CHAPTER TWENTY SIX

5.4K 58 2
                                    

CHAPTER TWENTY SIX: Prince Charlie Montecarlo

“Hey bro, what’s up?” tapik ni Phillip sa balikat ni Charlie na nakatanaw sa malayo.

“Hey Phillip, kaialn ka pa dumating? Musta ang mga business trip?” pangungumusta sa kaibigan.

“Good! Kahit sobrang nakakastress okay naman. Marami ding business deals ang naiseal” kwento nito sabay upo sa isang bench sa harap ni Charlie.

“Eh di super proud and happy na naman ang mga tita?” nakangiting tanong ni Charlie.

“Of course! Enough about me. Ikaw, magkwento ka! Kumusta naman ang pakiramdam na nandyan ang mommy at daddy mo?” nakangising tanong ni Phillip.

Napabuntong hininga pa si Charlie. “It’s fine.”

“It’s fine pero parang di maipinta ang mukha mo?” pang-aasar pa ni Phillip.

“Alam mo naman pare kapag kasama ko sila mommy para akong nakakulong sa hawla! Napakahigpit nila, especially my mom!” nakasimangot na kwento ni Charlie.

“Bro you have to understand them, they are just protecting you.”

“I know but do they have to be that over protective? Imagine, noong isang beses na namasyal kami ni Cinderella sa park napansin ko na lang na merong ilang securities na sumusunod sa amin. At kahit nga nandito lang ako sa bahay lagi pa ring may nakasunod sa akin. Kaya nung minsan tinakasan ko sila.”

Napangiti si Phillip at napansin iyon ni Charlie. “Why?”

Nagkibit balikat lang si Phillip.

“Eh bakit ka nakangiti ng ganyan?”

Natawa si Phillip. “So finally nagdedate na kayo ni Cinderella?”

Nanlaki ang mga mata ni Charlie. “No…we’re not. We’re not dating.”

“Pero madalas kayong magkasama?” tukso pa ng kaibigan.

Pilit na tumawa si Charlie dahil naramdaman nya ang pag-iinit ng mukha nya. “Excuse me Mr. Phillip Park, but I do believe that’s the time when you and Jessie both ditch us for your own date.”

“Okay if you say so! Atleast me and Jessie both know and admit that we’re dating. Not like some other people who can’t even accept the fact that they both feel something special towards each other” pang-aasar pa ni Phillip sa kaibiagng pulang pula na.

“Sige mang-asar ka pa! Speaking of Jessie, alam na ba nyang dumating ka na?” pag-iiba nya sa usapan.

“Of course! Ako pa? Sya kaya ang uang tinawagan ko. Parang yung isang kakilala ko, laging tinatawagan yung girl na gusto nya pero lagi parin nyang dinedeny na gusto nya kahit halata naman sa mga kilos at salita nya na talagang may gusto sya dun sa girl!” natatawang pagbabalik ni Phillip sa usapan nila.

Napailing lang si Charlie sa kakulitan ng kaibigan.

“Aminin mo na kasi!”

“Okay! Okay! I admit it! I like her, I like Cinderella a lot!” pag-amin ni Charlie.

“Ayun naman pala eh! Eh ano pang ginagawa mo? Bakit di mo pa sabihin sa kanya? I’m sure that she also likes you.”

“I don’t know. I don’t know if I’m ready to cross those boundaries. I’m not sure if I want to jeopardize the friendship we have over a different kind of relationship. And besides, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya kung sino talaga ako” seryosong sabi ni Charlie.

“Bakit di mo pa sabihin sa kanya? I’m sure she will understand. Bakit iniisip mo bang katulad din sya ng ibang girls na ang habol lang sa’yo eh yung status mo?”

I AM CINDERELLAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum