CHAPTER THIRTY NINE

4.7K 73 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE: Helping Hands

“Kung sino man ang gumawa nito, talagang makakalbo ko sya!” galit na galit na sabi ni Jessie nang agad syang dumating matapos tawagan ni Charlie para malaman ang nangyari.

“Sino naman kaya ang gagawa nito?” malungkot na tanong ni Phillip.

“Kung sino man ang may gawa nito, tiyak na napakalaki ng galit nya kay Cinderella. Para sirain ang mga damit na yan isang araw bago ang fashion show” sabi naman ni mama Renee.

Biglang napatayo si Jessie sa kinauupuan nang marinig ang sianbi ni mama Renee. “Isa lang ang sigurado kong kayang gawin ito at may motibong gawin to! Hindi pala isa kung hindi tatlo!”

Napatingin ang lahat kay Jessie.

“Ang bruha mong madrasta at ang mga maldita mong mga hilaw na kapatid!” halos umusok ang ilong na sabi ni Jessie.

“Pero hwag muna tayong magconclude. Hindi naman natin siguradong sila nga ang may gawa nito eh. Saka bakit naman nila gagawin to? Eh kasama sila sa fashion show bukas. At yung dalawang nasirang damit ang dapat na isusuot nila na pang finale” sagot naman ni Cinderella na binibigyan ng kaunting benefit of the doubt ang mga kapamilya.

“Hay naku I’m sure sila yun! Sila lang naman ang matindi ang inggit sa’yo eh!” inis na sabi ni Jessie.

“You know guys, sa tingin ko mas mainam na isipin natin ngayon kung paano ang gagawin sa mga damit na yan habang pinaiimbistagahan pa ang mga nangyari” seryosong sabi naman ni Charlie habang mahigpit na hawak pa rin ang kamay ni Cinderella.

“Tama si Charlie, isipin natin kung paano maihahabol ang mga damit na yan para bukas” sabi naman ni mama Renee.

“Mabuti na lang pala at naipack na natin yung ibang mga damit na gagamitin bukas” bahagyang malumanay na sabi ni Jessie na pinakakalma naman ng boyfriend na si Phillip.

“I know what to do!” biglang sabi ni mama Renee.

Napatingin ang lahat sa kanya.

“Cinderella may mga natira ka pa bang mga tela dyan?” tanong nit okay Cinderella.

“Opo ninang, kaso po konti na lang po eh. Baka hindi magkasya kung gagawa po tayo ng bago” sagot ni Cinderella.

“Don’t worry my dear! I’m sure we can think of something. So stop worrying much okay? We are all here for you, to help you” masuyong sabi ni mama Renee sa inaanak.

“Thank you po. Salamat sa inyong lahat” natouched na sabi ni Cinderella.

“Now all we have to do is buy some of this same fabric! I’m going to call some of my best seamstress to come here!” excited na sabi ni mama Renee.

“And I’m going to buy those fabrics!” energetic na sabi naman ni Charlie.

“No Charlie, you can’t go!” tutol ni Cinderella.

“Why not?” malakas na tanong ni Charlie.

“Sa divisoria ko nabili yung ibang mga tela. Kaya tiyak na pagkakaguluhan ka dun kahit kasama mo pa ang mga bodyguards mo” paliwanag naman ni Cinderella.

“And I’m sure that Lady Priscilla will freak out! So mas mabuti pa na ako na lang ang pupunta doon!” singit naman ni Phillip.

“That’s right! At ako naman maiiwan dito para tulungan kayo ni mama Renee na gawin ang damit! I’m also a fashion graduate remember!” proud pang sabi ni Jessie.

“Eh sino naman ang makakasama ko?” parang bata na tanong ni Phillip.

“I’ll ask some of my bodyguards to help you” sagot ni Charlie.

“At tatawagan ko si ate Doris at mang Ador para samahan ka din! Alam nila kung saan ako bumili!” nakangiti nang sabi ni Cinderella.

“Okay, mabuti pa dadaanan ko na lang sila para mas mabilis!” sabi ni Phillip.

“Okay my loves! Ingat kayo ha?” sweet na bilin ni Jessie sa boyfriend.

“No problem my loves!” malambing namang sagot ni Phillip sabay halik sa pisngi ni Jessie.

“Maraming salamat Phillip!” pahabol pa ni Cinderella.

“No problem! Anything for you, anything for the best friend of my loves and anything for the love of my best friend!” maharot pang sabi ni Phillip bago umalis.

“How about me? What can I do?” nakapamewang na tanong ni Charlie.

“Paano kaya kung ikaw naman ang incharge sa meryenda?” biro ni Jessie.

Lumaki ang pagkakangiti ni Charlie. “Now that’s where I’m good at! Wait I’ll just make a call! Who wants pizza?”

“Aye!” sabay sabay nilang sagot.

“And can I also request for a cappuccino frappe?” masuyong tanong ni Cinderella.

“Of course, pizza and cappuccino frappe coming up!” nakangiting sabi ni Charlie.

“Thank you” mahina ngunit buong pusong sabi ni Cinderella kay Charlie.

“Anything for my beloved Cinderella” mahina ring sabi ni Charlie sabay halik sa noo ng dalaga.

“Uy! Uy! Uy! Mamaya na yan! Baka langgamin tayo dito eh marami pa tayong gagawin!” tukso ni Jessie sa dalawa. At nagkatawanan pa sila ni mama Renee.

Matapos ang ilang oras ay dumating na sila Phillip at Doris dala ang mga tela. Si mang Ador naman ay agad ding umuwi dahil biglang tinawagan ni madam Gretta.

Ilang tauhan din ni mama Renee sa shop nya ang dumating para tulungan silang tapusin ang mga damit. Mga limang damit din kasi ang nasira kaya kinailangan nila ng mas maraming tulong. May mga tauhan din sila Cinderella sa garments factory nila na tumulong lalo na para sa mga beadworks.

Si Jessie ay natutuwa dahil muli nyang nagamit ang kanyang fashion skills. Samantalang ang dalawang binata naman ay ang syang nagpapameryenda sa mga tumutulong at minsan sila rin ang nagsisilbing entertainer sa mga iyon.

Nang malaman ni Lady Priscilla at Don Ricardo ang nangyari ay nagpadala pa sila ng mas marami pang pagkain. Nagulat nga sila nang makita ang tila catering na nakahain sa opisina ni Cinderella.

Napabuntong hininga pa si Cinderella nang makita ang lahat ng taong tumutulong sa kanya. Ang lahat ng kanyang mga minamahal ay naroon para damayan sya sa oras ng pangangailangan. Naluluha pa sya sa sobrang kaligayahang nararamdaman.

Biglang inakbayan ni Charlie si Cinderella. “See? I told you everything will be alright.”

“Yes, and I believe you. Thank you again” nakangiting sabot ni Cinderella.

Pinunasan pa ni Charlie ang ilang butil ng pawis na nasa noo ni Cinderella at saka inipit ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ng dalaga. “Hwag kang masyadong magpakapagod ha? Tomorrow night is your big night. So you need to rest, okay love?”

Kinuha ni Cinderella ang face towel kay Charlie at pinunasan din ang pawis nito. “You too, my knight in shining armor” marahang dinampian ni Cidnerella ng halik sa pisngi si Charlie.

Bago maghating gabi ay himalang natapos nila ang mga damit. Agad nilang pinack ang mga iyon at napagdesisyunang sa shop nalang ni mama Renee itago ang lahat bago ito dalhin sa venue kinabukasan ng umaga.

“Now cheers for all our effort!” taas ni Phillip ng isang baso ng orange juice.

“Cheers!!!” sagot ng lahat.

“Cheers for tomorrow’s show!” sabi naman ni Jessie.

“Cheers!!!”

“And cheers for all the wonderful people who helped me get thru all the tough times! Cheers for friendship and love!” emosyonal na sabi ni Cinderella.

“Cheers for all of us!” malakas na sabi naman ni Charlie.

“Cheers!!!” masayang sigaw ng lahat.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon