CHAPTER FOUR

7.3K 87 0
                                    

CHAPTER FOUR: The Old Bedroom

“To Hot to Handle?” tila matatawang tanong ni Doris nang makita si Cinderella na pumasok sa kusina.

Sumimangot siya sabay kibit balikat. “Hay naku ate Doris. Wag mo nang tanungin. Mahabang kwento.”

Nangiti si Doris sa reaksyon ng kaharap. “Tapos na ‘kong magluto ng hapunan. Marami akong oras para makinig.”

Pasalampak na umupo si Cinderella sa harap ng kitchen counter sabay nangalumbaba. At naiinis pa ring ikinwento ang nangyari sa kanya sa mall.

Tawa naman ng tawa si Doris nang matapos ang pagkukwento ng dalaga.

“Tawa ka dyan? Ano namang nakakatawa sa nangyari? Puro nga kamalasan eh” at parang bata na nakalabi pa si Cinderella.

“Wala lang. Natutuwa lang ako. Kasi sa unang pagkakataon nagtaray ka.”

Di makapaniwala si Cinderella sa narinig. “Ano namang nakakatuwa dun ate Doris? Hindi kaya masarap sa pakiramdam ang nagtataray.”

“Pero atleast natuto kang iexpress ang nararamdaman mo. Naipakita mo na naiinis ka dahil mali ang ginawa sa’yo. Natuto kang ipaglaban ang karapatan mo” mahinahon pero puno ng pride na sabi ni Doris.

Tahimik lang si Cinderella na ninanamnam ang sinabi ng kaharap. Naisip nyang may punto si Doris.

“Masyado ka kasing mabait Cinderella eh. Kaya madalas laging pinagsasamantalahan iyon ng mga taong walang malasakit sa’yo. Kinakayan kayanan ka lang kasi nga ayaw mong lumaban” concern pang dagdag ni Doris.

“Ayoko kasi ng gulo ate Doris eh. Ayokong may masaktan ako” malungkot na sabi ni Cinderella.

“Kaya hinahayaan mo na lang na ikaw ang masaktan? Ganun ba? Hay naku, ang alaga ko. Napakabait talaga. Alam mo parang gusto ko tuloy makilala yung lalaking tinarayan mo. Bibigyan ko lang ng award. Siya kaya ang unang taong tinarayan mo! Kaaward award yun!” pag-iiba ni Doris ng usapan para mawala ang lungkot ni Cinderella.

“Come to think of it, nakakatuwa nga yung reaksyon nya habang sinesermunan ko sya” natatawang sabi ni Cinderella.

“Teka nga, may itsura ba?” patuksong tanong ni Doris.

“Ate Doris ha! Well…pwede na. Kung hindi lang siguro sya antipatiko at medyo bastos” at nangiti si Cinderella sa pag-alala sa lalaking nakaengkwentro sa mall.

“Naku ang señorita ko ngumingiti ng kakaiba!” tukso pa ni Doris.

“Naku ate Doris, mabuti pa magbihis na muna ako at tutulungan na lang kitang maghain. Nandyan na ba sila mama?”

“Oo kararating lang din nila. Sige na, magbihis ka na” utos ni Doris kay Cinderella.

I AM CINDERELLAOnde histórias criam vida. Descubra agora