CHAPTER ELEVEN

6K 83 1
                                    

CHAPTER ELEVEN: Capuccino Frappe

“What sizzling and exciting news for everyone in town. Lalo na sa mga taong nahuhumaling sa buhay ng mga royalty. Dahil ang only daughter ni Lord George ng Scotland na si Lady Priscilla ay uuwi dito sa Philippines. Kasama nya ang kanyang asawang si Mr. Ricardo Montecarlo, isang business tycoon at ang kanilang unico hijo na si Prince. Naku tiyak na magkakagulo na naman ang mga kababaihan. Dahil ang balita ay napakagwapo daw talaga nitong si Prince. Pero napakailap daw talaga nito sa press kahit sa mga paparazzi, because they chose to live a very private and quiet life in Scotland rather than in the main streets of London where all the royalties dwell. At ang balita pa nga ay dito daw magse celebrate ng 25th birthday itong si Prince. And I’m sure invited ang mga naglalakihang pangalan sa showbiz, politics and business world on that event. Ang pinakaexciting sa lahat ay napapabalitang si Prince daw ay isang certified bachelor, that means he is so much single and available, but I hope he’s also ready to mingle! Kaya mga girls out there, magready na kayo. Malay nyo kayo na pala ang hinahanap na princess ng Filipino prince charming!” masiglang report ng isang tv host sa kanyang talk show.

“Eeeeeeee!!!” malakas na tili ng magkapatid na Annie at Giselle sa napanood nilang palabas sakanilang 41” LED TV.

Biglang pumasok ang mama nila sa entertainment room dahil sa malakas na pagtili ng dalawa. “Anong nangyari?”

“Mama! This is it! Ito na talaga!” patiling sabi ni Giselle.

“Ang alin?” takang tanong ni Gretta sa anak.

“Dumating na ang prince charming ko! Ang lalaking mapapangasawa ko! Ang magiging ama ng mga magiging anak ko!” di pa rin mapigil sa pagtili.

“Ang kapal mo rin naman sis! Pwede ba wag kang ilusyonada! Dahil ako, si Anastacia Buenavista, ay ang magiging Mrs. Anastacia Montecarlo!” nakatingin pa sya sa kawalan na tila iniimagine na ang kanyang future.

“Ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Tuluyan na ba kayong naluka?” inis na sabi ng ina.

“No mama! Kasi dumating na sa bansa yung half royalty half millionaire na anak ni Don Ricardo Montecarlo ng Montecarlo group of companies. At base sa mga balita sa tv at net, pati na rin sa mga magazines, super hot daw talaga sya as in capital HOT!” kinikilig pang kwento ni Giselle.

“At di lang yun mama. Ang balita pa wala pa daw girlfriend” kinikilig din si Annie.

“Eh baka naman bakla?” panira ng ilusyon na sabi ni Gretta.

“Mama naman! Hindi no! Ang ibig sabihin nun, maaring naghahanap pa sya ng girlfriend. At dahil nandito sya sa bansa ngayon malaki ang chance na magkabangga kami isang araw at mainlove sya sa akin!” napatalon pang sabi ni Annie.

“Sino kaya sa atin ngayon ang ilusyonada? Saka makabangga ka dyan? Baka kamo banggain mo? Sorry sister pero kung meron sa ating dalawa na maiinlove si Prince tiyak kong sa akin na yun! Dahil hamak naman mas maganda ako sa iyo!” pairap pang sabi ni Giselle.

“O sige sabihin nating mas maganda ka, pero tiyak ko namang di papatol ang gaya ni Prince sa isang babaeng maganda lang pero walang brains!” pang-aasar ni Annie sa kapatid.

“Sinong walang brains? Excuse me matalino ako no!” at dumila pa ito sa kapatid.

“Naku tantanan nyo na ngang dalawa yang kaartehan nyo! Pareho kayong di papansinin nung Prince nay un kung makikita nyang pareho kayong isip bata!” galit na sabi ng ina.

Natahimik ang dalawa pero panay ang sukuhan at palitan ng irap.

“Ang isipin nyo eh kung paano nya kayo mapapansin. Ang dapat nyong gawin, magpaganda pa lalo kayo at siguraduhin nyong lagi kayong laman ng mga sosyal na events. Dapat pagbutihan nyo pa yang pagmomodel nyo para mas maging laman kayo ng mga fashion magazine at fashion shows na tiyak na aattendan nya!” pangangaral pa nito sa mga anak.

I AM CINDERELLADonde viven las historias. Descúbrelo ahora