K 94 0
                                    

CHAPTER THREE: Too Hot to Handle

“Sigurado ka bang okay ka lang mag-isa hija? Ayaw mo ba talagang samahan kita o ihatid manlang?” tanong ni Mang Ador kay Cinderella.

“Opo naman Mang Ador. Okay lang po. Saka I’m sure hinihintay na po kayo ni mama. Huwag po kayong mag-alala. Dyan lang naman po ako sa mall. Titignan ko lang po yung branch doon kung kumusta na” nakangiting paninigurado niya sa matanda.

“O sige. Pero pag kailangan mo ng sundo tumawag ka lang sa akin ha?” masuyong sabi ng mabait na si mang Ador.

“Opo. Promise po. Sige po Mang Ador” pamamaalam nya sa kausap.

Pagpasok palang sa loob ng branch nila ay natuwa si Ella dahil nakita nyang maraming taong namimili roon. Agad syang nilapitan ng isang saleslady at tinanong.

“What are you looking for ma’am?” medyo mataray na tanong ng saleslady na nakasuot ng isang beige fitting at pink blouse. Siya ang nagdesign ng mga uniform na iyon kasama ang isang house designer ng company nila. At natutuwa sya dahil maganda ang kinalabasan noon, bagay na bagay sa ambiance ng store.

“Uhm…tumitingin tingin lang” bahagya pa syang ngumiti. Halatang bago ang saleslady dahil di sya nakilala.

Tinignan sya nito mula ulo hanggang paa, tila sinusukat kung kaya ba nitong bumili roon. Tinignan lang din nya ang sarili sa salamin na naroon. Nakasuot sya ng isang gray skinny jeans, lacy yellow blouse na may small puff sleeves at brown loafers. Ang kanyang buhok naman ay naka pony tail lang. Dahil sa pagmamadali ay naglagay lang sya ng konting blush, lipgloss at mascara. Saka sa tingin naman ay di nya kailangang magpakabongga ng ayos dahil wala namang okasyon.

“Ay good morning Ms. Buenavista!” sabi ng isang gay na nagmula sa loob na ikinagulat naman ng saleslady.

Kumunot ang noon g saleslady tila nagtatanong sa bagong dating.

“Good morning din Mr. Caparas” bati din nya sa lalaki.

“What a very pleasant surprise for you to visit our branch ma’am. Pasensya na po bago po syang saleslady eh” sabay siko sa saleslady sa tabi nya. “Apple she’s Ms. Cinderella Buenavista, the owner. Would you like to say good morning?” pabulong nito sa babae.

Tila naman binuhusan ng malamig na tubig ang babae at namutla ng malaman kung sino ang kaharap. “Naku ma’am pasensya na po. Di ko po alam na…”

“That’s okay. Hindi naman kasi ako nagpakilala agad eh. I’m on the area so Idecided to have my regular store visit. It’s good to see na marami tayong customers today” mahinahon nyang sabi.

“Yes ma’am. Mall wide sale po kasi eh. Saka may big mall event din kaya madaming tao” paliwanag ng branch manager.

“Ganun ba? O paano hindi ko na kayo masyadong iistorbohin at marami pang customers eh. I’ll go ahead. Before I forgot, Ms. Apple right?” bigla nyang tanong sa saleslady.

I AM CINDERELLAWhere stories live. Discover now